First day of School

346 13 2
                                    

*Chapter 1*

Ellise POV
. Well introduce ko muna sarili ko ako nga pala si Princess Ellise Joson 16 years old. Wala akong kapatid. Nag aaral ako sa Joson University. Kami ang may ari ng school na yon. At meron akong boybestfriend siya naman si Nikko Alexander Smith. Ang tawag ko sa kanya ay Nikko minsan naman Xander.Siya ang bestfriend ko since grade 7 kami. Nagkakilala kami dahil seatmate kami. Nanligaw sya saken pero friendzoned kase bawal pa ako at ayoko pa. Sabi ko sa kanya marami pa naman jan pero wala siyang niligawan kahit na maraming nagkakacrush sa kanya. Haysss by the way ito na. First day of school nga pala ngayon.

Maya maya nagvibrate cellphone ko. Tiningnan ko kung sino. Si Nikko pala.

From:Xander <3
Bes, bumangon kana nadito na ako sa baba.

Whatt?? Nasa baba sya.. Dali dali akong bumaba.

(Sa baba)
Ano hahahaha ligo na first day na first day? -Nikko
Hahaha ang aga mo naman dito-Ako
Kasi nagtext saken lola mo kanina kapa daw ginigising-Nikko
Hala? 😱😱Hahaha-ako
Oo apo ang himbing himbing ng tulog mo-lola
Hahaha, siya sige na liligo na ako-ako

Maya maya tapos na ako maligo..

Tara na. La, alis na po kami-Nikko
Sige ingat mga apo ha-Lola

(Habang biyahe)

Sa sobrang close namin ay lola na rin ang tawag nya kay lola. Kay mommy at daddy ay ma at pa. Oh! Diba hahahahha muka kaming magjowa. Pero hindi. Bestfriend ko lang yan.

Sa school..

Marami ang nagbubulong bulungan mga kababaihan kase ultimate crush nila ang boybestfriend ko.

Ang swerte ni ellise no-sabi nung isang girl
Oo nga bagay naman sila gwapo at maganda-girl
Sana ako na lang si ellise-girl 3

Hahaha oh, diba pati ako pinapangarap nila. Hahahaha, sorry sila akin lang si Nikko. I mean akin lang sya bilang friend hindi siya pwede magkaroon ng bagong girlbestfriend ako lang dapat.

Nang makarating kami sa room nagtitinginan samin ang mga kaklase namin pati si mam.

Good morning ma'am-Nikko
Good morning sa inyong dalawa mr. Smith at ms. Joson bakit late kayo? -ma'am
Tinanghali po ng gising-ako
Aba hindi pwedeng rason yan alam mo namang may obligasyon ka dito yun ay ang mag aral-ma'am
Pinapagalitan mo ba ako, gusto mo bang mawalan ng trabaho ha? Susumbong kita kay daddy-ako
Ay! Hindi po. Oo nga pala kayo nga pala may ari ng school na to. Sige na po maupo na kayo-ma'am

Hahaha masyado naman ata akong naging bad girl don. Hayyysss nakakaboring naman. Sympre first day walang gagawin. Introduce lang yung mga transferee.

Recess..
Sa canteen

Ako na ang bibili bes, ano ang gusto mo? -Nikko
Ahmm, sandwich at orange juice-Ako
Sige jan ka lang-Nikko

Habang nabili si Nikko may lumapit sakin na girl.

Hi-girl
Hello-ako
Ako nga pala si Angel Cassandra Marasigan-Angel
Ah, ako naman si Princess Ellise Joson-ako
Kayo may ari ng school diba? -Angel
Oo kami nga-Ako
Pwede ba makipag kaibigan?-Angel
Oo naman-Ako

Oh diba bukod sa boybestfriend may bestfriend ako hahahahha..

Ahm sinong nabili ng foods mo? -Angel
Si Nikko-ako
Bf mo ba yon? -Angel
Hindi-Ako
Pero nanligaw sayo-Angel
Oo nung grade 7 kami pero diko sinagot sabi ko hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sa kanya-Ako
Ay friendzoned hahaha, ano naman ang sabi nya? -Angel
Ok lang daw basta lagi lang daw syang nasa tabi ko-Ako
Yiieee kakakilig naman swerte mo girl-Angel
Ikaw sino nabili ng sayo? -ako
Boyfriend ko-Angel
Eh? Sino? -ako
Si Charles Angelo Gesmundo-Angel

Naputol ang pag uusap namin ng dumating si Nikko..

Hi Nikko ako nga pala si Angel nakipagfriend ako kay Ellise-Angel
Hello-Nikko

Maya maya dumating na din si Charles.

Pare charles nga pala-Charles
Nikko pare-Nikko

At yan sa wakas naging magkakaibigan na kami.

Magkaklase lang pala tayong apat no-Ako
Oo nga hahaha, kaya nga nilapitan kita eh-Angel

Nagkwentuhan lang kami sa mga past namin. Itong si Charles at Angel second chance na hahahaha. Forever daw. Sus forever forever.. Oo kami meron forever bestfriend. Kase may pangako kami sa isa't isa na bawal mafall. Kase pag nafall ang isa samin masisira ang friendship namin. At yon natapos ang recess tumambay lang kami sa garden. Lahat ng estudyante nasa room kami lang apat ang nasa labas. Sympre batas ako hahahaha. Jk lang, nakakaboring kase sa room.

Sa garden..

Nag usap usap lang kami tungkol sa mga first love. Ako naman taga ayyiiieee lang wala naman kase akong alam sa LOVE na yan.

Nikko sino bang first love mo? Angel

Napatingin saken si Nikko. Umiwas naman ako ng tingin.

K-kasali ba yan? -Nikko
Oo okay lang yan friends na naman tayo. Diba Ellise? -Angel
Ha? Ah oo-Ako

Hindi kase ako nakikinig sa kanila. Nakatingin lang ako sa isang classroom.

Ano na Nikko sino? -Angel
Sige na. Ang first love ko ay si Ellise. -Nikko

Flashback...

Nikko's POV
Grade 7 na ako haysss.. Ano kaya ang section ko. May isang teacher na nagturo saken kung saan akong room. Nang makarating ako sa room na tinuro nya nadon na yung teacher at isa na lang bakante don sa bandang likod. Una palang na pagkakakita ko sa katabi ko bumilis agad tibok ng puso. Nagpakilala ako kase transferee lang daw ako pagbalik ko sa upuan ko ngumiti saken yung katabi ko sympre napangiti din ako. Ang ganda nya kase. Hanggang sa nagkakilala na kami. Siya pala si Princess Ellise Joson. Nagtaka ako kase sa Joson University ako nag aaral. Hindi kaya sila ang may ari ng school na to. Hanggang sa nalaman ko na sila nga. So ayon naging friend kami. Sa sobrang close na namin non nafall ako sa kanya. Niligawan ko sya kaso friendzoned ako. Nasaktan ako non. Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Umasa ako na dadating ang araw na mahuhulog din sya saken. Pero ayaw nya talaga. Kaya tinanggap ko na lang na friends kami kesa wala..

End of flashback..

Ellise POV

Grabe naman pala ang pinagdaanan nyo no-Angel
Awasan na guys tara na-Ako
Ah sige una na kayo mamaya pa kami-Angel

Niyaya ko naman si Nikko sa park.

Nikko tara sa park-Ako
Ha? Hapon na-Nikko
Please.. -Ako
Okay-Nikko

Habang nakasakay kami sa kotse nagpaflashback saken yung mga nangyari dati kase naman nagkwento pa sya. Oo aaminin ko nagkacrush ako sa kanya nung araw na yon kaso diko sinabi kase sa kanya.

Sa park..

Nakaupo kami sa isang bench nag aantay ng sunset. Sabi kase nila may meaning daw yon. Kaya ayon inintay namin.
Maya maya may dumaang nagtitinda ng ice cream.

Nikko gusto ko non-Ako
Sige bibili ako. -Nikko

Pabili nga po. -Nikko
Ano flavor iho-Lolo
May strawberry po-Nikko
Oo, chocolate at strawberry to-lolo
Sige po tig isa po-Nikko

Nang maibigay ni Nikko saken yung icecream..

Iho, girlfriend mo ba yan? -Lolo
Hindi po bestfriend ko lang po sya-Nikko
Nako iho wag talaga. Kase may apo ako na nagsimula sila sa bestfriend pero nasira-Lolo
Nasira? Bakit po? -Nikko
Kase nafall yung lalake. Ayon nagalit yung babae kase may pangako sila sa isa't isa na bawal mafall. Lahat ng binigay nung lalake sa apo ko pinag susunog nya lahat. Dumating din yung araw na hindi sila ng nagpasinan. Kaya iho, iha wag nyong hayaan na mafall kayo sa isa't isa baka matulad kayo sa apo ko-Lolo
Opo hindi po. Salamat po-Nikko

Pagkasabi nya non umalis na si mamang sorbetero.

Grabe naman yong nangyari don sa apo ni manong no? -Nikko
Oo nga kawawa naman yung boy-Ako

Sa pag kuwentuhan namin hindi na namin nakita ang sunset. Hinatid na nya ako samin at umuwi na sya.

BestfriendWhere stories live. Discover now