"Oo close naman kami nito! Makakasundo niyo siya." Umakbay pa si Nial kay Jace.
Habang ako tahimik lang at nakikinig , iniiwasan ma involve sa usapan.
"So, magkakilala kayo? As in close?" tanong ni Pey. Oo nga? Pano nangyare yun?
"Syempre naman magka—" naputol nanaman sasabihin niya. Hays hilig ba nilang mang interrupt sa nagsasalita? Gosh.
"Oh nandiyan pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap." Umupo sa tabi ko si Rem.
"Oh bute naman nagpakita kana par!" Waaaah feeling ko namiss ko siya. Matagal tagal ko rin siyang hindi nakita.
"Yieeee, syempre par na-miss kita eh." sagot niya at tsaka kinurot yung psingi ko. Waaaaaaaah! Na-miss ko talaga siya!
"Uh- gusto niyo ba lumipat ng upuan? Nandito kami oh, etong magbest friend na to eh! Pektusan ko kayo diyan. Hmp." hala si Pey oh.
"Inggit ka lang sa amin ni par eh! Par pa-hug ngaaaaa!" binuksan niya yung dalawa niyang braso at in-stretch at nag hug kami. Bango talaga ng lalaking to! Wag kayong ano diyan ah, walang malisya samin to.
"Una na ako." nagulat kami ng tumayo na si Jace at sa cold niyang tugon.
"Anyare dun?" tanong ni Kylie , nagkibit balikat kami.
"Jelly Jace." eh? Pinagsasabi nitong si Lendel? Bakit napunta sa usapang Jelly ace. Bagong brand siguro ng jelly ace. Mahilig siya dun?
~
"So , for today I'm announcing na malapit na ang busy month. Magkakaroon kayo ng maraming activities and paperworks na mag-start na next week. Happy weekend guys, mag-enjoy na kayo at marami kayong gagawin. Dismissed." nag unat unat ako ng matapos na klase at vacant na namin. Oo namin dahil lahat kaming magkakabarkada ngayon vacant, hindi lang kami pwede umuwe kasi may last subject pa kami.
Grabe tatambakan nanaman kami ng gawain. Nag ayus na ako ng gamit ko dun sa project na natapos namin at nagmadaling lumabas , iniiwasan ko pa rin kasi siya.
"Ran—" mas lalo akong nagmadali nung marinig ang boses ni Jace.
"Par! Tara na , sabay na tayo lumabas akin na yang libro mo." hay savior ka talaga Rem, bute kaklase kita ngayon hahaha. Kinuha niya yung bitbit kong libro at labas kaming lumabas. May narinig na lang ako ingay nung makalabas na kami, anyare dun?
Maya maya rin nakita na namin sila Cloe at Nial, madalas silang nagkakasama ah? Siguro dahil sa project.
"Oh asan sila Lendel? " tanong ni Rem.
"Sinamahan lang si Pey sa cr, arte kasi nun gusto magpasama eh tinatamad ako ang init init kaya!" sabi ni Kylie at in-agreehan ni Cloe at Nial.
"Oh sige hintayin na lang natin sila sa park , malamig dun maraming puno." and we headed at the park of the university.
Maya maya ay dumating din sila Lendel at Pey.
"Bakit ang tagal niyo?" pang uusisa ni Cloe. Nagkbit balikat ang dalawa at naghiwalay na si Pey pumunta sa side namin at si Lendel naman sa left side kung nasaan si Nial.
Nakaupo lang kami dito sa may puno , nagrerefresh hangga't may oras pa kami magpahinga dahil parating nanaman ang hell week.
Nakapikit lang ako at dinadama ang hangin nang marinig ko yung sigaw ni Nial.
"Oy pareng Jace tara dito! Sama ka na samin!" napagalaw naman ako sa gulat, dahil nga iniiwasan ko siya.
"Uy haha okay lang ba?" Tanong niya, wow ha.
"Hindi." Nagulat ako sa pag sagot ko , nakapikit lang ako pero ramdam ko na nakatingin sila sa akin.
"Sige okay lang, mainit pa naman wala akong kasama pero okay lang sanay na ako mag isa, sige una na ako." Tae nangungunsensya ba to?
"Sige na dito ka na." Nagulat nanaman ako dahil nagsalita ako ulit, may sarili atang isip yung bibig ko ah?
"Hahaha you always have a good heart." rinig ko sabi niya. Tse! Ang ingay na nila at nag uusap sila sa kung ano anong game na hindi ko naman alam.
Nagkukwentuhan lang sila dun ng biglang may nagtext sakin. Pinapatawag daw ako sa dean's office. Sht bat kaya? Wala naman akong ginagawa ah?
"Guys, pinapatawag ako sa dean's office." mahinahon kong sabi, sabay sabay silang napatingin sa akin na may pagtataka, ako din nagtataka eh. Wag naman sana sumablay ang scholarship ko.
"Ha? Bakit daw? May ginawa ka bang kalokohan Ran? Sinuntok mo nanaman ba yung ex mo?" Hala grabe si Pey. Natawa naman si Nial napaka talaga neto. Kapag kasi nilalandi nanaman ako ng ex ko nasasapak ko siya, oo nasasapak hindi ko sinasadya naka auto sapak HAHAHAHA.
"Ewan, jusq guys pagdasal niyo ko ah?"
Tumango naman sila at nginitian ako "Goodluck Ran." huling sabi nila bago ako nakaalis sa lugar na yon.
Habang naglalakad ang daming pumapasok sa isip ko, bakit, paano, saan at kailan ako may ginawa bakit ako pinatawag. Inalala ko kung sino nakasama ko bukod sa barkada, — SI JACE! Teka ano kinalaman ni Jace? Ayy teka! Sabi nga pala ni Kylie, anak ng may ari nito si Jace ano kaya sinabi ni Jace sa kanila? Baka dahil sa hindi ko pagtulong sa kanya!
Bwisit na yun pag talaga nalaman kong may ginawa yung kalokohan.
Napahinto ako ng may humawak sa braso ko. "You're Rani right? Sabi nga pala ng Dean mamaya na lang daw after your class." Tumango naman ako at umalis na siya. I didn't say thank you dahil nabadtrip ako. Kaasar ha! Layo layo na ng nalakad ko , maglalakad nanaman ako sa kabilang building namin!
Mabilis lang pumatak ang oras at uwian na, pupunta na talaga ako dun. Hindi ako mapapakali hangga't di ko alam ang dahilan kung bakit ako pinapatawag dun.
Nakarating na din ako at kumatok naabutan ko naman na nakaupo yung dean sa swivel chair niya.
"Good afternoon po." I said with full of respect.
"Take a sit." I took the chair sa harap niya. Namamawis ako ng malamig dito, naka aircon naman pero pinag papawisan ako.
"So you're Rani Elie right?" I just shook my head as a yes. I couldn't say a word I feel like I'd stutter anytime.
"Nakita ko sa cctv footage na magkasama kayo ni Jace Carter and I could see that you're not nice to him." Taas kilay niyang sabi. "Didn't you know that he's the son of the one whose paying your fees, you're a scholar if I'm not mistaken Ms. Elie."
"Yes ma'am." Eh sa hindi kami close nun eh, pagtitripan ako. Shemay naiiyak na ako.
"And you're the one who's only Jace wants to be with. I want you to by his side as his father commanded."
~
A/N:
Vacation is reaaaaaaaal 😍 sana talaga matapos ko na yung book na to hahaha. 😂
YOU ARE READING
Red Strings
Teen FictionYou are arrested to jail called destiny and the challenge is to find your meant to be! Balitang balita Rani Eleanor Elie nakulong. Mahanap kaya niya ang ka RED STRING niya? A/N: Inspired by the anime movie Kimi no na wa (Your Name..)
Chapter 6: Command
Start from the beginning
