Prologue

11 0 0
                                        




Author's note: Please read for you to have an idea about our main character's life.

Mahirap mabuhay magisa. Syempre sino bang taong gugustuhing mabuhay magisa diba? Actually may pamilya ako. ngunit noon yun. Dahil ngayon, nandoon na sila sa kung saan man sila namamahinga't masaya. Maayos ang pamilya ko noon, wala man akong matandaan tungkol sa kanila eh masasabi ko parin na maayos kami dahil iba ang ngiting nakikita ko sa mga litratong natira nalang sakin ngayon. Masasabi kong sa tuwing tumitingin ako sa litratong yun eh pakiramdam ko buo parin kami hanggang ngayon, kasabay ko sila sa bawat tagumpay sa buhay ko. Pero alam ko, alam ko na iba ang pakiramdam kung totoong nandito talaga sila sa tabi ko. Yung pakiramdam na paguwi mo may madadatnan kang masayang pamilya, may kasama ka sa pagshopping sa small. May kaaway kang mga kapatid at higit sa lahat. May kasama ka hanggang sa pagbuo mo ng sariling pamilya.

Ako si Elysse. Elysse Chandria D. Gonzales. Sabi ng nagalaga sakin, ang ama ko ay isang sikat na doktor at ang nanay ko naman ay isang professor sa isang sikat na unibersidad sa New Zealand. May kapatid akong isang babae, mas matanda sya sa akin ng sampung taon. Base din sa nagalaga sakin, kung buhay pa daw si ate ay isa siyang manunulat ngayon. Ngunit noong 5 years old palang ako, nangyari ang isang pangyayari hindi inaasahan ng kahit sino. Namassacre ang pamilya namin dahil sa inggit ng kapwa doktor ng ama ko dahil sa tagumpay na narating niya. Hindi ko alam kung paanong nangyari ako nalang ang buhay matapos ang pangyayaring yun at nakita lang daw ako sa loob ng cabinet ng kwarto ng ate ko. Sabi ng iba ang swerte ko't nagkaroon ako ng pagkakataong mapagpatuloy pa ang buhay ko sa mundo. Oo swerte sa paningin ng iba ngunit ako, sa sarili ko mismo tinatanong kung bakit kailangang mangyari yun at maulila ako ng napakaaga.

21 years old ako noon nang nangyari ang isang pangyayaring hindi ko matandaan. Base sa kwento, nagkaroon daw ng aberya ang sinasakyan kong barko kasama ang nagiisang tita ko na kapatid daw ng ina ko at ang kaibigan nitong isa ding doktor. Ang barkong sinasakyan namin ay dapat sana'y papunta sa mindoro ngunit ng gabing iyon ay nagkaroon ng aberya ang machines ng barko at nasunog ito. Habang nasusunog daw ang barko, si tita daw ay agad akong ibinilin sa kaibigan niya dahil sa tingin niya'y hindi niya ako maliligtas. Oo, 21 years old na ako noon ngunit kinakailangan akong ibilin dahil daw hindi ako marunong lumangoy at may sakit daw ako sa puso. Sumabog ang kalahating bahagi ng barko at sa kasamaang palad, nandoon daw ang tita ko. Ngunit sa lakas ng pagsabog ay tumalsik at mula sa open terrace ng barko, nalaglag ako sa forecastle ng barko't tumama ang ulo ko. Ayun ang naging dahilan ng pagkawala ng memorya ko.

Ang kaibigan ni tita ay ligtas na nabuhay't may memorya pang dala-dala dahil siya'y nakatalon sa dagat't sinwerteng nakakapit sa tumalsik na materyales ng barko. Kasalukyan, isa siyang sikat na doktor. Siya ay si Dra. Alessandra Espino. Tumagal ng 2 taon bago ako muling gumaling at nakarecover sa paninibago ko sa mundo. mabuti na lamang ay nandyan si Tita Sandra at natulungan niya ako sa paggaling ko at pagbalik ng mga memorya ko. 24 years old na ako ngayon at hanggang ngayon, wala parin akong matandaan kahit isang mukha ng kahapon. Hindi ko alam kung bakit ngunit naniniwala akong mayroong dahilan ang lahat. Kaya pinupursigi ko na bumalik ang memorya ko habang umuusad ang panahon.

Kasalukuyang nasa United Kingdom si Tita Sandra. Magiisang taon palang siya doon. Ayon sa kanya doon talaga siya nagtatrabaho't kinakailangan niyang bumalik matapos akong makarecover. Kaya ngayon, magisa na lamang akong namumuhay't humahanap ng pagasang masasagot din ang mga katanungan ko tungkol sa pagkatao ko.

-----------------------

Her unknown identityStories to obsess over. Discover now