Thirty One

830 32 30
                                    

31

Nagmamadali pa akong bumaba sa sasakyan pagsapit sa bahay, andami kasing tatapusing school works. Essay, art project, at ilang math problems at advance reading ang kakaharapin ko ngayong Friday night.

Friday night tapos eto na ang gagawin ko, eh paano naman kasi si mama at papa bigla nalang sinabi na may importante daw kaming pupuntahan bukas. Okay na sana, ang kaso lang ay kailangan daw ng plus one, kaya naman tinext ko kaagad si Basti, pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagrereply tungkol sa imbitasyon ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero medyo madalang ko kasi syang makita lately. Nagtetext naman siya araw-araw pero parang may mali? Hindi ko lang ma-figure out kung ano.

Nag-umpisa na akong mag-concentrate sa paggawa ng homeworks nang mag-pop out ang skype chatbox, invitation sa isang video call galing kay Mitchie.

Hay, buti at in-accept mo na!

"May problema ba?" Taka kong tanong rito, habang patuloy parin ako sa pagsusulat.

Meron bakla..kawindang..

Inilapag ko muna ang ballpen na hawak at saka ako tumingin sa kanya, "ano naman 'yon?"

Yung plus one ko lang naman sa business launch ay nag-back out..kalerkey na baklang yon! Iwan daw ba 'ko sa ere?! Ayokong mag-solo flight bakla, at ang masakit ayaw naman akong iwan ng parents ko! Anong gagawin ko?

Saglit akong napatigil at saka ko sinulyapan ang orasan, "well..you still have like 6 more hours to look for another one."

Ay, wow ha..eto ngang si Jan-Jan may partner kaagad eh..ikaw ba? Ay bakit ba iyon ang tanong ko sigurado nam--

"Hindi ko alam kung sasama si Basti.." Ngiti kong sagot dito. Ayoko namang mag-assume na may partner nga ako bukas, si Henry, ang sabi nina Tita ay representative daw nila, at may partner narin daw ito. Hindi ko lang alam kung sino dahil ang huling alam ko ay lumipad na papuntang ibang bansa ang girlfriend niya, o baka naman bumalik? Ay ewan.

Si kuya naman..

Oo nga no?

Hindi ko alam kung gaanong katagal nang nagsasalita si Mitchie, "Mitchie..Mitchie..may plus one ka na! Promise!"

Ay bongga? Sino yan? Yung pinsan mong cute?

"Hindi, pero i-meet mo kami sa entrance ng event hall bukas ha."

Of course my dear..pero kung hindi yung pinsan mo..eh sino? I mean..

"Basta, sagot na kita.." Nag thumbs up pa ako rito habang nakangiti.

Nako bakla..pag iyan ay--

"I love you, Mitchie, ba-bye na muna ha!" Dali dali kong pinatay ang laptop at saka ako tumakbo papunta sa kwarto ni kuya. Wala naman kasing girlfriend ang isang iyon, so baka sakali lang na wala pa syang partner di'ba?

"I understand..sige, thanks.." He sighed as he put down the phone, then I faked out a cough to get his attention.

"O, Van?"

I went near his study table saka ko pinasadahan ng tingin ang mga books at ilang plates na naroon, "kuya..may plus one ka na ba bukas sa event?"

"Bakit mo naman natanong? Aren't you going with your boyfriend?"

"Hmm, medyo hindi pa sure kung makakasama si Basti.." I said in a matter of factly tone.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now