Chapter 7. [Proposal]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy Hannah. Di ka pa naliligo? Bilisan mo nga!" humarap ako sa kanya.

"Dylan..." nahihiya kong sabi. "Pahiram naman ako ng damit! Sige na! Kahit t-shirt lang!"

Biglang nanlaki yung mata niya. "Hindi ako nagpapahiram ng damit ko! Atsaka, bakit ka manghihiram sakin? May dala kang mga damit hindi mo gamitin!"

"Bakit ba ang sungit mo sakin? Nanghihiram lang naman ako! Ngayong gabi lang! Bibili naman ako bukas ng umaga eh! Wala lang talaga akong matino na maisusuot!"

"Nagdala ka pa ng luggage! Ano yun pang-props? Ang tanga mo naman!" ang sakit naman sa ulo ng lalaking 'to. -_-

"Si Dara kasi yung nagpalit ng luggage ko. Wala akong masusuot na matino dun sa mga yun! Sige na please?" nag-please sign pa ako sa kanya.

Tinignan niya lang ako from head to toe. Tapos nagsmirk sakin.

"Di wag kang magbihis."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"A-ano?!"

Lumapit siya sakin at tinuro-turo yung noo ko. "Ang sabi ko, kung wala kang pamalit. Wag ka ng magbihis." tinitigan niya ako ng matagal. "Asawa mo na naman ako."

H-huh?!

"HUWAAAA ANG BASTOS MO!!!" pinaghahampas ko siya ng malakas. "ANG SAMA MO! AKALA KO MABAIT KA! NAKAKAINIS KA! DYAN KA NA NGA!" tumalikod na ako nun at tumakbo papunta sa CR.

Nilock ko yung pinto at napatingin ako sa salamin. Nakakainis! Ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa isang tao! Bakit ba siya ganun? Hindi mo ba siya makakausap ng matino?

Paano na ako nito? Hindi pa naman ako sanay na hindi maligo sa gabi. Naiiyak ako.

Napaupo ako sa sahig. Grabe, naiiyak na ako sa mga nangyayari! Nakakainis. Ang babaw ng luha ko! Ayoko kasi ng ganun eh.

Ilang minuto ng nakakalipas, hindi pa rin ako makaget-over. Huhuhu.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon