"Yes, i can" :)

Then, that's it. Haha! After that activity, palagi na kaming magkasama. Nagpupunta rin sya sa bahay namin, para maglaro sa mini playground namin. Nagpupunta rin ako sa kanila para maglaro ng play station. Minsan sleep over ako sa kanila, sya din naman samin pag natripan nya. 

Hindi kami pareho ng pinasukan ng high school dahil magkaiba ang gusto ng parents namin, pero madalas pa rin naman kami magkita. Malapit lang din naman kasi ang bahay namin sa kanila. 

Minsan nga inakala ng mga classmate ko na boyfriend ko sya dahil lagi nya akong sinusundo pag uwian. Pero syempre, sabi ko bestfriend ko sya. 

***back to setting***

"Sa puso mo nga!" sigaw nito dahil malayo na sya sakin.

"Ewan ko sayo! Bahala ka nga!"

"Haha, pikon mo talaga bes. Cr lang, sama ka?"

Hindi ko na sya pinansin at naupo na lang ulit sa bench.. 

Minsan hindi ko maintindihan ugali nya eh, masungit, suplado, tapos biglang masayahin, palabiro at bolero. 

"Grabe, na-flush na yata sa inidoro yun eh. Ang tagal ah!" Tumayo ako para tingnan kung padating na ba sya, pero wala pa rin eh kaya naglakad na ako papunta sa may public restroom. Nasa may malapit lang ako ng restroom habang hinihintay sya. Pero ilang tao na ang lumabas, bakit wala sya. Naiinis na ko.! Iniwan nya ba ko?! 

Umalis na ko sa may restroom para umuwi mag isa. Nakasimangot ako habang naglalakad ng may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko.

"Erika!."

"Bes! Nasaan ka ba?"

"Erika! " 

Napatigil ako sa paglakad ng makita ko syang nakatalikod at naghahanap sa paligid. May hawak syang maraming lobo na iba't ibang kulay. Parang binili nya lahat yung tinda na lobo nung nakita namin kanina.

Nung makalingon na sya sa direksyon ko, agad syang tumakbo at niyakap ako na naging dahilan ng paglipad ng mga lobo. 

"Wah! Yung lobo" Agad kong sabi pagkalipad ng mga lobo kasabay ng pagyakap nito sakin. 

"San ka ba nagpunta? Pinag alala mo ko! Gusto mo ba akong mamatay sa takot huh?!" 

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tumingin diretso sa aking mga mata. 

"Bes, yung lobo..." tinuro ko yung mga lobo na lumilipad, segway kung baga. May kakaiba kasi akong naramdaman sa yakap nya. 

"Tss. Kainis to. Hay.. hayaan mo na yun, san ka ba nagpunta? Bakit nawala ka?" 

"Ang tagal mo kaya! Kaya pinuntahan kita dun pero wala ka naman! Ako pa nakakainis, eh ikaw nga tong pinaghintay ako ng matagal, ikaw ang san nagpunta?!"

"Hinanap ko kasi yung nagtitinda ng lobo kaya natagalan ako"

"Ano ba kasing trip mo at naisipan mong bumili ? May party ba?" 

JERICO'S POV

 "Ano ba kasing trip mo at naisipan mong bumili ? May party ba?" 

Magtatapat na ako sayo, sasabihin ko nang mahal kita. 

 Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero wala, nasira yung plano ko. Ayaw yata ng tadhana na magtapat ako sa kanya.

"Wala naman, tamang trip lang. Tara na nga, kain na tayo"  hinigit ko ang kamay nya saka ako nagsimulang maglakad. 

Si Erika, bestfriend ko, ang babaeng mahal ko. Sa tagal na naming magkakilala at sa tagal ko na syang lihim na minamahal, napagtanto ko na it's about time to let her know my unrequited love for my one and only bestfriend, who else, its Erika Jane Calderon. 

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon