Chapter 2

19.5K 550 47
                                    

--- 02 : Third Time ---


Nandito ako ngayon sa park malapit sa dati naming bahay. Buti na lang at makulimlim ngayon kaya kahit tanghali ay hindi mainit.

Nostalgia hit me and suddenly, my tears were threatening to come out. Dito kasi kami huling pumunta bago mangyari kay Kyle 'yon. Pumunta ako rito para harapin ang takot ko pero lalo ko lang naalala ang nakaraan.

Ilang taon na ang nakakalipas pero malinaw pa rin sa isipan ko lahat ng nangyari. Sabi sa akin ng mga magulang ko, maging ang kay Kyle, mas makakabuti siguro kung hindi na ako babalik sa lugar na 'to pero pinili ko pa ring puntahan.

"Kyle . . ." I muttered.

Bago pa ako tuluyang maiyak ay tumayo ako at pumunta sa sorbetero sa may gilid. Bumili ako ng ice cream sa kanya at pagkatapos no'n ay nag-ikot ako sa park pero bawat sulok nito ay si Kyle pa rin ang naaalala ko. I remembered that day when we were just running around the field, doing silly things and eating different street food. That day when those men robbed him his life.

Naalala ko ang ilang oras kong paghihintay sa ospital nang may tumulong sa amin pero matapos ang labindalawang oras ay hindi na siya muling gumising.

Bigla na lang tumulo ang luha ko napaupo na lang ako sa bench na malapit sa akin. Natunaw na ang ice cream sa kamay ko kaya naman tinapon ko na lang. Naghanap ako ng tissue sa bag ko gamit ang isang kamay pero mukhang hindi ko nadala. Wala rin akong kahit anong pwedeng pamunas kaya naman nagdesisyon akong bumili na lang sa tindahan malapit dito. Tatayo na sana ako pero nagulat ako nang biglang may panyo nang nakalahad sa harapan ko.

"You can use this—!"

Napatigil siya nang tumingin ako sa kanya at gano'n din ako.

"You . . ." I said while pointing at him. It was that guy.

We stared at each other, long enough for it to be awkward. I turned at the side and I was reminded by the time I was informed of Kyle's death after the operation. A girl lent me her handkerchief even when she also needed it.

"You're that girl . . ." sabi naman niya at hindi ko alam kung bakit pero naalala ko sa kanya ang babaeng nag-abot ng panyo sa akin dati. Maybe because they both did the same gesture to me. "Anyway, here."

Inabot niya sa akin ang panyo at pinunasan ko naman ang kamay ko. Buti na lang at may alcohol akong dala kaya nawala ang lagkit ng ice cream sa balat ko. Pagtingin ko ay wala na ang lalaki. Ni hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.

Naglakad na lang ulit ako at hinintay na mag-12 PM dahil sabay kaming maglalunch ni Miley. Naalala ko ulit ang lalaki kanina at hindi ko alam kung paano ko masasauli sa kanya ang panyo niya pero agad din akong napahinto nang naisip ko ang lugar na 'yon.

Tinext ko naman si Miley dahil malapit na mag-tanghali. Ang sabi ko ay magkita na lang kami sa restaurant malapit sa workplace niya. Miley is working as a researcher at the same university where she graduated while finishing her Master's degree. Bilib nga ako sa kanya dahil talagang itinuloy niya ang pag-aaral, samantalang ako, muntik nang hindi makatapos dahil . . . dahil sa nangyari.

I can still remember and feel the pain I had suffered after Kyle's death. I hated myself to the point that I wanted to die, too. I stopped coming to the university and my parents had to apply a leave of absence so that I can rest for a while. My mother had to be with me every night because I would always scream and cry. In the end, they had no choice but to bring me to her trauma specialist colleague in the States.

Still Not Over (Over, #2)Where stories live. Discover now