Sorry Lyndon.

Dahan dahan pa akong sumilip bago lumabas, "nice!" Napatingin ako kay kuya, di tulad kanina ay nakapambahay na lamang ito, so sino ang kasama ko kung hindi pala si kuya?

Ah, si Henry siguro?

Wala na rin silang inaksayang panahon at agad akong hinatak ni mama at pinaupo sa isang upuan, pagkaupong pagkaupo ko ay agad namang lumapit sa akin yung dalawang babae, yung isa ay inayos ang medyo basa ko pang buhok habang ang isa naman ay nag-umpisa nang maglagay ng makeup.

Hindi pa man natatapos ang pag-aayos sa akin ay narinig kong pumasok yung isang security sa kwarto at may sinabi kina mama, pero hindi ko naman marinig dahil malayo ako sa kanila. Ano na ba kasing nangyayari?

Lumabas saglit si mama at kuya, pagpasok nila sa loob ay nagulat pa ako dahil nakasunod sa kanila si Jan-Jan.

Ano namang--

"Jan-Jan?" Taka kong tanong dito, ngumiti lang ito saka lumapit sa akin.

"Tinawagan ako ni kuya Terence, ayoko ngang maniwala kaso pati si tita kinausap din ako." Ano daw?

Lumapit na sa amin si mama, "I called him over para may maka-partner ka sa prom. Syempre naman di ako makakapayag na wala kang kasama."

Oo nalang, wala nang atrasan, inaayusan na nila ako at nandito narin naman si Jan-Jan.

After ko maayusan ay nagvolunteer pa si kuya na ipag-drive kami hanggang sa venue. Di ko nga alam kung bakit di nalang ito tumuloy sa practice nila.

Maganda din yung venue, parang sayang nga kung ma-miss out ko ang ganitong event. May arc pa na napapalibutan ng red roses, ang cute lang, parang sa Alice in Wonderland. Ang effort nang student council para dito ah. Hinatak ako ni Jan-Jan sa registration committee pagkarating namin, hindi ko alam na meron pa palang ganun. Ang sabi naman niya ay para daw iyon sa evaluation ng magiging Prom King and Queen mamaya.

Mag e-eight na nang simulan ang program proper, marami rami narin ang mga dumadaan sa table namin para makipagkwentuhan o makipagkamustahan sandali. After magdinner ay nagsimula na ang organized dance number ng mga seniors, si Mitchie naman, ayun abalang abala sa pakikipagtawanan sa ka-partner niyang si Brent. Buti pa siya, ang lawak ng ngiti niya.

Inilabas ko nalang ang cellphone ko mula sa pouch at saka ko inabala ang sarili sa paglalaro. Di ko na nga namalayan na natapos na pala ang mga seniors kundi pa nagsignal ng lowbat ang cellphone ko.

"Uy, baka nabo-bore ka na. You can dance with anyone naman eh, I'll just wait for you here." Baling ko kay Jan-Jan na kanina pa nakayuko, baka nakatulog na ito.

"H-ha? Hindi ah. Gusto mong sumayaw?"

"Ako?" Tumango lang sya, wala naman akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya na nilahad. Sige nalang, saka ako naman talaga ang ka-partner nito.

Pagkarating naman sa dance floor ay napansin kong kami nalang ata ang nakaupo kanina pa, halos bakante na kasi ang mga tables malapit sa amin. I just focused on who's in front of me, ngumiti ito sa akin kaya naman ngumiti nalang ako pabalik bago ko ibinaling sa ibang direksyon ang ulo ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasayaw, medyo ngawit narin ako dahil sa heels na suot pero tinitiis ko nalang para sa bestfriend ko. Yumuko ako pansamantala para tignan ang paa ko, masakit na kasi talaga. Agad akong tumingala at pasimple kong iginala ang paningin sa buong paligid para hanapin kung nasaan ang wash room. Ilang sandali pa ay bigla akong may nakitang parang pamilyar na tao.

He's wearing a black tux at sino bang di makakapansin sa tangkad niyang iyon?

"May problema ba?"

My Happy EndingWhere stories live. Discover now