WH-6

110 4 1
                                    

xx

Key's POV

"Tumigil ka nga Ian sa mga paniginip mo. Itulog mo yan baka mangyari pa."

"Tss, mangyayari yon. Di ako nawawalan ng pagasa." kitang kita talaga ang encouragement sa mga mata nya.

"Asa ka." sabi ko na lang.

"Talagang aasa ako dahil hanggat may Key may pagasa si Ian!" nakangiti nyang sabi at hindi ko mapigilang di magblush.

Tinakpan ko ang mukha ko. Agad nya naman tong napansin. "Nagblush ka? Dalawang beses na ako nakakagawa ng imposible!"

"Tumigil ka nga. Allergy lang 'to."

"Weh san ka naman na allergy??" ang kulit talaga nito ang sarap itapon.

"Sayo. Pangit mo kasi e."

"Sus deny deny ka pa e." sundot sundot nya ang tagiliran ko.  "Crush mo ako no?"

"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Alam mo, umalis ka na lang fly away okay?" naiirita kong sabi. Gusto ko ng katahimikan at hanggat nandito sya hindi ko makukuha yon.

"Sungit talaga, o sige na nga aalis na. Bye honey!"

Tinaas ko ang middle finger ko. At bumaling na lang sa kagandahan ng park, narinig ko pang tumawa si Ian.

Honey? Tss wag na nga ako matawag tawag ng Honey dahil naalala ko lang siya..

I was in deep thoughts ng biglang may tumapik sa akin. Ang ganda ng pagkakaayos ng buhok niya hindi ko nga alam kung inayos nya yon e, ang mapulang labi, ang magandang mata at ang ilang araw na stubbles niya. At naamoy ko ang bango niya.

"Hunny." malambing ngunit may kaunting angas na sabi ni King.

Pinagpag ko ang mga balikat ko. "Ano na naman bang gusto mo?"

Ngumiti sya. "Wala naman. Ikaw lang naman ang gusto ko e."

Di na ako magpapauto sayo. "Tigilan mo na ako King pwede ba." inirapan ko siya.

"Ang sungit mo talaga. Tara date tayo?"

At lalong tumaas ang kilay ko. "Bakit naman kita idadate?"

"Dahil anniversary natin ngayon?" napaawang ang bibig ko sa sinabi nyang iyon. Naalala niya pa?

"Well, news flash King break na tayo at wala ng mangyayaring anniversary sating dalawa dahil pinagsisihan ko kung bakit naging tayo pa."

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Pero narinig ko siyang nagsalita. "Talaga pinagsisihan mo?"

"Oo pinagsisihan ko lahat ng nangyare satin. Pinagsisihan ko dahil wala kang kwenta."

Humarap ako sakanya. " Wag kang magsalit ng ganyan Key. Nasasaktan ako."

Napangisi naman ako. "Wag kang maginarte jan King na parang ikaw ang naagrabiyado dito kung sa simula pa lang ikaw ang unang sumira satin."

Tinignan nya ako sa mga mata ko. "Bakit? Hindi na ba pwedeng magbago? Hindi na ba pwedeng bumawi?"

Napatawa ako ng mahina. "Simula ng bitawan mo ako, isa ka na lang alaala. Isang masamang panaginip na kung pwede kalimutan ay gagawin ko na dahil lahat ng ginawa mo ay puro kasinungalingan lang."

Lumapit siya sakin. Napalunok ako. "Ramdam ko ang tensyon mo." nakangisi siya ngayon. Putragis! Bakit kailangan nya maging ganito kagwapo?

"Imahinasyon mo lang 'yon. Tigilan mo na ako Rodriguez."

"Eh paano kung ayoko? Eh sa mahal padin kita e." confident nyang sabi. 

"Wala akong pakielam. Wala akong pakielam sa kadiri mong pagibig. Manahimik ka na dahil kahit kailan hindi ba kita babalikan."

Nakita ko ang lungkot at sakit sakanyang mga mata, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Pero hindi, hindi pa sapat ang nararamdaman nyang sakit sa kalahati ng naramdaman ko noon.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at tumingin sa langit, sumisinghot singhot at namumula ang pisngi at ilong. "Kahit maging sabit lang ako sa buhay mo ayos lang kaysa sa wala."

Nakita ko sa paligid ang mga tao na bumibilog samin na tila na nunuod ng teleserye. "Hindi, ayoko King. Just fuck off please. Di kita kailangan."

"Pero ako kailangan kita. I need you Key please."

At nakaisip ako ng magandang idea. Aba oo nga pala I will wreck him, his life and his heart. Papaikutin ko siya at paglalaruan hanggang sya mismo ang sumuko.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay nya.

"Oo na." sabay tawa ko ng bahagya.

At nakita ko ang ligaya sa mga mata nya. "Talaga?!" niyakap niya ako. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan, yung feeling na secured ako sa mga yakap nya. Na dati hinahanaphanap ko pa.

Tinulak ko sya. "Promise hindi ka.magsisi!"

Di ko mapigilang di mapangisi gusto ko na syang sirain, hanggang sa wala ng matira sa pagkatao nya..

How long does it take to wreck someone's little fragile heart inside of this one of a hell buffy dude?

xx

Midterms plz. Update. Feel free to comment and vote at ispread mo na din ang magandang balita! xo, Anikka.

Wrecked Hearts [On-going]Where stories live. Discover now