Wizard's Tale 1: Chapter 13

186K 4.8K 638
                                    


(Alyanna POV)


"Teka, ano na namang gusto mong gawin ko?" May gusto kasing sabihin yung fairy na may kulay pink na pakpak, kaso hindi naman maintindihan ni Brylle! Naturingang wizard pa naman!

"Yung isa daw yung itanim mo! Wag yang halaman na yan!"

Napailing na lang si Brylle at ginawa ang sinabi ko. Nagmistulan na akong translator niya sa tuwing kinakausap siya ng mga fairies.

"Ibang klase! Ako ang amo dito tapos kasama pala akong pagbubungkalin niyo ng lupa." Reklamo ni Brylle. "Ikaw ang may gustong mag-ayos nitong hardin ko, idadamay mo rin pala ako. Tsk!"

At dahil sa non-stop niyang kaartehan, napansin kong hinila ang buhok niya ng isang fairy. "Aray ko! Bakit nananakit ka na? Gusto mong pitikin kita?"

Dahil sa banta ni Brylle, nagulat tuloy yung mga fairies at sabay-sabay silang nagtago sa likod ko.

"Joke! Joke lang! Wag kayong matakot saakin, binibiro ko lang kayo."

Pinandilatan ko naman si Brylle. Siya ang may sabi saakin na wag tatakutin ang mga Nature Spirits tapos yun naman pala, siya ang mananakot sa kanila. "Oo nga, wag na kayong matakot sa wizard na yan. Mabait naman siya kahit bugnutin lang minsan. Kahit nga batuhin ko ng lupa yan, hindi magagalit yan."

At dahil sinabi ko, ginawa ko. Dumakot ako ng lupa at ibinato ko sa mukha ni Brylle. Nagulat siya sa ginawa ko at halatang nagpipigil ng inis pero ang tanging nagawa niya lang ay ngitian ako.

"Oh di ba? Ang bait ni Brylle. Hindi nagalit!" At sa loob-loob ko, humahagalpak na ako kakatawa. Hindi siya makapalag eh.

Naniwala naman na saakin ang mga Earth Fairies at hindi na uli natakot kay Brylle.

"Seriously, how can you understand them?"

"Can't you?"

"Matagal na akong nakikipag-trabaho sa mga Nature Spirits and yes, I've worked with Earth Fairies before. But until now, hindi ko pa rin sila maintindihan."

Ang weird! Bakit ako, nage-gets ko agad? I looked at them at sa totoo lang, ang dali lang talaga nilang intindihin. Somehow, I seemed to know how to speak their language too. I just can't figure how I do it.

"Madali lang silang intindihin. Titigan at pakinggan mo lang silang maigi."

"Mahirap silang intindihin." Pagdidiin ni Brylle. "It really puzzles me how you do it."

Napakibit-balikat na lang ako. Hindi ko rin talaga alam kung paano ko nagagawa 'to. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pagbubungkal at pagtatanim.

Pero nung mapatingin uli ako sa direksyon ni Brylle, seryoso na rin siya sa ginagawa niyang pagtulong. Napaisip tuloy ako na hindi niya talaga dapat ginagawa ito. Nahiya ako kasi ito dapat ang paraan ko para makabawi sa kanya.

"Brylle, ayos na. Ako na ang bahalang gumawa dito. Maghugas ka na ng kamay mo, pati ng mukha mo.."

"Ha?" Sinagot niya ako nang hindi tumitingin saakin. Nakatuon na talaga siya sa ginagawa niya. "Heto na, sinimulan ko na eh. At tsaka baka pagdiskitahan pa ako ng mga tinawag kong Earth Fairies kapag hindi ako tumulong."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. I actually think that when he's like this, he's kind of charming. Although given na gwapo naman na talaga siya!

My gawd! Pero ano ba 'tong iniisip ko? Inilipat ko na lang uli ang attention ko sa ginagawa ko. Kaso yung purple fairy na nasa harap ko, chini-chika pa ako.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon