Kabanata 18

21.2K 580 174
                                    

Kabanata 18

Pumasok na kami sa loob ng kwarto namin ni Johnny, si Curly Fold naman ay agad na pumwesto sa sofa niya, sumunod naman si Black Dicky sa kanya.

"Meow." Tila angal ni Curly Fold.

"Ngraw." Sagot naman ni Black Dicky.

"If it's true that he can predict death, then I guess he'll be pretty useful." Saad ni Johnny habang nakatingin kay Black Dicky. Isang tipid na tango lang ang sinagot ko kay Johnny at tumitig sa mga malalaking bag na punong-puno ng mga alahas.

"Johnny, pwede ko na bang buksan ang mga bag?" Tanong ko.

"Of course, mi amore." Saad niya habang naghuhubad, "I bought all of the items inside just for you."

Tila kuminang ang mga bag sa aking tingin at agad silang binuksan, nilabas ko naman ang mga alahas, mga dyamante, ginto, alahas, at lahat na at saka sila hinayaan sa sahig, tila nagkalat naman ng mga accessories at jewelries sa kwarto namin.

"Mi amore," Johnny hissed. "Mawawala mo ang lahat ng iyan kapag ganyan ka kaburara."

Bumuntong-hininga siya, "come on, let's put them inside." Saad niya sabay bukas sa drawer ng kanyang study table.

"Sige!" Masayang sagot ko sabay pulot sa mga alahas at lagay muli sa bag, pagkatapos ay hinila ko ang mga bag palapit sa study table. "Johnny, rich kid ka talaga, ano?" Nakangiting saad ko sa kanya habang nilalagay namin sa drawer ang mga alahas.

"Why did you say so?" Tanong niya.

"Kasi nagawa mong bilhin ang lahat gamit ang iyong pera."

"Who says I'm using my money?" Ngumisi si Johnny, "I'm stealing money from corrupt politicians. They won't know that, of course. Sa dami ba namang tinatago nila."

"Masama ang magnakaw!"

"Edi masama kang tao." He accused.

"Ha? Paano ako naging masama? Hindi naman ako nagnakaw ah?" Lumabi pa ako.
"Nagnakaw ka kaya." Johnny countered, "ninakaw mo ito." Aniya sabay hawak sa kamay ko at giya nito papunta sa dibdib niya kung saan may tumitibok.

"Ano? Ninakaw ko ang dibdib mo?" Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ko naman maalala na ninakaw ko ang dibdib mo, Johnny. Naiintindihan naman kita na flat-chested ka at dalawa ang likod mo pero ang pag-akusa mo sa akin ng magnanakaw? Its hurt! Oo! Its hurt! Ay teka, it hurts pala. Hehe. Anyways, masama ang magbintang Johnny! End of story!"

"Aysh." Bumuntong-hininga siya, he looked at me as if he was frustrated and close to giving up.

"Ang ibig kong sabihin, ninakaw mo ang puso ko." He mumbled. Umiwas pa siya ng tingin at nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya.

Ano raw?

Ninakaw ko ang puso niya?

E paano siya nabubuhay?

E ano ang tumitibok kanina?

Titi niya siguro?

Teka, paano naman magkakaroon ng titi si Johnny sa loob ng kanyang dibdib? Oh, my god!

Alien ba siya?! Siguro kaya siya nage-alien language noon? Oh, crap! Saan kaya niya tinago ang UFO niya? Bakit naman nagpapanggap na tao si Johnny?

Kukunin ba niya ako papunta sa outerspace? Tapos magpapakasal kami sa Mars? Tapos magto-tour kami around the universe?

"The way you're looking at me, I know you're thinking a lot of stupid things." Umiling si Johnny, "you know, every time I try to be sweet, you always ruin the moment, mi amore."

Deadly Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon