Part 1 of 3

1K 20 0
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ni Seungcheol sa opisina.

"Seungcheol, gawin mo 'to. Pag natapos mo na, ibigay mo kay Director Jung." Bumungad agad ang isa sa mga sunbae niya at may binigay sa kanyang papeles.

"Sige po." Mabilis siyang naglakad papunta sa desk niya para gawin 'yon. Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya.

"Seungcheol, eto yung pinapabigay ni Minji kahapon. Tsaka pwede ka bang mag OT? Nag-leave kasi si Jungmin, walang tatapos ng gagawin niya. Salamat."

Hindi pa nakakapag-react si Seungcheol ay nilapag na agad ng katrabaho niya ang mga gagawin. Lagi nalang ganon. Araw araw. Wala naman siyang magagawa. Kailangan niya kumita.

Ang haba ng araw. Lumipas ang ilang oras at dumating din ang break time, 3 hours bago siya makauwi. Napasandal nalang si Seungcheol sa upuan niya at bumuntong hininga. Kinuha niya ang kape na nasa lamesa at ininom ito.

Lumabas naman ang isa sa mga boss nila, kaya ang lahat ay napatingin dito.

"Okay, Guys! Mahalaga ang araw bukas!"
Masiglang sabi nito.

Nagtaka naman ang iba, yung ibang babae naman ay nagsibulungan at parang kinikilig pa. Yung iba may bitter na itsura sa mukha. Ang mga lalake naman ay nagsireklamuhan, habang ang iba ay parang masaya.

Si Seungcheol, wala lang. Walang ganang nakikinig. Pinaglaruan niya ang straw ng kape niya habang hinihintay ang mga sasabihin ng boss nila.

"Wala bang nakakaalam kung anong araw bukas?"

Sabay sabay na sumigaw ang mga babae, "Valentine's Day!"

"At dahil Valentine's Day bukas, kung sino ang makatapos ng lahat ng gawain nila ngayon ay makakauwi ng maaga bukas." Natatawang sabi ng boss nila.

"Kaya tapusin niyo na ang mga ginagawa niyo dahil alam ko na karamihan sa inyo ay may date bukas, tama ba?"

"Ne!" Sabay sabay na sagot.

Pagkatapos no'n ay bumalik na sa loob ng opisina ang boss nila at nagsibalikan na din sa mga stations ang lahat.

Tumingin si Seungcheol sa orasan. "Sht, 8 pm palang." Nagkamot si Seungcheol ng ulo at bumalik sa trabaho niya.

"Ang sipag natin ngayon ah?" Sa boses palang niya, ay kilala na siya ni Seungcheol. Si Jisoo, isa sa mga tropa niya nung high school. Ang swerte nga at naging magkatrabaho sila.

"Kailangan ko kasi matapos 'to."

"May date ka 'no?" Sabi ni Jisoo sa mapang-asar na tono.

"Gago, wala." Natatawang sagot ni Seungcheol.

"Wala daw. Sus, kilala kita, Cheol."

"Wala nga, Tangnang yan." Sabi ni Seungcheol at hinampas ng folder si Jisoo sa ulo kaya natawa ang kaibigan.

"Oo na, wala na nga."

"Bumalik ka na nga sa lamesa mo."

"Yes, boss."

Bumalik naman agad si Jisoo sa station niya. Oras nanaman ang lumipas, papalapit na ang uwi ni Seungcheol.

"And... Done! Enter!" Huminga ng malalim si Seungcheol at nag-inat. Humikab siya at pinasa na ang mga gawain niya.

Nang matapos ay agad na nagligpit ng gamit saka nagpaalam sa mga kasamahan na uuwi na siya.

Pauwi, habang nagmamaneho ng kotse ay may nakita si Seungcheol sa daan na lalakeng naka-jacket na may hood. Hindi niya ito pinansin at dumiretso sa bahay.

Inilapag niya lahat ng gamit sa sofa at nagpalit ng damit. Pumasok na siya sa kuwarto at tumingin sa orasan.

10:04 pm.

"Tangina, ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Seungcheol at pumikit na upang makatulog.

Nang ipikit ang mata ay narinig niyang bumukas ang pinto at niyugyog siya.

"Seungcheol! Seungcheol!" Medyo pabulong na sabi nito. Nakauwi na pala si Jeonghan.

Kinusot ni Seungcheol ang mga mata niya at umupo sa pagkakahiga at tumingin sa orasan bago tumingin sa nobyo.

12:08 am.

"Jeonghan, bakit? Anong problema?" Tumingin siya dito, hinawakan naman ni Jeonghan ang braso ni Seungcheol. Sobrang nanlalamig ang mga kamay ni Jeonghan

"Bakit?" Nagaalalang tinignan ni Seungcheol si Jeonghan.

"T-there's... There's an intruder inside the house."

---

~Will be a VERY short story. Ranging from 3-5 chapters only or may exceed. Depends on how it goes.

~First jeongcheol ff. Why not give it a shot? ^^

~Short chapters. Coz that's how I want it pfft.

Title:
Intruder

Ship/OTP:
Jeongcheol/CoupsHan

Genre:
Fanfic | Thriller | Angst

(Not sure about the thriller part tho XD)

Dedication/s: healyng to Eonneng becoz hehehe she's pritty DAW. XD jk eonneng, ur pritty namern. & To all Jeongcheol Shippers.

Intruder • Jeongcheol Where stories live. Discover now