Chapter 1

3.4K 134 135
                                    

JATS

"Mahal na prinsesa gumising na po kayo!" sigaw ko malapit sa tainga ng kapatid ko.

Oh akala niyo ako ang ginigising no? hindi mali kayo dahil hanggamg prologue lang ang pagiging prinsesa ko. Prince charming? kalokohan, Sa panahon ngayon ang kailangan ko pera para sa pag-aaral ng kapatid ko at para mabuhay kami hindi prince charming.

"Ate, anu ba! mabibingi ako sayo eh, 5 minutes!" pasigaw na sabi ni Maggie at nagtalukbong ng unan.

"Tumayo ka na nga diyan! malelate na tayo oh, may breakfast date pa tayo with mom!" nanggigigil na sabi ko at binato sa kanya ang ibang unan. Naguguluhan siguro kayo sa pag tataglish ko kahit pulubi na kami. Well, the fact na pinanganak akong kagat-kagat ang gold na kutsara, di talaga maiwasang mag english. Yun nga lang sa higpit ng pagkagat ko, nabali.

"5 minutes!" paungol na sabi nito. Araw-araw inaatake talaga ito ng 5 minutrs syndrome nito.

"Bahala ka, pag napagalitan ka nanaman ng pagka ganda-ganda mong tiya," sabi ko at tumayo. Nakitira lang kasi kami kay tiya Eden na kapatid ni Mommy sa ina. At dahil nakikitira lang, kami ang kinawawa. Feeling donya ang peg nila ng anak niya, mga panget naman. Syempre maganda kami half sister lang naman siya ni mommy.

"Maggie, tumayo ka na diyan at ilagay mo na sa basket ang mga suman at puto nabalot ko na din naman yun tsaka nakasaing na ako, yun lang gagawin mo tapos maligo ka na. Please po," pagbibigay ko ng instruction sa kapatid ko habang inaayos ang damit na susuutin naming dalawa.

"Opo! Ayokong maligo alas 4 pa lang ng madaling araw. 'Maya na pag balik natin," sagot ni Maggie.

"Ewww. Kahit mag hugas ka lang ng..." hirit ko habang palabas ng kwarto.

"Heh!" sabi nito at binato ako ng unan buti nlang naka-ilag ako. Natawa naman ako, parti na iyon ng lambingan namin. Lumaki ang kapatid ko na hindi nakaranas ng magandang buhay katulad ng kinagisnan ko kaya hanggang makakaya ko ginagawa ko ang lahat para maranasan niya din yun though kunti lang, kasi ang balahura naming tiya adik sa majong kaya ang kita ko sakto lang para sa gastusin dito sa bahay at pag-aaral ni Maggie. Dumagdag pa ang feelingera kong pinsan, paganda lang ng paganda ang alam di naman gumaganda. tss.

"Ang ginaw!" napasigaw ako nung bigla kong binuhos ang tubig sa ulo ko. Syete lng.

"Told you!" narinig kng sabi ng kapatid ko.

"Atleast naliligo diba," sabi ko naman at nag shampoo na. Di ko na siya narinig sumagot.

"I'm bulletproof! Nothing to lose, fire away fire way... you shoot me down but I wont fall I am titanium!!!" birit ko naman habang nagsasabon.

"Jats! Ano ba pati ata espirito ko nagulat diyan sa kakasigaw mo!" Oops! Nagising ata si tiya sa boses ko. Sensya naman maganda lang boses ko.

"Hindi po ako sumisigaw kumakanta po ako," sagot ko naman.

"Tumahimik ka na lang diyan bata ka. Di pa nga lumalabas ang araw sinisira mo na!" pagalit na sigaw ni tiya, nasa baba rin kasi ang kwarto nila ni Jelly. Nag make face lang ako ng bongang bongga. Di naman niya nakikita eh.

"Don't you ever say I just walked away, I will always want you... I can't live a life running for my life, I will always want you.." kanta ko pa rin pero medyo mahina na kaysa sa una. Na-lss kasi ako sa Titanium at Wrecking Ball eh. Kaya ko silang pagsabaying i-lss. Because I'm amazing.

"I came in like a wrecking ball!!! I never hit so hard in love!! All I wanted was to wreck your wall. All you ever did was wr-e-e-ck me," pagpatuloy ko pag pasok ko ng kwarto.

"Ate! Oo na maganda na boses mo pero wag mo namang i-activate ang atomic bomb!" sabi ni Maggie na ang tinutukoy ay ang bunganga ni tiya.

"Oo na sige na, magbihis ka na nga. Hinihintay na tayo ng ating mga clients," natatawang sabi ko. Pag sumapit kasi ang alas singko ng madaling araw pumupunta kami ng kapatid ko sa palengke para ibenta ang mga lutong kakanin ni Tiya.

Maaga pa kami nag ligpit ng kapatid ko dahil pupunta pa kami kay mommy. May natitira pang konti at sa talipapa ko na lang 'to ibebenta mamaya pagkatapos ng klase ko.

"Ate okay na ba to ang dala nating breakfast?" tanong sakin ni Maggie.

"Yeah. That's enough," sagot ko habang binubuksan ang mosoliyo ng puntod ni mommy at ni ate. Yes, my mother died because of depression and stress.

"Kaya ko pang tanggapin na nawalan tayo ng anak!! Pero itong kasinungalingan mo?! How could you do this to me? Simula ngayon pinuputol ko na ang karapatan mong maging ama ng mga anak ko!"

Hanggang ngayon sariwa pa rin sakin ang mga nangyari. Namatay ang ate ko nung ipinanganak ni mommy at nalaman ni mommy na kasal na pala si daddy, my parents are highchool and college sweethearts, yun nga lang dahil sunod sa uso ang parents ni daddy pa arrange-arrange marriage din sila di naman mga chinese. Sinekreto lang ni daddy ang lahat. I was 14 when it happened and 5 years old naman si Maggie, that time paniwalang paniwala ako sa fairytale. Pero kasabay ng pagkasira ng family namin nasira din ang paniniwala ko na totoo ang fairytale at happily ever after. Tanging anak na lang niya sa kanyang totoong asawa ang kasama niya dahil namatay na rin ang asawa ni dad at ito na ngayon ang katulong niya sa kanyang companya. Kaya rin kami nagpasyang hindi sasama sa kanya dahil wala naman kaming karapatan dahil anak lang kami sa labas at ayokong araw-araw ipapamukha sa amin ng anak niya na bunga kami ng isang malaking kasalanan.

"Ate! Kanina pa kita tinatawag, natulala ka na diyan, ito suman gutom lang yan," naalimpugatan naman ako sa boses ni Maggie, napahaba na ang kwento ko.

"Kumain ka lang diyan," sabi ko at nag sindi na ng kandila napansin ko rin ang sariwang bulaklak doon.

"Mukhang dedicated ang manliligaw mo mom ah. Everyday may flowers ka dito eh," kausap ko sa puntod ni mommy.

"Konsensya kamo," sabi naman ni Maggie. Tiningnan ko lang siya ng masama. Medyo nakaget over na ito sa nangyari pero may natitira pa ring bitter spot sa kawatawan nito.

"Sorry mom, I just cant help it," sabi nito.

"Mommy, Happy birthday po! Alam ko po masaya na kayo diyan sa heaven. Continue to guide us mom ha. Lalo na itong bunso niyo uunahan pa ata ako nito dahil sa dami ng manliligaw," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

"Naku, mommy mabait lang talaga ako no. Unlike kay ate mataray lalo na sa mga lalaki. Pero alam mo mommy, the best siyang ate kasi di niya ako pinababayaan at lagi pa akong pinagtatanggol," sabi naman ni Maggie. Dun na tuluyang pumatak ang luha ko.

"How I wish you're here with us," umiiyak pa ring sabi ko, naramdaman ko ring umiiyak na si Maggie. Nasa kalagitnaan pa ako ng pag ii-speech ko ng maya-maya,

"Ate malelate na tayo sa school," sabi ni Maggie at pasinghot-singhot na tumayo.

"Mags naman eh. Panira ka ng moment!" sabi ko sabay pahid ng luha ko.

A/N: Meet Jats on the side :))

The Untamed Cinderella (COMPLETED)Where stories live. Discover now