Si Yuri!

"Sino daw----"

"Alis na ko Tita!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo palabas.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Tita. Paglabas ko ng gate, napahinto ako. Nahiya yung suot ko sa porma ni Yuri.

Naka-semi formal sya, ako eto casual lang. Magbihis kaya muna ko?

"Jay!" Tawag nya sakin ng makita nya ko. "...Tara na?"

Tinignan ko yung suot ko at suot nya. Parang nakakahiya.

"Magbihis lang ako." Sabi ko at akmang papasok na sa loob pero hinawakan nya ko sa braso.

"It's okay... You look perfect for me." Sabay ngiti sakin.

Hindi na ko nagsalita. Lumapit sya sa kotse nya at binuksan ang pinto. Ginayak nya kong makasakay.

Oh daba?! Gentlemen!

Hindi kagaya nung isa. Napaka---Haaaaiiiizt! Wag syang isipin! Masama!

Agad na pinaandar ni Yuri ang kotse pagsakay nya. Akala ko kung saan nya ko dadalhin pero dun lang pala kami sa pinaka-malapit na simbahan.

Sana hindi dito nagsimba si Ci-N.

"Dito tayo magsisimba?" Tanung ko habang pinag-mamasdan yung simbahan.

"Oo naman... Ayaw mo ba?" Tanung nya habang pinaparada ang kotse.

"Hindi naman... Expected ko kasi kay Buddha."

Napataas ang isang kilay nya.

"...Kasi diba Japanese ka? Buddhism ang Japan?" Dagdag ko.

Bigla nalang sya'ng tumawa ng malakas. Napahampas na rin sya sa manibela ng kotse.

"Anung taon kaba pinanganak? 21st century na po Lola, kalat na po ang katoliko sa mundo." Sabi nya habang kinakausap ako na parang matanda'ng mahirap umintindi.

Napasibangot ako. "Malay ko ba."

Napailing nalang sya. Binuksan na nya yung pinto ng kotse at lumabas. Ganun na din ang ginawa ko.

Hinintay nya kong makalabas ng maayos at sabay kaming naglakad papasok sa simbahan.

Medyo marami ng tao. Sinubukan kong ilibot yung mata ko para hanapin si Ci-N o kaya si Rakki. Kayalang sa dami ng tao, hindi ko sila makita o makilala.

Bigla nalang hinawakan ni Yuri ang kamay ko at hinatak ako. "Dito tayo."

Sa bandang gitna kami pumwesto sa dulo ng mahabang upuan.

"Okay na?" Tanung ko na pinagtaka nya. "...Okay na diba? Baka pwede mo ng bitawan ang kamay ko."

Luko'ng to!

Nakaupo na kami't lahat lahat nakahawak pa rin sa kamay ko. Nawili naman ata sya.

Tinignan nya yung kamay namin. Kala ko bibitaw na sya, pero ngumiti lang sya sakin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Hoy. Bibitaw ka o bibitaw ka?"

"Pagbigyan mo na ko." Paki-usap nya sabay pout.

Umiling ako. "Wag kang gumanyan hindi bagay sayo."

Nilapit nya pa ang muka nya sakin. Kala ko kung anu'ng gagawin nya. Bigla nalang sya'ng nag-puppy eyes at nag-pout pa.

"Hindi ba bagay?" Sabi nya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon