AWOTH SPECIAL 1: A Whisper to His Heart

Start from the beginning
                                    

     Andoon din ang Lolo niya ng mamatay ang asawa ni Heath at ilibing sa sementeryong iyon.

     He’d always go on and on telling her how Heath loved Venice… her favorite bedtime story.

     A bedtime story unlike any other fairytale because his love up to date is proved to be true.

     Laking sementeryo si China at saksi siya sa 20 taong pagmamahal ni Heath Ford sa asawa nito. Umulan man o Bumagyo o Umaraw… Heath would always check whether his wife was alright. Kahit katawan na lang ang nandoon sa museleo nito hindi pa rin nabawasan ang pagmamahal nito sa yumaong asawa.

“Baka giniginaw siya.” Heath would always call them at night during storms and her grandfather, loyal as always, would check on Venice’s tomb.

     Soon enough this bed time stories told by his grandfather gave way to a new feeling.

     20 years lang naman ang gap, naisip niya…
     Sinong babae ang hindi gugustuhing mahalin ng isang lalake na kagaya ni Heath Ford?

     Kaya ng mamatay ang lolo niya ipinangako niya sa sarili na kung sakali mang hindi niya makatuluyan si Heath Ford hahanap siya ng isang lalake na kagaya nito.

     Pero malabo ata iyon dahil napapaligiran siya ng mga patay…

     Ito ata ang dahilan kung bakit hindi siya sinisuwerte sa larangan ng pag-ibig.

     Naririnig na niya ang timer ng matres niya… 25 na siya ngunit hangang ngayon kahit patay wala pang nagpaparamdam sa kanya, kaya naman paano pa siya makakahanap ng isang sarili niyang Heath Ford?

     BUTI PA SI VENICE may HEATH.

     Siya? Si CHINA? Forever alone ‘teh!

      “Lo, rest in peace ka lang diyan. Pupunta ako sa museleo ni Mrs. Ford.” Paalam niya sa Lolo niya at nagpasintabi sa mga inapakan niyang mga puntod sa daan.

     Tama!, bilang caretaker ng sementeryong iyon dapat lang na bisitahin niya ang muselo ni Mrs. Ford. Kargo niyang panatilihing malinis at gwardyado ang lugar na iyon. -At kailangan niyang masilayan ang idolo niya.

      “Pa! Be careful with your steps.”

     Narinig ni China ang pamilyar na boses na iyon sa loob ng sementeryong tahimik.

     Napatigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang pinanggalingan ng boses ng makalapit.

      “Tsk. Tsk. Tsk.” Iling niya ng makita kung sino ang nakasunod sa likod ng idolo niya habang nakahalukipkip at nakasandal sa punong katabi. “Boses pa lang tuod na tuod na.”

Kung merong MACHETE, ang taong kahoy

A Whisper of the Heart - COMPLETEDWhere stories live. Discover now