"Matulog na... Bukas nalang tayo mag-usap-usap." Sabi nya sakin at naglakad na paalis.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto, alam ko kasing tulog na si Ci-N. Hindi naman ako nagkamali dahil ang lakas ng hilik nya.

Pagpasok ko sa loob bigla nalang tumunog yung phone ko.

King Ulupong Calling...

Sinagot ko yun pagsara ko ng pinto.

"Hello..."

["Kinagalitan ka?"]

"Hmmm... Oo pero bukas nalang daw kami mag-usap."

["Sasabihin na ba natin?"]

Taka ako'ng napatingin sa cellphone bago idikit ulit sa tenga ko.

"Sasabihin ang alin?"

["Na buntis kana, at tayong dalawa ang magpapasakal."] Sabi nya at bigla nalang tumawa sa kabilang linya.

Ang lakas talaga ng tama nya sa utak!

"Umayos ka nga!" Sigaw ko.

Agad kong tinakpan yung bibig ko. Nawala sa isip ko na natutulog na pala si Ci-N.

"...parang sira. Matulog ka na nga."

["Hindi pa ko pwedeng matulog. I have many things to do."]

"Anu naman yun?"

["Secret... I have to go. Wag kang mag-wet dream tungkol sakin."]

Tang'na! Gago talaga ang wala'ng hiya'ng to!

"Ang kapal mo!" Sigaw ko na naman.

Wala na ko'ng paki kung magising si Ci-N. Binubwisit kasi talaga ko ng isang to!

Malakas na tawa lang naman ang sinasagot nya sakin. Para'ng mali pa ata na umamin ako sa kanya.

["Sige... Good night my life. I love you to infinity and beyond."]

Bigla nalang ako'ng nanigas dahil sa sinabi nya. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko.

Kinikilig ba ko?! Kingina!

"Good night din and i love...." Napatigil ako ng makita kong naka-dilat si Ci at nakatingin sakin. "...Me."

Agad kong pinatay yung tawag ng hindi na hinihintay yung sasabihin nung Hari. Binaba ko yung phone sa kama at patay malisyang dumiretso sa cabinet ko para kumuha ng pamalet.

"Sige deadma-hin mo ko." Sabi ni Ci-N sakin.

"G-gising ka pala?"

"Ay hindi... Tulog ako. Natutulog ako'ng nakadilat eh." Pamimilosopo nya.

Tinignan ko lang sya ng masama. Luko'ng to! Nagawa pa'ng mamilosopo.

"Sino yun?" Tanung nya.

Agad akong tumingin sa apat na sulok ng kwarto at umarte'ng may hinahanap.

"Ang alin? Saan? May nakikita kaba?" Sabi ko habang patuloy sa paghahanap.

Alam ko naman kung sino'ng tinutukoy nya. Baka lang sakaling makalusot. Ayokong sabihin at alam kong hindi pa natatapos na gabi na to kalat na sa buong bayan yung malalaman nya.

"Ituloy mo yan... Pagkakalat kong may boyfriend kana." Banta nya.

Hindi ko boyfriend yun!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon