PROLOGUE

34.7K 714 29
                                    

"Gusto mo bang maalala ang iyong nawawalang memorya?" napatingin ako sa matanda na lagi akong kinakausap tuwing napapadaan ako sa lugar na ito kung saan ay nagbebenta siya dito ng kung ano-anong mga paninda.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa nawawalang memorya ko. Siguro ay hindi ko na namamalayan na nabanggit ko ang tungkol dito tuwing kinakausap niya ako.

"Opo." sagot ko habang pinagmamasdan ang pulseras na isa sa mga paninda niya.

"Mamayang gabi ay may bulalakaw at pumunta ka kung saan ito babagsak." sabi niya bago ko inabot ang bayad ng binili kong pulseras.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo na may bulalakaw o pinagt-tripan lang ako.
Kung sakali mang totoo ay hindi ako pupunta kung saan ito babagsak. Ano ba naman kasi ang koneksyon nito sa kagustuhan kong maalala ang memorya ko ng kabataan ko?

Umuwi na lang ako sa bahay. Pagdating ko ay nilibot ko ang maliit kong tahanan. Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Lola na pumanaw na. Siya ang kumupkop sa akin. Lumaki akong hindi kilala kung sino ang mga magulang ko. Kaya gusto kong maalala ang memorya ko dahil baka ay mahanap ko sila.

+

Napadungaw ako sa maliit kong bintana at tinanaw ang kalangitan. Maya-maya ay nagsawa din ako. Ang mas mabuti pa ay matulog na lang ako. Isasara ko na sana ang bintana nang matanaw ko ang bulalakaw na biglang dumaan at bumagsak malapit lang dito.

Hindi ko alam kung bakit ako lumabas ng bahay at pumunta kung saan ito bumagsak. Totoo nga ang sinabi ni Lola na may dadaang bulalakaw ngayong gabi. Paano niya nalaman? Narinig niya sa balita? Wala naman kasi akong T.V.

Gusto kong tumigil sa paghakbang papunta sa dereksyon ng binagsakan ng bulalakaw dahil hindi ko alam ang aabutin ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Paano kong may mangyaring masama sa akin pagdating ko? Pero sabi ni Lola ay lumapit ako kung saan ito babagsak.

Bahala na nga!

Pagdating ko ay sumalubong sa akin ang malaking abo dahilan kung bakit ako naubo.

"Ano ba naman ito!" reklamo ko
at tinakpan ang ilong ko.

Pero ilang segundo lang ang lumipas ay nawala din ang abo. Ang bilis. Lumapit na ako ng tuluyan sa bulalakaw.

Nagulat ako nang makitang isa itong malaking bato na kulay pula. What the.. Sobrang laki ng bato at wala ako makitang sira dito. Wala man lang biyak o kunting gasgas.

Bumagsak ba talaga ito?

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang tinaas ang kamay ko kung saan ay suot ko dito ang pulseras na binili ko kay Lola kanina.

Anong me'ron?

Umilaw ang pulseras ng kulay berde dahilan kung bakit napapikit ako ng mga mata at sa aking pagmulat ay laking gulat ko nang makita ang paligid.

"A-Anong klasing lugar ito?"

~~~

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

P L A G I A R I S M  is a crime!

DATE STARTED: 02-25-2017
DATE ENDED: 06-06-2020

You can read the full chapters of this story on Dreame. It's still free ☺️ Just search the title of this story or my username. Follow me on Dreame and my stories too♥️ Thank you!

Godderna's Kingdom (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang