Last na talaga. Hahaha

Start from the beginning
                                    

"By the way, may party nga pala ang company. Tomorrow evening" Panimula ni Mommy.

"Natasha wala kang isasamang date" dagdag nya.

"But---"

"No buts. Ikaw naman Dean, si Francine ang date mo"

Natigilan ako sa sinabi nya. "What?"

"Narinig mo ko Dean a. Wag mo nang ipaulit" Tiningnan ko si Francine na mukhang gulat din.

"Im home! Ito na ang pizza at siopao mo, my love" Napatingin kaming lahat kay Daddy.

"Umupo ka na dito itabi mo sa Ref yan bukas ko kakainin"

"What? Gabing gabi pinabili mo ko tapos bukas mo pala kakainin? Dapat bukas mo nalan--"

"Umupo ka na sabi e."

"Sabi ko nga"

Napakamot nalang sya sa batok. Natatawa naman si Natasha dahil napaka-under ni Daddy.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ibinagsak ang katawan sa kama at pumikit.

--

Nagising ako sa katok ng magaling kong kapatid na sumisigaw.

"Kuya! Aba tanghali na gising!"

Padabog kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Natasha na hawak ang kamay ni Francine.

"What the hell? Ang istorbo"

"Si Daddy ang nagsabing gisingin ka! Oh!" Inabot nya sa akin si Francine. Itinulak nya ito papalapit sa akin kaya napaurong ako.

"Pumunta na kayo ng mall hinihintay kayo ni Mommy sa boutique natin."

"What? Ngayon na?"

Tinaasan nya ako ng kilay. "Obviously, Kuya"

"Ingatan mo si Ate France a! Bye~"

Tiningnan ko ang babaeng katabi ko ngayon. Nakatingin lang sya sa sahig. Hinilot ko lang ang sintido ko at hinablot ang kamay nya para pumasok sa kwarto ko.

Pinaupo ko sya sa kama. Tiningala naman nya ako dahil nakatayo lang ako sa harapan nya.

"Dyan ka lang hintayin mo ako"

Tumango lang sya kaya kumuha ako ng damit sa closer at pumasok sa bathroom para maligo. Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng cr nang nakadamit na. Naabutan kong natutulog si Francine sa kama ko pero nakababa ang paa nito. Nandoon sya sa pwesto kung saan ko sya iniwan.

"Tingnan mo nga naman, natulog pa" Nilapitan ko ito at itinaas ang paa nya sa kama. Binuhat ko para maayos syang makahiga.

Inayos ko lang ang sarili ko at nagsapatos na. Nang matuyo ang buhok ko, nilapitan ko ang babaeng natutulog sa kama ko para gisingin.

"Huy" Sabi ko habang nakatayo sa tapat ng kama. Pero hindi sya gumalaw

Sumampa ako sa kama ng pagapang at dinungaw sya. "Hoy gising" Sinundot sundot ko ang braso nya pero wala parin. Sunod kong sinundot ang tagiliran nya. Bahagyang nakataas ang laylayan ng tshirt nya kaya nakita ko ang tyan nya. May pasa dito. Itinaas ko ng kaunti ang tshirt nya at nakita ang maraming pasa dito.

Tinitigan ko ang mukha nya.

Ano ba talagang nangyari sayo?

Unti unting dumilat ang mga mata nya at ako ang una nyang nakita. Nanlaki ang mga mata nya at napatingin sa kamay kong hawak pa pala ang laylayan ng tshirt nya. Agad ko itong tinanggal.

Bigla syang umupo mula sa pagkakahiha kaya nauntog ito sa akin.

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko. Tumayo ako at tiningnan sya ng masama.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Where stories live. Discover now