Chloe's POV

"I have to be honest with you, Nathan." magkatabi kami ngayon na nakatayo sa veranda "Hindi ko gusto ang ideya ng parents natin. Alam naman natin na walang nangyari sa atin diba?"

"I know. Pero anong gusto mong gawin ko tutulan ang pasya ng mga magulang ko? O kaya naman makipag-away sa papa mo?"

"hindi sa ganoon pero pwede mo naman akong tulungan na magpaliwanag sa papa ko diba? hindi yang ganyan na mananahimik ka at nagpapatianod sa nagaganap."

"hindi ako sumasagot dahil ayokong sumahol ang galit ng papa mo okay? tama naman sya na kahit na sinong magulang ay hindi papayag na hindi maitayo ang karangalan ng anak nila kapag nangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon."

"Nathan ano ka ba? Alam mo naman na-----"

"Pero sa nangyari na ito, may mga nakakaalam na rin na nahuli ako ng papa mo na natutulog sa silid mo. Sa palagay mo ba hindi magiging usap-usapan dito sa atin ang nangyari?" Habambuhay nilang iisipin na naargrabyado kita kapag hindi ako pumayag na pakasalan ka."

"Anong pakielam ko sa sasabihin ng mga tao? Ang pinakamabigat na dahilan ay hindi kita GUSTO nathan. Hindi kita GUSTO bilang ASAWA. Alam mo naman na hanggan kaibigan lang ang turing at nararamdaman ko sayo diba. Ayokong magka-asawa ng lalaking malikot ang puso sa larangan ng pag-ibig. You're nothing but a face. Pero hindi kita ideal na maging partner habambuhay." shet! bakit ko nasabi yun? mukhang nasaktan si Nathan...

"How dare you to say that to me, Chloe Nicole! Akala ko pa naman noon at naiintindihan mo ako kapag nagko-confide ako sayo na kaya hindi nagtagal ang anumang relasyon ko ay dahil may hinahanap ako na hindi ko makita sa kanila, iyon pala-------"

"Tama na! Huwag na nating pag-usapan yon! Okay kang kaibigan Nathan pero asawa hindi ko ata alam ang gagawin ko kapag ikaw ang nakasama ko habambuhay. I can't imagine myself sleeping beside you, making love with you."

"Chloe Nicole!"

"I'm so sorry pero sinabi ko naman na ayaw ko sayo, ayoko sa kasalang ito. Isa pa mga bata pa tayo. Aminin nating pareho, hindi pa tayo handa sa ganitong bagay."

"Anong magagawa mo Chloe? Napagkasunduan na ng mga magulang natin na ipakasal tayo."

"No one can push me to do anything that i dont like! I'm the master of myself Nathan. Kung ikaw ay parang aso na may tali sa leeg ay iba ako. May sarili akong isip at nagdedesisyon ako para sa sarili ko."

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now