CHAPTER 63: THE GHOSTS

981 37 6
                                    

CHAPTER 63: THE GHOSTS

Ria's POV

Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng putok ng baril. Buti na lang mabilis ako nakapagtago. Kinuha ko ang baril ko na nakaipit sa pantalon ko at hinanap ang taong nagpaputok sa akin.

*BANG.BANG.BANG*

Nakita ko siya  sa likod ng upuan nang muli niya ako barilin. Pinaputukan ko rin siya at agad na nagtago para umiwas sa pamamaril niya.

"Kami na bahala dito," sabi ni kuya sa akin nang makapasok na sila kaya lumabas na ako sa pagkakatago at tumakbo papuntang second floor. Sumunod sa akin si Josh at Patrick.

Nang makaakyat kami ay may umatake na isang lalaki na nakadamit pang ninja. Agad ko dinipensahan ang sarili ko gamit ang mga kamay at braso ko.

"Awts!" napahawak ako sa pisngi ko nang matamaan ako ng shuriken na binato niya.

Agad siyang inatake ni Josh at Patrick nang makita nilang natamaan ako.  Habang nakikipaglaban sila ay nag umpisa na akong hanapin sila Zyrille. Inisa isa ko ang mga kwarto hanggang sa makita ko ang isang room na puno ng monitor. Mula doon ay nakita ko sila Zyrille na nag uusap. May hawak na baril si Zyrille.

Sa kabilang monitor nakita ko si Hazel na naglalakad pababa sa hagdan. At sa isa pang monitor si Alexa naman ang nakita ko.

"MEOW!" napatingin ako sa paanan ko nang may maramdaman akong nangangalabit sa paa ko.

"Blue? Ikaw ba yan? Paano ka napunta dito?" tanong kahit na alam kong malabong magsalita ang isang pusa.

"MEOW!" ginalaw galaw niya ang bundot niya at lumapit sa may pintuan habang nakatingin sa akin.

Lumapit ako sa kanya at muli siyang naglakad kaya sinundan ko siya. Mula sa dulo ng second floor ay may pintuan. Sinubukan ko itong buksan subalit nakalock ito kaya naman sinungkit ko ito gamit ang hairpin.

Isang hagdanan pababa ang bumungad sa akin pagkabukas ka ng pinto. Bumababa ako doon hanggang sa makarating ako sa ibaba.

*BANG*

Napatakbo ako bigla nang nakarinig ako ng baril. Binuksan ko ang unang pinto pero wala sila doon.

Sinunod ko ang katabing kwarto pero wala pa rin sila kaya nagpunta ako sa pangatlong kwarto. Pagkabukas ko naabutan ko si Zyrille na umiiyak habang sinusubukang gisingin si Khylle.

"Brad, si Khylle..." umiiyak na sabi ni Zyrille nang makita ako. "Wala na siya."

Lumapit ako sa kanila at doon nakita kong may tama ng baril sa ulo si Khylle.

"Binaril niya ang sarili niya para lang iligtas ako. Namatay siya dahil sa akin," umiiyak na kwento niya at saka humagulgol.

Napatingin ako spike wall nang muling gumalaw ito.

"Brad, kailangan natin umalis dito."

Binuhat ko si Khylle at saka tumakbong palabas.

"Brad, ano ginagawa mo? Lumabas ka na!" sabi ko nang makitang nakaupo lang siya.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon