Trip in Korea

83 4 0
                                    

•Chapter 14•

Ellise POV

Ito na yung time na pinakahihintay ng lahat. Ang fieldtrip namin. Lahat sila excited na. Pero ako kabadong kabado pa rin kase diko talaga alam ang mangyayari. Nung nasa  school na kami nakita ko si Nikko at Althea na magkaholding hands. Biglang kumirot ang puso ko. Sila na ba? Nakita siguro ako ni Althea. Papunta kase sya na direksyon kung nasaan ako. Maya maya ay nasa naharap ko na si Althea.

Ellise, pwede kaba makausap?-Althea
Oo naman. Tungkol ba saan? -Ellise
Tungkol kay Nikko-Althea

Bigla akong kinabahan nung sinabi nya na tungkol kay Nikko ang pag uusapan namin.

Oh? Anong meron kay Nikko? -Ellise
Nasabi na nya saken yung about sa trip na magkasama daw kayo. Wag kang mag alala Ellise. Hindi ako magagalit. Siguro ito na yung time para makapagbonding kayo sa isat isa. Hindi kami ni Nikko. Pero im here to protect him. Kase hanggang ngayon hindi pa din sya makamove on sa nangyari sa inyo. Kanina magkaholding hands kami pero walang malisya yon. Dare lang yon samin. Napagkapasok na pagkapasok namin ng school ay maghawak kami ng kamay. At pinapabigay nya to sayo. Sabi nya wag ko daw bubuksan. Ikaw na lang daw ang magbukas. Hindi kase sya makalapit sayo baka daw iwasan mo lang sya. Sana mag enjoy kayo-Althea

Umalis na si Althea. Inilagay ko naman yung papel sa bag ko. Sumakay na rin kami sa van. Si Angel ang katabi ko at sa may bintana ako naupo. Napatingin ako sa likuran si Maris ang katabi ni Althea nasan kaya si Nikko. Bakit parang wala sya dito sa van?

Hinahanap mo ba si Nikko Ellise? Nadon sila sa kabilang van nagaayos ng mga gamit natin-Althea

Maya maya ay umandar na ang van. Papunta kami ngayon sa airport.

*Sa airport

Okay by partners na ang pag upo sa eroplano para hindi na tayo mahirapan pa mag arrange mamaya-Prof

Nikko's POV
Ito na ang pinakahihintay ko. Ang magkatabi na kami. Namiss ko kase to. Ngayon lang kami magkakatabi na parang wala lang pakealam. Ngayon lang kami magkakatabi na hindi ko man lang sya mayayakap at hahayaan na matulog sa balikat ko. Habang nag iintay kami ng flight namin ay napansin ko na kanina pa silang nagkukulitan ni Mcckoy. May something na ba sa kanila? Bakit ba ako nagseselos? Wala na nga pala syang pakealam saken. Ni hindi pa nga nya nababasa yung sulat ko sa kanya. Hayss.. Nilapitan naman ako ni Angel.

Oh? Bat sad ka? Dapat nga maging masaya ka kase siya yung makakasama mo sa buong trip natin sa Namsan-Angel
Pano ako magiging masaya kung yung taong gustong gusto ko may iba na-Nikko
Hayss, si Mcckoy ba? Hindi ba pwedeng maging masaya si Ellise. Ngayon na nga lang ulit sya naging ganan kasaya. Hinahayaan ko na lang sya eh. Maging masaya ka na lang Nikko para sa kanya. -Angel
Namimiss ko lang talaga kase sya-Nikko
Ikaw kase eh! May pagsabi sabi kapa na mahal mo sya. Ayan tuloy-Angel
Oo alam ko its my fault.-Nikko
Sige na. Goodluck na lang sa inyo. Sana wala kayong ilangan sa isat isa-Angel
Salamat-Nikko

Ito na nga ang time na aalis na kami. Nauna na syang sumakay sa eroplano kasama nya si Mcckoy. Ang sweet talaga nila. Hayss.. Matanong nga si Mcckoy kung sila na ba ni Ellise. Kaibigan ko naman si Mcckoy. Nagchat ako sa gc naming magkakaibigan.

Mcckoy? -Nikko
Oh? Bakit pare? -Mcckoy
Ahm.. Kayo na ba ni Ellise? -Nikko
Hindi pare. Wala akong balak na ligawan siya. Ikaw nga lagi naming topic eh-Mcckoy
Ha? Ako? Bakit naman ako? -Nikko
Pare, miss kana nya . At kinakabahan sya kase ikaw ang kasama nya sa buong trip-Mcckoy
Ah sige-Nikko

Hindi na ako nagreply pa sa mga chat ni Mcckoy. Namimiss nya rin pala ako. Sana bumalik na talaga yung closeness naming dalawa. Para naman pagdating namin don hindi ako aso na susunod ng susunod sa kanya.

Maya maya ay nakarating na kami sa Incheon airport.

Pumunta naman kami sa hotel.
Lahat ng girls magkakasama. Lahat naman ng boys magkakasama.

Namahinga na muna kami kase sobrang nakakapagod sa biyahe.

Ellise POV

Nasa hotel na kami ngayon. Lahat sila tulog na. Ako naman inayos ko gamit ko. Nakita ko naman yung papel na inabot saken ni Althea kanina. Sulat sya galing kay Nikko.

Dear Prinsesa ko,
      Hi good morning hahaha. Ingat ka palagi ha. Kahit iba na boybestfriend mo nadito pa rin ako. Nadito pa rin ako kahit na sa malayo na lang kita makikita. Kase ito na yung time na kailangan na talaga nating kalimutan ang nakaraan para sa ikakabuti nating dalawa. Siguro si Althea na talaga yung gift saken ng dyos. Siguro sya na yung perfect girl for me. Sana makahanap ka na ng perfect guy for you. Mag aral ka ng mabuti. Yun lang. I MISS YOU PRINCESS ELLISE JOSON. 
                     LOVE,NIKKO
Habang binabasa ko yon ay hindi ko mapigilan umiyak. Gusto na nyang kalimutan ang kung ano mang nakaraan namin. Bakit ba ang hirap para saken na tanggapin yon? Siguro nga kase nasanay ako na lagi syang nasa tabi ko. Pero bigla syang nagbago. Kanina kakulitan ko si Mcckoy. Nag open up kami sa isat isa. Naiyak din ako sa kwento nya. May girl daw kase syang niligawan 2 years ago. Naging sila for 1 month. Tapos naging bitter sila sa isat isa. Walang communication. Then yung girl nagdesisyon na lumipat ng ibang school.Lumipat din sya ng school at sa Joson na sya nag aral. Nagulat na lang siya ng makita na yung ex nya ay sa Joson din pala nag aaral. Magkapartner din sila ngayon. Si Maris yon. Pansin kona kanina na nakatingin saken si Maris nung magkausap kami ni Mcckoy. Naiyak ako kase naalala kona naman si Nikko. Ito na nga yung time na magkasama kami pero hindi na tulad ng dati. Magiging akward talaga kami. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hayss..

BestfriendWhere stories live. Discover now