Epilogue

3K 46 8
                                    


"Bagay na bagay sayo ang white gown na yan, anak" Ang sabi sa akin ni Mommy na kakapasok lang ng pinto.

"Thankyou Mom. Ikaw din po. Bagay na bagay sainyo ang cream gown na yan" Pagpupuri ko sakanya. Ang ganda kasi ng mommy ko. Mas maganda pa sya sa akin ngayon.

"Wag mo akong bolahin, anak. Baka maniwala ako. "Tapos nagtawanan kame.

"Masaya ang girls dito, Anak" Rinig kong sabi ni Daddy Rommel. Hindi namin namalayan, nasa pintuan na pala silang dalawa ni Dj.

"Ang gaganda ng mga babaeng to" Sabi ni Dj habang papalapit sa amin ni Mommy

Nakaamba sya ng yakap kaya sinalubong ko ang yakap nya

"Wag mo syang guluhin, Dj. Mine-make upan pa sya" Sabat ni Mommy

"Namiss ko lang si Kathryn, Tita" Ang sabi ni Dj sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Tita? From now on, Mommy na ang itawag mo sa akin. Anak na kita e" Tumango nalang si Dj na medyo nahihiya

"Ma'am umupo na po kayo" Nagtawanan kami at umupo na ako. Itutuloy na daw kasi ang make up ko

Pagkatapos kong make upan, nagsiayos na ang lahat sa likod ng simbahan. Hawak ko narin ang bulaklak.

Di nagtagal, bumukas na ang pinto at narinig ko na ang wedding march. Huminga ako ng malalim at pinanood ang mga flower girl na lumakad papunta sa harap.

Nang ako na ang maglalakad,  huminga muna ako ng malalim sabay lakad papunta sa harapan.

Tapos na ang martsa. Nagsermon na ang pari at eto na ang pinakahihintay kong oras. Naiiyak na ako.

"Tinatanggap nyo ba ang mga babaeng ito upang maging kabiyak sa hirap at ginhawa?" Tanong ng pari

"Opo, father" Sagot ni Katsumi at Jc sabay tingin sa mga katabi nilang babae. Si Denise at Kris.

Naiiyak na talaga ako. Napakasaya ko, sila parin talaga hanggang huli. Buti nalang pinakilala ko ang mga kaibigan ko sakanila.

"Kayo naman mga babae, tinatanggap nyo ba ang mga lalaking ito upang maging kabiyak sa hirap at ginhawa?"

"Syempre po" Mabilis na sagot ni Denise kaya nagtawanan ang lahat.

"Ano ba. Magseryoso ka naman. Opo Father" Sabi naman ni Kris na lalong nagpatawa sa lahat.

Itong dalawa talaga na ito, kasal na nga nila, nakuha pang magpatawa.

"Kakaiba talaga ang mga babaeng yan" Bulong sa akin ni Dj. Magkalayo kame. Nasa magkabilang upuan kasi kami.

"Oo nga. Kahit kailan talaga" Nagtawanan lang kaming dalawa.

Pagkatapos ng seremonyas, nagpuntahan na kaming lahat sa reception.

Ang favorite part ko. Pagkain. Hahaha!

"Dj. Kakain ka na? Tara na" Napasimangot ako at nawalan ako nang gana nang hatakin ni Tippy si Dj.

"Kasama ko si Kathryn" Sabi ni Dj sakanya.

"Kailangan ka ng anak natin" Sabi ni Tippy kaya walang nagawa si Dj kundi sumama nalang sakanya. Tumingin pa sya sa akin pero kunyari hindi ko nalang yon napansin.

As usual. Kapag nasa masayang bahagi na kame, dun dadating si Bruhang Tippy. Buntis sya. 2 months at si Dj DAW ang ama.

Nagpa-DNA test na pero hindi pa lumalabas ang resulta. Tsaka hindi lang sya makahindi kay Tippy kasi ang dahilan lagi ni Tippy e ipapalaglag daw nya kasi wala daw kwenta kapag walang ama ang bata.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon