CHAPTER 62: SACRIFICE

1K 38 0
                                    

CHAPTER 62: SACRIFICE

Voltaire's POV

*dingdong.dingdong.dingdong*

"Sandali lang," sabi ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki.

"Sir, kayo po ba si Voltaire?" tanong niya.

"Oo. Bakit?"

"May nagpapabigay po."

May inabot  siyang cd sa akin.

"Kanino galing?"  kinuha ko ito.

"Galing daw po kay Hazel."

"Ah! Sige salamat."

Sinaksak ko sa dvd player ang cd.

"Hazel," gulat na sabi ko nang makita ko ang babae sa video.

"Hi babe," nakangiting sabi niya habang kumakaway. "May ipapakita ako sayo," binaba niya ang itim na kurtina sa likod niya at bumungad sa akin si Alexa na nakagapos sa upuan. "Surprise! Kasama ko ang babaeng pinalit mo sa akin."

"Siyet! Hayop ka Hazel!" napakuyom ako ng kamao dahil sa galit.

Tinutok ni Hazel kay Alexa ang camera. "Say 'Hi!'," 

Lalo ako nakaramdam ng galit nang makita kong puno ng sugat si Alexa. Umiiyak ito habang nakatingin sa camera.

Sinampal siya bigla ni Hazel na lalong ikinainit ng ulo ko. "Hoy magsalita ka! Wala ka bang gustong sabihin sa fiance mo bago ka mamatay?"

"Kung ano man mangyari sa akin, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kung mamatay man ako, wag mong sisihin ang sarili mo. Ikaw na bahala kay Andrea. Alagaan mo siya. Wag mo siyang pababayaan. Mahal na mahal ko kayo," umiiyak na sabi ni Alexa.

"Hindi. Wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka mamatay. Hahanapin kita. Ililigtas kita," sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Dapat lang!" napatingin ako sa likod nang may marinig akong boses.

"Mike?" gulat na sabi ko.

"Tatayo ka na lang ba diyan? Ano pa hihintay mo? Iligtas mo na siya. Sumunod ka sa akin," sabi niya. Tumagos siya sa pintuan.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon