CHAPTER 52: BEAUTIFUL IN WHITE

1.1K 40 6
                                    

CHAPTER 52: BEAUTIFUL IN WHITE

Alexa's POV

"Wifey," sinalubong ako ng yakap ni Voltaire nang makita ako. Sobrang higpit ang yakap niya na parang taon kami hindi nagkita. "Namiss kita."

"Teka!" umalis ako sa pagkakayakap niya. "Two weeks lang kami nawala. Grabe ka naman makayakap. Parang isang taon ako sa Korea. Balak mo ba ako patayin dahil sa higpit ng yakap mo?" biro ko.

"Wala man lang I miss you too?" sumimangot siya.

Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya.

"Namiss din kita," sabi ko habang nakangiti.

Ngumiti din siya kasabay ng pagpulupot niya ng kamay sa bewang ko. Nagtitigan kami hanggang sa unti unting naglapit ang mga ulo namin.

"Ehem," napalingon kami sa gilid namin at agad napabitaw sa isa't isa nang makita namin si Dad na ang sama ng tingin.

"Tito, tulungan ko na po kayo," kinuha ni Voltaire ang maletang hawak ni Dad. Dinala niya ito sa sasakyan.

"Puntahan ko lang po si Andrea," paalam ko kay Dad at saka nagmadaling umalis.

"Huli kayo," tumatawang sabi ni Princess.

"Hala! Sino yang nasa likod mo?" umarte ako na parang gulat na gulat.

Napatingin siya sa likod niya.

"Wala naman ate," sagot niya.

"Meron kaya. Lalaki, luwa ang mata. Duguan at may kutsilyong nakatisok sa leeg. Kita ang la--"

"Ate! Walang ganyanan," takot na sabi niya kaya hindi ko mapigilang tumawa. "Kainis! Lagi mo na lang ako tinatakot."

Sumakay na siya sa sasakyan na dala ni Voltaire. Siya kasi ang sumundo sa amin dito sa airport.

"Tsk. Tsk. Lagi mo na lang siya tinatakot si Princess. Tara na nga," sabi sa akin ni Kuya.

Hinawakan ko sa kamay si Andrea at naglakad na papuntang sasakyan.

"Tita, Tito alis na po ako." paalam ni Voltaire.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon