Nagtatago ako sa isang hallway papuntang canteen, iniingatan ko ang bawat hakbang ko na hindi gumawa ng kahit anong kaluskos.
Bakit ko ginagawa to? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang ayoko magpakita kay Jace.
"Ran!"
"AY PUSANG KINALBO!" Napaupo tuloy ako sa pang gugulat ni Kylie, agad akong tumayo at hinatak siya at sinenyasan siya ng 'shhh'
"Ano bang trip mo? Bakit ka nagtatago? Ayy mali, sinong pinag tataguan mo?" sunod sunod na tanong niya.
"Hayaan mo munang makarating tayong canteen ng matiwasay."
Sa wakaaaaaas! Nakarating kami ng hindi ako naabala ni Jace. At ang masaya bumili na sila ng lunch namin ni Kylie , bait naman ng mga kaibigan ko ngayon? Hahaha.
Ang saya saya ko kumain , okay na eh.
"Uy pareng Jace! Tara dito ka na maupo!" Napatago ako sa ilalim ng table namin at napapikit. Lagot talaga sa akin tong si Nial! Huhu.
Dinilat ko yung isa kong mata "Waaaaaah!!" Nakita ko siya na nakasilip siya sakin sa ilalim ng table.
"Ran! Nababaliw ka na ba? Nakakahiya ka! Nakatingin tuloy silang lahat sa atin!" napapikit na lang ako ng mariin at napakamot ng ulo at bumalik ng dahan dahan sa pwesto ko , nakita ko ngang nakatingin silang lahat sa amin, sa akin correction. Napa-peace sign na lang ako at bumalik na sila sa kanilang diskusyon.
Awkward akong kumakain at nasa harap ko si Jace, hindi ko papansinin at kakausapin naku lang!
Panong di ko iiwasan? Ganito kasi yun.
[Flash it back]
"It's just that it's fun to be with you." nga nga nanaman ako at speechless sa sinabi niya.
"So ganon mukha akong clown?" pagbibiro ko.
"Oo eh pfft—HAHAHAHAHA!" Aba letse! So totoo nga? Bwsit na to.
Tinadyakan ko nga sa tuhod kaya napaluhod siya.
"aray—ah! Hahahaha." letse! Tawa pa rin siya.
"Bahala ka nga diyan!" Aalis na ako pero pinigilan niya ako, yung totoo?
"Kailangan ko ng clown compass samahan mo muna ako!" ANO DAW? Naku, pigilan niyo ko masasapak ko na to.
"Ewan ko sayo! Maghanap ka ng ibang clown— este compass!" Tawa nanaman siya jusme baliw.
"Hahaha mas bagay kang clown para sakin, may compass na ako may clown pa!" pang aasar niya, bwisit na bwisit na talaga ako kaya iniwan ko siyang tumatawa dun. Wag lang talaga niya ako pansinin!
[end]
"Oh, so you're Jace." sambit ni Cloe with authority
"Obviously." Tumatango tango siya at nakangiti.
"Pwede kang sumabay sa amin lagi." Narining kong sabi ni Lendel. WHAT?! No way! Minsan mas gusto ko pang di nag sasalita itong si Del eh.
"What?! Are you kidding Lendel?" Mainit dugo ata ni Pey kay Jace ah, sinungitan kasi siya nung una naala niyo?
"Nice idea Lendel, para naman may nakakasabay si Jace." tugon ni Kylie habang kumakain at hindi tumitingin pero nakikita kong nakangiti siya.
YOU ARE READING
Red Strings
Teen FictionYou are arrested to jail called destiny and the challenge is to find your meant to be! Balitang balita Rani Eleanor Elie nakulong. Mahanap kaya niya ang ka RED STRING niya? A/N: Inspired by the anime movie Kimi no na wa (Your Name..)
