CHAPTER 43: In Love

Depuis le début
                                    

"Binibisita ka. Miss na kita e. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw," sambit ni Shane.

Kinuha ko sa kanya ang iba niyang dala dahil mukhang hirap na hirap na siyang mag bitbit.

"Ang dami mo namang binili. Para saan naman ito?" Tanong ko.

"Siyempre para sa nag iisang importanteng tao sa buhay ko."

Nginitian ko siya at pinapasok sa bahay, "Halika pasok ka."

"Pa! May bisita tayo!" Pagtawag ko kay Papa na abalang nag aayos ng kanyang taxi.

Lumapit si Papa sa amin.

"Pa, si Shane nga po pala," pakilala ko.

"Good afternoon po," bati ni Shane kay Papa.

"Good afternoon, pasok ka sa loob," sagot ni Papa.

Pumasok kami sa loob ng bahay, pinaupo ko si Shane sa sala at inilagay sa mesa ang mga dala niya.

"Kumain ka na, Shane?" Tanong ko.

"Tapos na. Pero gusto sana kita yayain lumabas kung okay lang?"

"Hindi pwede, hindi pa 'yan naliligo si Valeng!" Biglang singit ni Papa.

"Papa naman! Mag ayos ka na nga ng taxi do'n!" Si Papa talaga nakinig pa sa amin.

Ngumiti si Papa at lumabas ulit ng bahay, "Maiwan ko muna kayo a."

"Palabiro pala si Papa, 'no?" Tanong ni Shane.

Napangiti ako ng kaonti sa sinabi niya, "Huh? Papa ka diyan. Ikaw talaga. Saan ba tayo pupunta?"

"It's a surprise. Magugustuhan mo doon, promise."

"Uhmm a... Mag tatagal ba tayo?" Tanong ko.

Hindi ko alam pero parang tinatamad ako umalis kasama si Shane. Para kasing na-disappoint ako dahil hindi si Kier ang pumunta.

"Bakit? May gagawin ka ba ngayon? Nakaistorbo ba ako?" Napalitan ng seryoso at parang may tampo ang mukha ni Shane.

"A... E... Hindi naman Shane. Wala naman akong gagawin. Pero baka bukas meron kaya kailangan ko umuwi ng maaga mamaya," sambit ko.

"Gano'n ba..." Biglang nanahimik si Shane. Kaya't parang napilitan na ako sa alok niya, "But I'll come with you. Wait mo lang ako dito. Maliligo lang ako. Amoy dragon na ko e."

Napakunot noo siya, "Dragon?"

"Wala! Basta wait lang."

Ngumisi si Shane, "Sige baka makipag kwentuhan muna ako kay Papa este kay Tito Gilbert."

Bumalik ako sa kwarto para mag handa sa pag ligo. Napabuntong hininga ako. Feeling ko may mali sa ginagawa ko.

"Bakit ganito? Dati excited ako kay Shane. Ngayon parang tinatamad ako."

Naligo na lang ako at nagbihis ng pang alis. Blue fitted T-Shirt, ripped jeans, and white sneakers. Ilang saglit pa ay umalis kami ni Shane sakay ng kotse niya.

Nagpatugtog siya ng K-Pop songs habang bumabyahe kami kaya naging masaya ang aming joy ride. Nakakatuwa talaga pag parehas kayong K-Pop.

Nag-check ako ng phone ko. Walang message ang puppy. Pagselosin ko nga.

"Shane, selfie tayo."

Nag pose kami ni Shane para mag take ng selfie picture. Sinend ko ito agad kay Kier sa messenger.

Naghintay ako sa message niya pero kahit seen hindi man lang niya nakuha. Kainis talaga!

"Nakakainis!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant