Kabanata 36

14.5K 457 62
                                    

Kabanata 36

"Don't pretend that you did not know." May irita na sa boses ni Arson, "kaya lang naman ayaw mong maalala niya lahat ng alaala niya dahil takot ka na baka iwan ka niya at bumalik siya sa akin." He chuckled. "You always knew that Lissana loved me, kahit man noong kinasal kayo. Alam mong kaya lang kayo kinasal dahil sa mama niya."

"Shut the fuck up." Mas lalong kumuyom ang kamao ni Johnny, ako naman ay lumuhod lang sa gilid ng kama para tignan si Black Dicky. Bahala na ang dalawang mag-away para sa akin, ang haba kasi ng hair ko. Hehe.

"You're always denying everything, huh? Kaya lang naman kayo kinasal dahil mafia boss ka. Mahal mo nga si Lissana, pero ikaw, mahal ka ba niya? Kaya mo 'ko pinakulong at siniguradong mabulok sa bilangguan dahil ayaw mong makita ulit ako ni Lissana. You're a coward. You're a user too, matapos mong gamitin ang ina niya para ikasal kayong dalawa, basta-basta mo na lang tinaboy."

Napatingin na ako sa dalawa dahil sa kanilang usapan, hindi ko alam pero sa bawat salitang binibitawan ni Arson ay katumbas ng mga alaalang bumabalik. Totoo ba talagang nagka-amnesia ako? All this time kasi akala ko Alzheimer's disease ito.

"Why are you not talking, Johnlee? Cat got your tongue?"

Huh? Nasa dila ni Johnny si Black Dicky? Kaya ba hindi ko siya mahanap dito sa ilalim ng kama?

"Call me whatever you fucking want, but you'll never have Lissana again. She's mine." May giit sa tinig niya.

Ngumisi si Arson at saka naglakad palapit kay Johnny, "is she now?" Tinapik ni Arson sa balikat si Johnny at saka tumalikod na, naglakad na siya palabas ng kwarto. Nang wala na siya at humarap sa akin si Johnny.

"Why did you let him enter our room?"

"Akala ko kasi si Arson kanina e ikaw." Lumabi pa ako.

Nagbuntong-hininga lang siya at saka tumungo sa banyo para maghilamos, saktong iyon ay lumabas si Black Dicky sa ilalim ng kama. Ayan! Nandyan ka lang naman pala! Akala ko tuloy nasa dila ka na talaga kanina ni Johnny!

Akmang hahaplusin ko si Black Dicky nang panlisikan niya ako ng kanyang mga mata kasabay ng pagtayo ng lahat ng buhok niya. "Ngraw."

Ano ang problema niya sa akin? Binigay ko naman ang lahat sa kanya? Pinakain ko naman siya? Binusog? Inalagahan at hindi pinagkaitan ng kagustuhan? Tapos ito ang igaganti niya sa akin? It hurts mga bes! Tagos mula sa vajayjay hanggang didi!

Hinayaan ko na lang si Black Dicky na lumapit kay Curly Fold. Pinagmasdan ko ang dalawa. Ang weird lang umakto ni Black Dicky ngayon, parang ganito rin siya noon bago pa man namatay si Elize.

Baka ikaw ang susunod na mamamatay...

Agad kong binaling ang aking iniisip. Masyado na akong nag-iisip ngayon. Nakakasama na ito sa utak. Kung pwede lang sanang maging tanga na lang forever, ginawa ko na. Pero araw-araw, bigla na lang akong may nalalaman tungkol sa akin, pakiramdam ko tuloy lahat ng tao sa paligid ko may alam na hindi ko alam.

Lumabas na si Johnny mula sa banyo, hubad ang kanyang shirt at basa ang kanyang buhok. May mga butil pa ng tubig na bumabagsak mula sa dulo ng ilan sa kanyang buhok, naglakad siya palapit. Ako naman ay napatitig lang sa kanyang pandesal. Ito yong matigas at lasang pawis pero... masarap.

Agad siyang humiga sa kama na tila napagod dahil sa rami ng mga nangyari ngayong araw. "You better sleep."

"Hapon pa eh." Lumabi ako nang hindi siya umimik. "I'm pouting."

"I mean, magpupuyat tayo mamaya para sa selebrasyon natin, we're having twins. I've never been so happy before, mi amore." Saad niya, tila nawala na lahat ng galit at inis niya mula kay Arson.

"Sharp shooter ka kasi! Panigurado kapag lalaki lahat ng kambal natin, sharp shooter silang dalawa." Tumango pa ako habang ini-imagine ko na na magkakaroon ako ng mga apong twins at triplets.

OMG bes. Ka-excite!

Gusto kong mabuhay hanggang sa panahong mangyari iyon. Hindi ako pwedeng mawala hangga't sa hindi ko makita iyon.

Humiga na rin ako at ginawang unan ang braso ni Johnny, kitang-kita ko ang buhok sa kanyang kilikili na agad ko namang pinaglaruan.

Johnny laughed. "That tickles, mi amore."

Hindi ko siya pinansin, tila nakakaadik ang buhok niya sa kilikili. May happy trail pa siya mula sa ilalim ng kanyang belly button pababa, iyon naman ang sunod kong pinaglaruan. Umiling na lang si Johnny at saka niya pinasok ang kamay mula sa shirt ko at hinaplos ang aking tyan.

"I'm so excited for the time that you'll have a baby bump." He kissed my forehead, ramdam ko ang init ng kanyang labi na agad namang nagbigay sa akin ng assurance na ligtas ako sa bisig niya. Niyakap niya ako matapos ang ilang sandali habang ang isang kamay niya'y nakahaplos sa aking mahabang buhok.

"Mi amore, I love you. I always did. For so many years before. It was only you. Mahal na mahal kita."

I opened my mouth to respond, but no words came out. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Johnny, mabilis ang pagtibok ng puso ko, tila nabibingi ako sa bawat pagpintig nito. Kinagat ko ang babang-labi ko at hinugot ang lahat ng lakas-loob para mag-reply, "thank you."

"Really? Thank you?" Tumawa nang marahan si Johnny, "it's better than sorry so I'll accept that." Pagkatapos ay nagkaroon na ng katahimikan. Isang nakakabinging katahimikan. Beh, ikang klase talaga ano? Nakakabingi na rin pala ang katahimikan.

Matapos ang ilang sandali'y narinig ko ang paghilik ni Johnny. Isang senyales na tulog na siya, ako naman ay nagpatuloy lang sa paglalaro sa buhok niya sa kilikili, tumagilid ako ng higa at humarap sa kanya, pinasadahan ko ng tingin ang kanyang maamong mukha.

Makapal ang kanyang kilay na on fleek. Nag-aahit ba siya ng kilay? Kung sa bagay, kilay is life. Ang kanyang ilong naman ay hindi katangusan ngunit hindi rin kapanguhan. Basta, matangos ito pero hindi masyado. Parang isang koreano lang. Tapos hugis puso ang kanyang labi. Mabuti hindi ito tumitibok?

Bumaba ang aking tingin hanggang sa kanyang jawline, grabe! Ang pointy ng dulo! Bumaba muli ang aking tingin hanggang sa kanyang leeg, may adam's apple siya, nakakaakit din ang kanyang collarbone. Ngunit walang makakatalo sa kanyang malapad na dibdib.

Wala sa sariling dumapo ang aking kamay sa nipple niya, "ang liit."

"Mmh..." He moaned in his sleep.

I traced his muscles, bumaba na hanggang sa kanyang matigas na tinapay.

"Mi amore, are you horny? Stop playing with my body." He said in his bedroom voice. Lumunok naman ako at saka ko pinikit ang aking mga mata, ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Meow," napatingin ako kay Curly Fold nang tumabi siya sa akin, ginawa niyang unan ang paanan ko, si Black Dicky naman ay nanatili sa sofa. Masamang nakatingin sa akin na animo'y may kasalanan akong ginawa.

"Johnny, tulog ka na?"

"Sasagot pa ba ako kung tulog na 'ko?"

"Malay mo, nag-i-sleep talking ka." Hindi siya umimik. "Johnny, gusto ko ng ham."

"Aysh. Let me sleep please."

Kumunot ang noo ko, "ham!"

"Later."

"Ngayon na!"

"Aysh. Let me sleep."

"Ham muna! Gusto ko ng ham! Hindi mo ba ako naiintindihan?"

"Mi amore, if you don't shut your mouth, I'll kiss you! Hindi ko tatanggalin ang labi ko sa iyo hanggang mamayang gabi."

"Ham nga kasi!"

Nagulat ako nang bigla na lang itulak ni Johnny ang ulo ko palapit sa kanya kasabay ng paghalik niya sa aking labi, tatanggalin ko sana ngunit tila magnet na nagdikit ang aming labi dahil sa kanyang kamay na bigla niyang tinulak mula sa likod ng ulo ko.

Ramdam ko ang pagngisi niya kasabay ng pagpikit ng kanyang mata, he fell asleep while our lips were collided. Ramdam ko muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko, tila mababaliw na ako sa bawat segundo, lasang strawberry at mint ang kanyang labi. Nakakabaliw.

Pinikit ko na lang din ang aking mga mata.

Deadly Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon