Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen

Magsimula sa umpisa
                                    

OA! Haha! Boxers lang ang nanakawin kulong agad?"


"Pero..."


"Tsk! Sige na Kendrick. Kunin mo lang nang mabilisan tapos tumakbo ka pabalik dito sa sasakyan para hindi na tayo mahuli,"


"This is childish Belle!"


"No it's not! Ang saya kaya nito. Get loose papabebe! Masyado ka kasing seryoso. YOLO! YOLO! YOLO!"


Nagsimula siyang mag chant sa may kotse kaya naman mabilis kong tinakpan yung bibig niya.


"Wag ka maingay! Marinig pa tayo ng mga lalaking yan,"


Psh. Iskandalosa talaga kahit kailan. Pag kami narinig ng mga naglalasing diyan lagot na kami.


"Belle. Yes, it's true.  You only live once but like what they say, if you do it right, once is enough. We shouldn't do this. Baka kung ano pang mangyari sa atin," Kinagat niya yung kamay ko kaya wala akong magawa kung hindi tanggalin ito sa pagkakatakip ng bibig niya.


"Ew. Nerd ka talaga forever kumo-quoatable quotes ka pa diyan! Pati ang pag yo-Yolo ko ginagawa mong big deal,"


"I'm just saying my point,"



"So was I. Look at you. You are young. Pero natatakot ka. Bakit ka ba natatakot? I'm always observing you...Kendrick. You think too much. You care too much.  Stop being a stiff. Stop caring what other people may think. Say what you want. Do what you want.  Be whatever you want.  Live now. Take some risk. Embrace danger. This life is yours Ken. When are you going to realize that you can do whatever f*ck you want, huh? Kaya bilis na, pumunta ka na dun at kunin yung superman boxers na gusto ko,"



"Pero..."


"Ken, only those who risk are the one that truly lives. So get your butt out of here, and get my boxers,"


May magagawa pa ba ako? Nagbigay na nang utos ang kamahalan, may karapatan pa ba akong umangal? Kung hindi ko lang gusto tong babae na'to. Tsk.


"Pagkatapos nito, ako mismo ang magbubura ng lahat ng kopya mo ng video ko." Seryoso kong sabi.


Hindi siya agad sumagot sa akin at ngumiti lang.


"Belle,"


"Ken,"


"Seryoso ako,"


"Mas seryoso ako sayo,"


Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon