Nightfall 2: Stray

Magsimula sa umpisa
                                    

Naiiling na kinuha ko ang baso sa kamay niya. "Sober up. I'll find Celine. Huwag kayong aalis dito!" mabilis na saad ko. I couldn't leave them for long, baka kung ano ang mangyari sa kanila. Kung sakaling may masamang binabalak ang stray cat na nasa paligid, kailangang mailayo ko agad sila rito upang makaiwas kami sa gulo.

Wala sa sariling kinuha ni Alys ang cellphone niya at may tinawagan. She was talking to her ex now, begging him to come back. Hindi ko alam ang sinabi ng ex niya pero naiinis na ihinagis ni Alys ang cellphone sa bakanteng couch. She cried and threw up. Hindi ko na lang siya pinansin. She would get better soon.

Iginala ko ang paningin sa loob ng bar. Mula sa isang madilim na sulok, natanaw ko si Celine. Muntik na siyang matumba at lasing na lasing na pero may lalaking sumalo sa kanya. Celine's eyes were closed but she was smiling. Why did they drink so much if they couldn't handle their alcohol? Damn!

Napansin ko ang paggalaw ng labi ng lalaki na tila may sinasabi. Mahina namang tumawa si Celine na tila nagustuhan niya ang narinig. Nagpasya na akong maglakad patungo sa kinatatayuan nila. The guy caressed her face ever slightly. He didn't look like a college boy, he looked like a grown-up man. And he was handsome in the darkness.

I couldn't fully see his face, but he was obviously charismatic. The way he moved his hands and supported her weight, he was elegant and composed. But I didn't want to check his features. I wanted to get my friends out of here and so I ignored every little detail of him.

"Excuse me," pagsingit ko sa kanila.

Natigilan ang lalaki sa ginagawang pagbulong kay Celine. Dahan-dahan niyang inangat ang paningin sa 'kin. Kumunot ang noo niya nang titigan niya akong mabuti. He had bright brown eyes and a strong jaw. Makinis ang kutis niya at maninipis ang mga labi.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan. Isang segundong tumigil sa pagtibok ang puso ko sa hindi ko maintindihang dahilan.

Muli niyang ibinaling ang paningin kay Celine bago muling bumaling sa 'kin. "Your friend?" malalim ang tinig na tanong niya sa 'kin. Wala sa sariling tumango ako. Nang matauhan agad kong hinawakan si Celine.

"Let's go home," mahinang sabi ko. She was half-awake but she nodded. I was sure her head was spinning due to the alcohol. I could feel the guy's intent gaze on my back, and that made me uneasy. Agad kong inilayo si Celine sa kanya. My instincts told me to do so.

Hindi ko alam kung paano ko sila naisakay sa kotse. Celine threw up before she could even get in the car. Hindi na sila makapaglakad nang tuwid sa matataas na heels nila. I closed the door of the passenger seat and they were already sound asleep. Bago ako makapunta sa driver's seat, naalala ko ang cellphone ni Alys sa couch.

Holy cat! Iniisip ko kung babalikan ko ba ito o hindi. Sa huli, nagpasya akong balikan ito at nagbabaka sakaling nandoon pa sa upuan ang cellphone niya. Bago ako umalis, sinigurado ko munang naka-lock ang bawat pinto ng kotse.

Malalaki ang mga hakbang na naglakad ako patungo sa entrance ng bar. Nasa dulong bahagi pa naman kami ng parking lot. Kapansin-pansin ding madilim sa bahaging ito. Tanging ang halos bilog na buwan ang nagbibigay-liwanag sa paligid.

Sa hindi ko malamang dahilan, biglang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. I usually didn't get these goosebumps so easily. My goosebumps were rare, and whenever I got them, something bad happens. Siyam na taon na ang nakalipas nang makaramdam ako ng ganito. Noong gabing paslangin ang mga magulang ko.

I looked around, searching for something suspicious. The whole place was eerily quiet and dark. Even the lights were blinking until they died. Mas lalong tumitindi ang namumuong takot sa kalamnan ko.

NightfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon