Last na talaga. Hahaha

2.1K 39 11
                                    

Hanggat sinisipag ako at wala pa kong naiisip na title, go lang ng go.

Enjoooooy! 😘

------------

Nakatitig lang ako sa babaeng kaharap ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sakanya. Ibinuka ko ang bibig ko pero wala akong masabi kaya itinikom ko nalang ulit ito.

Lumapit sa amin ni Natasha at hinablot ang babaeng kaharap ko.

"Hindi ka aalis. Dito ka lang. Okay?"

Tinanguan sya ng babae at sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

Seryoso to? Talagang pipi sya?

Napangiti ako sa kawalan. "Interesting, huh"

--

Pagkapasok ko ng bahay, naabutan ko si Natasha na kaharap ang babaeng pipi sa sala habang inaayusan ito. Oo ginagawa nyang barbie doll ang babaeng yan. Sa isang linggo nya dito, parang close na close na sila. Sila ang laging magkasama.

"Kuya! Look!" Iniikot nya ang upuan ni Francine at ipinakita ang itsura nito.

Sinuri ko ng mabuti ang mukha nya. Maganda sya pero pipi. Obviously not my type. Mabobored ako pag kasama sya, promise.

Nakatingin lang ito sa sahig. Halatang di sya makatingin sakin dahil naiilang.

"Nice" I said then pumunta na ng kusina.

"I'm hungry, Mom"

Nginitian ako ni Mommy. "Malapit na itong maluto. Tawagin mo nga ang Daddy mo may iuutos ako" Tinanguan ko lang ito at tumungo na sa taas para tawagin si Dad.

Nang matawag ko ito patakbo syang bumaba at sinundan ko ito sa kusina.

"Ano yon, Baby?" Dad said habang hinihingal.

"Ang bilis mo a"

"Syempre. Mahal kita e" Nilapitan nya ito at hinalikan sa noo.

Nakatitig lang ako sa mga magulang kong naglalambingan sa harapan ko.

"Ibili mo ko ng siopao. Gusto ko non"

"7 months na tyan mo, naglilihi ka pa?"

"Bakit ayaw mo ba? Sige wag nalang! Ako nalang bibili!"

"No! Wala naman akong sinabing ayoko e. Sige na bibili na ko"

"Good"

Iniwan ko nalang silang dalawa at pumunta ng sala.

"Tara na dito lalagyan kita ng contact lense" Napatingin ako sa dalawang babae. Nang makita nila ako, tumakbo si Francine at nagtago sa likod ko.

"Kuya lalagyan ko lang naman sya ng contact lense. "

Tiningnan ko si Francine at iling ng iling ito.

"Wag mong pilitin kung ayaw"

Napapout si Natasha sa sinabi ko. "Fine! Tara na dito, hindi na kita lalagyan"

Hindi ko nalang sila pinansin. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Inilipat ko ang channel para makapanood ng basketball.

"Kath Baby! Nandito na Siopao mo!" Sigaw ni Dad pagpasok nito.

"Ibili mo rin pala ako ng Pizza!" Sigaw ni Mommy mula sa kusina.

Napakamot nalang ng ulo si Daddy at lumabas na ng bahay.

"Kain na!" Nagsipuntahan kaming tatlo sa dining para kumain. Katapat ko si Natasha sa tabi nya si Francine. Sa right side ko si Mommy.

"Hintayin natin si Daniel" sabi ni mommy.

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon