Special day of Ellise

94 4 0
                                    

*Chapter 11*

Ellise POV

Birthday kona ngayon. Balak ko pa naman sana  magsorry kay Nikko kahapon kase ayoko na dumating ang birthday ko na war kami. Yun pala may tinatago sya saken. Nangako naman kami sa isat isa na bawal mafall. Pero bakit ganon hindi sya tumupad sa pangako namin. This is my saddest birthday.

Maya maya may nagtext saken si Angel pala.

From:Angel
Hi, lukaret! Happy happy birthday. Sana patawarin mo na si Fafa Nikko ha. Mbtc..

Nagreply naman agad ako.

To:Angel
Salamat Angel. Sorry ha hindi ko maiipangako na mapapatawad ko si Nikko kase nasaktan ako don. Nagtiwala ako sa kanya na hindi sya mafafall saken.. Haysss.. Ang hirap hirap lalo nat nagpanggap lang sila ni Althea.

From:Angel
Hay nako Ellise wag mong problemahin yang kay Althea ang problemahin mo ay kung pano mababalik ang friendship nyo.

To:Angel
Hayss.. Bahala na Angel. Di pa rin naman ako sure kung papatawarin ko sya eh. Bye na muna tinatawag na ako nina mommy eh. Punta ka dito ng 3:00 pm may party kase ako eh

From:Angel
Ah sige. Sasama ko si Nikko

To:Angel
Ha? Wag ako na ang bahala magsabi kayna mommy at daddy

From:Angel
Sige sige.

Maya maya ay pumasok si mommy. Nakita nya na naiyak ako. Lumapit saken si mommy at tinanong kung ano ang problema ko.

Oh! Baby girl ko bakit ka naiyak? -Mommy
Ah wala po-Ellise
Hay nako Ellise alam ko meron kang problema ano yon? -Mommy
Kase naman mommy si Nikko-Ellise

Lalo akong umiyak. Dahil naalala ko ang mga memories na meron kami noon.

Oh? Anong meron kay Nikko? -Mommy
Mommy! Mahal nya ako! Mahal nya ako more than friends-Ellise
What?! Sinabi na nya sayo-Mommy
Ha? Alam mo yon mommy?! -Ellise
Oo anak matagal na nya yung gustong sabihin sayo. -Mommy

Humagulhol na ako ng iyak. Hindi ko akalain na pati sina mommy ay kasabwat sa plano ni Nikko. Makalipas ang ilang oras 2:30 na. Dumating na ang magmemake up saken pero hindi ako kumilos. Ayoko bumaba. Wala naman akong gagawin don.

Mam Ellise magmake up nadaw po kayo sabi ng daddy nyo. Ang dami nyo na daw pong bisita. -M. A
Sige pulbohan mo na lang ako tsaka lagyan ng lipstick. Ayoko mag make up-Ellise

Pumayag na ako na ayusan. Alas 3 na kami natapos. Kaso tumutulo luha ko. Nahihirapan sya. Maya maya naman ay pumasok si Angel sa kwarto ko kasama si Nikko.

Ellise, im... -Naputol na ang sasabihin ni Nikko kase nagsalita na agad ako.
Nikko! Pwede ba umalis ka sa harapan ko. Naiinis ako-Ang pagtataray na sabi ko.

Pagkasabi ko non ay umalis na siya. Si Angel na lang ang kasama ko ngayon.

Angel?! Bakit mo sinama yon. Diba sabi ko sayo wag mo syang isama! -Ellise
Sabi nya saken tinawagan daw sya ng daddy mo-Angel
What?!!-Ellise
Oo, tinawagan daw sya eh.-Angel

Nagsimula na ang party ko. Nagmessage pa si Nikko saken.

Happy happy birthday prinsesa ko. Alam ko galit ka saken. Pero sorry. Sorry kase nafall ako sayo. Sorry kung hindi ako tumupad sa pangako natin. Di ko kase maiwasan. Sobrang close na kase tayo. Tapos ang sweet sweet mo pa saken. Sana kausapin mo na ako. Miss kona yung kakulitan mo. Miss kona ang kasweetan mo. At miss kona ang katarayan mo. -Nikko

Habang sinasabi nya ang lahat ng yon hindi ko maiwasan na maiyak. Kase kahit ako miss kona rin sya. Pero nasaktan talaga ako. Makalipas ang ilang oras ay nagkainan na. Medyo gabi na rin. Lumapit ako sa table nina Angel. Nakita ko nadon si Althea. Nakatingin sya saken. Maya maya dumating na si Nikko.

Ellise pwede kaba makausap? -Nikko
Pero.. Naputol ang sasabihin ni Ellise ng magsalita si Angel.
Sige na Ellise. Mag usap na kayo. Birthday mo naman diba. -Angel
Hayss, sige na nga-Ellise

Nagpunta kami ni Nikko sa garden.

Ellise, sorry kung nafall ako. Hindi ko naman ginusto yon. Sana hindi ko pa sasabihin yun nadala lang talaga ako sa galit ko. Yun yung matagal ko ng gustong sabihin sayo kaso nauudlot kase hindi pa ako handa para sabihin sayo. Kase alam ko naman ang mangyayari. Ellise, hindi kita pipilitin na patawarin ako. Alam ko naman na nahihirapan ka kase sinaktan kita. Mas maganda na siguro kung wala na lang muna tayong pansinan. At kung may dumating man na bagong tao sa buhay natin sana magsilbing aral yon. Sana mapasaya ka nya kagaya ng pagpapasaya ko sayo. Sana alagaan ka nya, sana mahalin ka nya, at sana sya na yung boybestfriend mo na tutupad sa mga pangako nyo. Siguro nga Ellise,hanggang dito na lang tayo. Hanggang dito na lang talaga ang tinakda ng pagkakaibigan natin. Ahm, basta sorry.-Nikko

Napaiyak na lang ako sa mga binitawan nya na salita. Lalayo na sya saken. Akala ba nya madali lang para saken na layuan nya ako. Akala ba nya masaya ako? Niyakap nya ako at niyakap ko din sya. Naramdaman kona may tubig na tumutulo sa balikat ko. Siguro umiiyak na sya. Kumalas na ako sa pagkakayap at nagsimula ng magsalita.

Nikko, alam ko naman na mahal mo ako. Matagal ko ng alam yon. Mahal mo ako as a friend. Ang ikinagalit ko lang naman sayo bakit lumampas don. Nikko pwede naman nating gawin yon sa tamang panahon. Hanggang friend lang tayo ngayon kase sabay nating tutuparin ang mga pangako natin. Nikko salamat ha. Kase lagi kang nadyan para saken. Salamat kase lagi mo akong pinapasaya. Siguro tama ka, siguro nga hanggang dito na lang tayo. At sana kapag may bago ka ng girlbestfriend hindi mo ako makalimutan. Sana maeffort din sya kagaya ko. Mahirap man para saken na magdesisyon kagaya mo gagawin ko pa rin kase para naman ito sa ikakabuti ko at sa ikakabuti mo. Mahirap man para saken na makita ka na may kasamang iba ay kakayanin ko pa rin. Salamat sa lahat lahat Nikko.-Ellise

Pagkasabi ko non ay niyakap nya ako at umalis na. Hindi ko mapigilan na mapahagulhol. Kase yung taong nakasanayan ko na kasama ay iiwan na ako. Mahirap man para saken na layuan nya pero kakayanin ko. Alam ko naman na ang pwede nyang ipalit saken ay si Althea. Hayss..

BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora