"Jerico, sayo na lang oh, busog na ko eh" 

"Diet ka na naman, ubusin mo yan."

"Hindi ah! Busog na talaga ko bes, sige na kasi sayang naman kung walang kakain eh." 

"Sus, subuan mo ko, kakainin ko yan,.. aaaahhh" 

"Bata? Haha. Cute naman ng baby ko... aah.- sarap diba?" 

Para lang kaming magboyfriend ng mga oras na to, sana ganito na lang kami lagi, sana madagdagan ang role ko sa buhay nya. Sana akin sya. 

Pagkatapos naming kumain, hinatid ko na sya sa bahay nila at agad din naman akong umuwi. 

Habang naglalakad ako pauwi, nakasalubong ko si Marion. Pinakilala sya sakin ni Erika nung isang beses nakita ko sila sa mall na magkasama, friend nya daw. =__=. Syempre ako naman itong nagselos, isipin ko pa lang may iba syang kasama at lalaki pa gusto ng sumabog ng puso ko. Hindi naman kami close nitong Marion na to, pero hinarang ko sya para tanungin.

"Oi tol, san punta mo?" tanong ko sa kanya.

"Uy.. Ikaw pala.. Papunta ko sa bahay nila Erika eh, susunduin ko sana" 

"talaga? may usapan kayo? San naman kayo pupunta?" nabadtrip naman ako bigla, ang aga- aga naman nitong mangbubulabog, 10am pa lang kaya! tss. 

"wala naman, yayayain ko lang syang magmall. magpapasama lang, ikaw san ka pupunta?" 

"huh? ahh.. sa bahay din nila. tara sabay na tayo" 

Kahit kagagaling ko lang dun, sinabi ko pa rin na dun ako pupunta. Ayokong sumama sya dito. Hindi na kami nag-usap habang naglalakad, kinuha ko yung phone ko at tinext si Erika.

[Bes.. pinapapunta ka ni mommy sa bahay, tikman mo daw yung bago nyang recipe. Pabalik na ko dyan, sunduin kita .]

"ah.. Marion, una ka na.. may dadaanan muna ko" sabi ko sa kanya tsaka ako lumiko sa kabilang kanto. Para lang hindi alam ni Erika na alam ko na na may balak si Marion na yayain sya. 

Erika's POV

[Bes.. pinapapunta ka ni mommy sa bahay, tikman mo daw yung bago nyang recipe. Pabalik na ko dyan, sunduin kita .]

waahh!! hahaha. saya! makakatikim ulit ako ng luto ni Tita Janet! favorite ko mga luto ng mommy ni Ico eh, sarap kasi! the best! hehehe.. pero masarap din naman magluto si mama, pero iba pa rin yung kay tita eh, professional Chef kasi yun, ;) excited na ko! 

>>.DING---DONG.<<

Dali-dali akong tumakbo palabas para buksan yung gate, baka si Bes na to! ^__^

"BeS! Tara na daliiiiiiiiiiiiiiiiiii" 

"Ayyyy... sorry... Ikaw pala MArion., what brought you here?"

"ahh.. Hi Erika, mukang may hinihintay ka ahh ,, uhm, gusto ko sana invite ka magmall eh, papasama sana ako. okay lang ba?"

"ahh... ehh....ano eh ..  pasok ka muna, tara" 

Then pasok naman kami. Inexplain ko sa kanya na hindi ako pwede kasi may nakaset na akong lakad, nakakahiya naman kay Tita janet pag hindi ako pumunta, at isa pa gusto ko yung luto ni Tita.. waahh.. Sorry Marion. >.<

"ganon ba? sige okay lang.. may next time pa naman eh"

"pasensya na talaga ah......  ------- Uy bes! nandyan ka na pala!

Nasa loob na ng bahay si Ico, walang katok o doorbell .. welcome na sya dito sa bahay eh, sya na nagbubukas ng gate namin, hahaha.. ganun din naman ako sa kanila . ^_^

One ShotsWhere stories live. Discover now