Sino ang maaaring sumali?

767 69 23
                                    

Sinu-sino ang mga pwedeng lumahok sa Writing War?

1. Lahat ng mga undiscovered, amateur, at mga sumusubok pa lamang matuto na manunulat.

2. Lahat ng may pagmamahal sa sining ng pagsulat. Walang age limit.

3. Lahat ng may kakayahang sumulat ng 2,000 - 5,000 salitang maikling kwento sa isang tiyak na palugit (deadline).

4. Lahat ng may kakayahang tumanggap ng payo, pagwawasto, at kritisismo upang umunlad sa pagsulat.

Anong kwento ang maaaring ilahok?

1. Isang maikling kwento na MIXED GENRE (dalawang genre), na isusulat pa lamang (o ideya pa lamang), sa anumang POV, na hindi lalagpas sa 5,000 salita kapag natapos. 

2. Isang maikling kwentong may pangunahing genre at pangalawang genre. 

3. Alinmang sisimulang maikling kwento na isusulat sa purong Filipino o sa maayos na Tag-Lish. Hindi muna ako tatanggap sa season na ito ng mga akdang nasa English.

Gaano kalaya ang iyong panulat sa Writing War 01?

MALAYA. Wala akong theme na ibibigay. Wala akong ibabawal sa nilalaman (SPG, gore, o aliens man). Anumang ideya ng kwento ay maaari mong isali.

Isa lang ang kailangan mong gawin at ng iyong kwento:

Blow me away. Make me interested. Catch my attention. Sa unang linya pa lang. ^_^

Writing War 01 (Short Story Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon