Eight

1.7K 48 20
                                    

8.

Araw-araw narin akong nagpa-practice para sa darating na intrams, paano ako lang naman ang lalaban sa table tennis single para sa dugong bughaw. Tuwing hapon ay sinasamahan ako ni Jan-Jan sa gym habang si Mitchie naman ay abala kundi sa club activities ay may mga minomonitor sya sa klase. Okay narin ito, nagiging stress buster ko ang pagpa-practice.

Wednesday.

Ordinaryong araw lang sana para sa akin, pero hindi pumasok si Jan-Jan. Agad akong nagtext sa kanya para alamin kung bakit hindi sya nakarating sa school. May meeting nanaman si Mitchie kaya naman wala nanaman akong kasamang kumain ng lunch. Pero okay lang, kumain nalang ako ng fishball sa labas.

Pagbalik ko sa classroom ay parang may pinagkakaguluhan sa bandang likod kaya naman lumapit ako sa mga classmates ko.

"V-Van..andyan ka na pala!" Sabi bigla ni Hanna sa akin na parang nagulat pa at nakita ako?

"May problema ba?" Tanong ko naman habang papalapit sa kanila, nang makalapit ako ay unti unti naman silang nagdisperse.

Dun ko lang nakita na ang pinagkakaguluhan nila ay ang upuan ko. Nilapitan ko ito, saka ko naman nakita ang aking Chemistry book na nakabukas at..

May ketchup?!

Ano to?!

Ini-spell pa ang "BITCH!" gamit ang ketchup sa aking Chemistry book?! Sino namang matinong tao ang gagawa ng bagay na ito? Halos di ko na maramdaman ang sariling palad ko sa higpit ng pagkakakuyom ko sa aking kamao. Wala naman akong ginagawa para may magalit sa akin ah. Sino bang may problema sa akin?

Tahimik lang akong nakatayo ng biglang may tumulak sa likod ko dahilan para mapahawak ako sa ketchup at kumalat pa iyon sa uniform ko.

A-ang uniform ko!

"Kawawa ka naman, wala ang mga friends mo para tulungan ka." Saka ko naman nakita si Rina na nakangisi sa akin habang nakapamewang pa.

"Ano? Hindi ka man lang ba magsasalita?" Nakakainis ang boses niya..nakakairita..

Hindi kita papatulan.

Hindi ako makikinig sa'yo.

Wala akong naririnig.

"Matigas ka ah!" Kinuha niya yung book dun sa malapit na desk at saka itinaas. Ibabato siguro sa akin.

Yumuko nalang ako at pumikit, wala narin naman akong aatrasan pa dito. Nararamdaman ko narin kanina pa ang pagpatak ng luha ko. Ano bang kasalanan ko sa kanila?

"J-Janus.." Pag-angat ko ng tingin ay nakahawak si Jan-Jan sa braso ni Rina, naka backpack pa ito at halatang kakapasok lang dahil medyo basa pa ang buhok.

"Ano ba Rina?!" Nagulat ako dahil bigla siyang sinigawan ni Jan-Jan, pagkatapos ay kinuha niya ang libro at saka iyon ibinato sa isang upuan.

"J-Jan ano eh--"

"Nakita ko lahat." Masama syang tinignan ni Jan-Jan at saka ako nilapitan.

"May masakit ba sa'yo? Gusto mong pumunta sa clinic?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin, pero nakatingin lang ako kay Rina. T-teka..tama ba ang nakita ko. Tumalikod ito then she wiped something on her cheeks? Pero hindi ako sure ha.

"Van?" Para naman akong biglang natauhan sa pagtawag ni Jan-Jan sa pangalan ko.

"A-ayos lang ako.." Inalalayan niya akong tumayo saka ako inabutan ng panyo. Di ko pa nga pala nababalik sa kanya yung hanky niya na pinahiram sa'kin nung una kaming magkakilala.

My Happy EndingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora