CHAPTER 50: ANDREA'S REAL FATHER

1.1K 54 15
                                    

CHAPTER 50: ANDREA'S REAL FATHER

ALEXA'S POV

"Sorry.", sabi ko kay Patrick nang maalala ko ang sinabi ni Henry kay Voltaire kanina.

"Para saan ate?", tanong niya habang nagdadrive.

Pagkatapos namin mag usap kanina, niyaya na niya ako na umuwi at ihahatid niya ako.

"Ang laki ng kasalanan ko sa pamilya mo. Lalong lalo na sa kuya mo.", malungkot na sabi ko.

"Ate, ano ba sinasabi mo?", tanong niya sa akin. Hininto niya muna ang sasakyan.

"Patrick, hindi talaga anak ni Kith si Andrea. Anak ko siya sa ibang lalaki.", nakayukong sabi ko.

"Matagal na namin alam yan ni Dad. Sinabi sa amin ni Kuya.", napatingin ako sa kanya.

"Alam niyo?", gulat na tanong ko.

"Oo ate.", sagot niya.

"Kung alam niyo, bakit ang bait niyo pa rin sa akin?", tanong ko.

"Ate lahat tayo nagkakamali. Sino pa naman kami para husgahan ka? Naiintindihan ka namin.", sagot niya. Ningitian niya ako.

"Buti pa kayo tinanggap niyo ko samantalang yung tao na dapat makakaintindi sa akin, siya pa ang humusga sa akin.", sabi ko.

"Si Voltaire ba ung tintukoy mo?", tanong niya at nag umpisang magmaneho ulit.

"Nalaman niya na hindi si Kith ang ama ni Andrea. Siguro iniisip niya na malandi akong babae.", sabi ko.

"What do you mean?", tanong niya.

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kanina at muli akong napaiyak.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon