Touch Heals

32 4 1
                                    

Sorry.

Isang salita lang ‘yan. Limang letra. Dalawang pantig.

Bigkasin niya lang ‘yan, with a touch of sincerity, at parang magic na papatawarin ko siya.

Ang dali ‘di ba?

Pero…bakit ‘di niya masabi-sabi?

“Jas, nagsisimula na akong matakot sa weirdness mo,” wika ni Kuya Evan ng makalabas kami ng library. Kanina ko pa kasi siya sinusungitan.

Kuya Evan is not my brother. Pinsan ko siya. Ngayon nga lang kami naging close dahil lumipat ako sa school na pinapasukan niya.

“Ikaw ba? Don’t you find it weird?” Tanong niya sa’kin.

I got this weird habit of being nice sa taong kinaiinisan ko at ibubuntong ko sa ibang bagay ang inis na nararamdaman ko.

“Yeah, ang weird nga.”

“And? Wala ka bang planong baguhin ‘yan?”

I sighed. “Easier said than done, Kuya. Eh kung pagsabihan mo ‘yang kaklase mo.”

He chortled. “Ano namang sasabihin ko?”

“Tell him to ask for an apology. Alam mo namang mabilis lang akong magpatawad basta humingi na ng sorry.”

Umiling-iling si Kuya. “Alam mo naman si Luke. Wala sa vocabulary noon ang humingi ng patawad.”

Napairap ako ng marinig ang pangalan niya.

“Confront him, Jastrine. Huwag niyo lang idaan sa isang simpleng sorry ng isa’t isa. Aanhin niyo ang sorry kung hindi pa rin kayo nagkakaintindihan?” Kuya Evan patted my head. “Pag-usapan niyo ‘yan. It is just a usual fight.”

Usual? No. It won’t be a usual one.

Kabarkada ni Kuya si Luke. Simula ng mag-transfer ako sa school ni Kuya Evan eh ang barkada niya na ang palagi kong kasama. Palagi kaming nag-aaway ni Luke dahil sa aming ugali. Masyado siyang seryoso at may pagkasuplado pa. Ako naman ang kabaliktaran niya ngunit meron akong konting katarayan.

For the sake na lang na hindi na humaba ang away namin, ako palagi ang humihingi ng sorry sa kanya kahit na napaka-obvious na siya ang may kasalanan sa’ming dalawa. But then napuno na ako. I mean sino nga ba ang hindi? Siya ang may kasalanan pero ako ang magso-sorry?

This won’t be a usual fight. Siya ang may kasalanan kaya siya ang hihingi ng patawad. Even though mas gugustuhin ko na lang na ako ang mag-sorry para matapos na ito, I need to hold back.

Ang isang tao ay dapat marunong humingi ng tawad at magpatawad. Kung marunong siyang tumanggap ng sorry, dapat marunong rin siyang humingi.

“Jastrine!” Isa-isa akong tinawag ng mga kabarkada ni Kuya Evan. ‘Yung isa ay umakbay pa sa’kin kaya agaran ko itong kinalas.

“tsk! Ano ba?” Nauna akong naglakad ng mabilis.

“Wag niyo munang  kulitin. Umaandar ang weird habit niya,” rinig ko pang sabi sa kanila ni Kuya Evan.

“Woah. It's almost a week."

"Di pa kayo nagkakabati, Luke?”

“Dude, mag-sorry kana kasi.”

Ito na yata ang pinakamatagal naming away ni Luke. Usually after a day or two bati na kaming dalawa. We have no special relationship except sa pagiging 'bangayan partners'. Sa tingin ko nga daig pa namin ang magjowa at mag-best friend kung mag-away.

Pasimple ko silang nilingon. Nakakunot ang noo ni Luke habang tinatadtad siya ng mga kabarkada niya.

Nang magtama ang mga mata namin, normal na siguro na iirapan ko siya o ‘di kaya ay iiwas ako ng tingin.

Touch HealsWhere stories live. Discover now