MCBR//31

2.9K 51 7
                                    

"Good Evening Everyone! Salamat sa mga nagpunta ngayong gabi......"

Kumukuha ako ng pagkain sa buffet. Macaroni salad tsaka chocolates ang kinuha ko. Parang ang sarap kasi e. Malamig pa naman dito sa venue. Nandito kami ngayon sa party na sinabi ni Daddy Rommel sa amin last week. Nagsisimula na nga ang party e. Nagsasalita na yung emcee sa harap. Kahit hindi pa oras ng kainan hindi nila ko mapipigilan. Nagkcrave ako sa chocolates e. Hahaha!

"Kath, gutom na gutom ba? Hahaha!" Biro sa akin ni Sam.

"Sige kumain ka lang. Mahalaga naman nakikita kitang masaya" Banat ni Dexter sa akin.

Kasama ko sila sa table. Si Daddy Rommel, Dex, Sam, Haris, Tippy tsaka si Daniel na walang imik.

Speaking of Dj. After nung nangyari 1 week ago, medyo bumait sya sakin ng konti. Konting konti lang. Sa amin na rin nakatira si Tippy. Naging parang bahay narin nung tatlo yung bahay namin. 14 times na silang nakabalik sa bahay. Ibig sabihin, 2 times in 1 day. Nagdadala sila nang breakfast and dinner sa bahay. Before lunch sila uuwi at before dinner sila babalik. Nakakalimutan ko lang itanong sakanila kung may pamilya pa ba silang inuuwian e. Parang itinakwil na sila kasi nasa bahay sila lagi. Hindi sila pumalya kahit isang araw lang.

Pero okay lang naman. Sila naman nakakapagpasaya sa bahay e. Kapag si Dj at Tippy lang kasama ko, parang porgatoryo ang bahay.

Inaasar lang ako nung dalawa habang kumakain ako. Si Dex, panay ang banat. Pati si Tippy binabanatan kahit na hindi sya pinapansin nung bruha. Panay ang kapit kay Dj! Ako naiirita e.

Pagkatapos kong lantakan yung kinakain ko, nagsimula na yung sayawan. Inabot ni Dex ang kamay nya sa akin pero tumanggi ako.

"Pass muna ko. Busog e. Magpapababa lang ako ng kinain. Medyo masakit pa tyan ko sa busog." Natawa si Dex sa sinabi ko.

"Sige mamaya nalang. Ang takaw mo kasi" Tinanguan ko nalang sya at saka na  sya naghanap ng babaeng pwedeng isayaw. Napangiti naman ako nang makita kong nilapitan nya si Denise na panay ang kalikot sa cellphone nya. Tiningnan nya si Dex at saka pumayag na makipagsayaw sakanya.

Nakita ko naman si Sam, kasayaw si Kris. Palibhasa wala yung mga boyfriend nila dito kaya kung kani-kanino pumapayag makisayaw. Pero ang alam ko, invited si JC tsaka si Katsumi dito e.

Inikot ko pa ang paningin ko. Si Mommy, kasayaw si Tito Rommel. Nag-uusap sila tapos biglang tatawa. Napako naman yung tingin ko kay Dj at Tippy. Magkasayaw sila. Aww.

 Muntik na akong mapalundag nang magvibrate ang cellphone ko. Maingay dito sa loob ng venue kaya lumabas nalang muna ko. Tumatawag kasi si Lester. Pumunta ko sa gawing garden. Naupo ako sa may swing doon at saka ko sinagot ang tawag.

"Oh Lester napatawag ka?"

"Mangangamusta lang. Nakarating ba sila Kris dyan?"

"Oo. Nandun sila sa loob. Maingay dun e kaya lumabas ako. bakit?"

"Hindi na kasi nila sinasagot yung text tsaka tawag nila Jc at Kats. May ginagawa ba?" Tanong sa akin ni Lester. Napangiti ako. Gusto kong sabihin na 'Nandun sa loob, nakikipagsayaw sa mga barkada ni Dj' kaso baka magkaproblema sila.

"Hmm. Palabas ko kasi pumunta sila sa Cr. Baka hindi lang naririnig. Maingay nga kasi sa loob"

"Pakisuyo nalang Kath? Pakisabi pasensya na. Hindi talaga kami makakapunta. May Gig kami sa malaking event. Pasensya na talaga. Kanina pa ineexplain nila Kats sakanila yun nagagalit sila."

"Osige sasabihin ko nalang, Goodluck sa inyo! Maiintindihan nila yun. Mag-iingat kayo a."

"Salamat Kathryn. Sige patayin ko na. Enjoy kayo dyan. Pakisabi nalang din kay Tito Rommel. Thankyou! Bye."

Pagkapatay ng tawag. Tsaka ko lang napansin ang kagandahan ng paligid. Maraming lights sa mga puno. Tsaka ang daming bulaklak dito. Ang lamig pa ng simoy ng hangin. Nakakarelax yung view.

"Dito nalang muna ko. Tahimik, tsaka nakakalighten up ng mood. Wala pang bruhang Tippy dito."

"Wag mo na kasing tingnan kung alam mong masasaktan ka. Dun ka tumingin sa magagandang nangyayari hindi sa pangit."

Tumayo ang balahibo ko nang makarinig ng magandang boses.

"Oo nga. May pangit kasi sa loob kaya nakakastress" Natatawa kong sagot kay Haris.

"Maganda naman sya. Walang pangit na tao. Pero pangit ang kalooban."

"True! Hahaha! O bakit nandito ka? Akala ko nandun ka sa loob."

"Maingay dun." Ito talagang tao na to, ayaw sa maingay. Laging gusto sa tahimik. Patayin ko nalang kaya para wala na syang naririnig na ingay? Haha! Joke.

"Sabagay." Sagot ko nalang sakanya. Naupo sya sa bench sa gilid ng swing na inuupuan ko.

"Ang ganda mo sa night gown mo. Bagay sayo" Sabi nya sa akin habang nakatingin sya sa magandang puno.

"Ay thankyou a! Haha! Ikaw lang nakapansin nyan." Sagot ko sakanya.

"Lahat napansin ka. Hindi mo lang napansin kasi iisa lang nandyan sa isip mo. Marami kang hindi napapansin dahil nasa iisa lang ang atensyon mo." Si boy HUGOT naman nagsalita na naman.

"Ikaw alam mo, boy HUGOT ka e. Haha! San mo ba nakukuha yang mga hugot mo?" Natatawa kong tanong sakanya. Para mawala narin sa akin yung topic. Minsan ko lang makausap to, puro seryosong usapan o realtalks. Alam ko naman kung ano tinutukoy nya. Hindi ko napapansin yung iba kasi si Dj lang lagi kong napapansin. Konting kibot nya, nasasaktan ako. Nasakanya lagi atensyon ko.

"Sa puso. Hindi kasi matatauhan yung isang tao kapag hindi mo sya kinausap ng seryoso. Pangit kasi yung laging biro nalang. Hindi mo tuloy malaman kung totoo na ba talaga yung sinasabi nya."

"May point ka dyan."

"Pansinin mo naman yung mga taong nakapaligid sayo. Hindi yung nagiisang taong halatang di ka naman gusto."

Napatingin ako sakanya sabay tulo ng luha galing sa mata ko.

***

Pagkatapos ng party, nagsiuwian na ang lahat maliban sa mga kaibigan ko. Sinabi ko na kala Kris yung pinapasabi ni Lester.

Nakaupo lang ako sa isang upuan. Habang sila Daddy Rommel, nag-uusap. Sila Dex, Sam, Haris, at Dj, Kinakalikot yung drumset, guitar at keyboard sa stage. Nagsimula na silang tumugtog.

Nanguna si Dex na tumugtog ng gitara.

All About Us by Owl City.

Tapos habang kumakanta si Dj, nagsesecond voice si Haris habang nagdadrums sya.

Pinapanood ko lang sila pero iniiwasan ko talagang tumingin kay Dj. Lahat sila nakangiti habang nakatingin sa akin.

Natatakot ako pag tumingin ako kay Dj, baka nakatingin sya kay Tippy. Masasaktan lang ako.

Di sinasadya, napadaan kay Dj yung tingin ko.

Nakatingin sya sa akin.
------

Hi :) Sorryyyyyy!

Nawala kasi cp ko kaya di na ko nakapag-update.

Tapos ngayon lang nakabili nang bagong cp. Wala na sana akong balak na magupdate e kayalang nakita ko yung mga comments nyo :) Nainspired ako. Iloveyou alllll! 😘

(MCP) My Campus' BAD ROYALTIES [book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon