Chapter 2: The Accident

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ganyan ka ba talaga? Hindi na ako magtataka kung bakit ginaganoon ka ng mga lalaking iyon. Nagpapakita ka kasi agad ng kahinaan mo!" huminga siya ng malalim at nagsalita ulit. "Hindi mo ba kayang ipaglaban yang sarili mo kahit konti?"

Natigilan ako sa mga sinabi niya at napakagat sa aking labi. "I-I'm s-sor-ry," naiiyak na sabi ko.

"So, kontrabida na naman ako?" sabay buga niya ng hangin.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Hindi mo kasi alam kung ano ang mga pinagdaanan ko sa grupo ni Alexei. Kahit gusto kong lumaban ay hindi eepekto. Sikat at makapangyarihan sila sa school namin."

"So, sinisisi mo ako dahil sa kahinaan mo? Damn! Ginusto mo iyan kaya panindigan mo!" taas noong wika niya.

"Hindi! Nagkakamali ka," tanggi ko sa kanya. "Sa totoo lang, naiiyak ako dahil tama ka. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko dahil kinakain na ako ng takot ko. Sana..." napalunok muna ako bago muli ako nagsalita. "Sana maging malakas din ako tulad mo," sabay pahid sa mga luha ko.

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. 

"Ang pagiging malakas ay hindi hinihiling kundi ginagawa ito," mahinahong wika niya.

Napatigil ako sa pag-iyak at tumingin sa kanya. "Huh?"

"Confidence is a must," sabay tingin niya sa akin ng diretso sa mata ko. "Lagi mo iyan tatandaan," tumalikod na siya sa akin.

"Confidence is a must?"

Napansin ko na may nahulog siyang isang bagay mula sa bulsa niya. Pinulot ko ito.

"Wait!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi man lang lumingon kaya sumigaw ulit ako para makuha ko ang kanyang atensiyon. 

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon niya ako. "What?" maangas na tanong niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita at pinakita na lamang sa kanya ang bracelet na nahulog niya.

Lumapit siya muli sa kinaroroonan ko at hinablot ito sa akin. Hindi man lang siya nagpasalamat at tinalikuran niya lang ako.

"Wait!"

"Ano na naman?" inis na baling niya sa akin. "Hindi ko na kailangan ng pera mo kaya tsupi na, okay?"

"What's your name?"

"What?"

"A-Ano ang pangalan mo?"

"Bakit?

"Huh?"

Napailing siya sa akin. "Sakura ang pangalan ko."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niyang pangalan.

"Oo na! Alam kong pareho tayo ng pangalan kaya naman lumayo-layo ka sa akin dahil baka mahawaan ako ng kahinaan mo!" pagtataboy niya sa akin.

Napangiti ako sa mga sinabi niya at naglakad na nang palayo. Bakit ganoon? Ang harsh naman ng pagkakasabi niya sa akin pero ang saya ako. Hindi kaya masochist na ako? Napailing ako sa mga naiisip ko.

Napangiti ako na maalala na pareho kaming pangalan. Sa totoo lang gusto ko siya maging kaibigan dahil kitang-kita ko sa kanya na wala siyang inuurungan. Baka sakali ay mahawaan niya ako ng katapangan niya.

Tumingin ako sa langit. Ngayon lang ulit ako nakakita ng maraming bituin. Gusto ko maiyak na maalala ko ang plano ko.

Sana mapatawad nila ako.


Sakura Lee's  Point of View

Mabuti na lamang at nawala na sa panigin ko ang babaeng iyon. Nakakadiring isipin na ang mahinang katulad niya ay kapangalan ko pa.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon