Chapter 3

16.7K 371 3
                                    

Accidentally got pregnant by May master
Chapter3

#The Masters Family
#The Mail

#Eureka

Inihatid ako ni Zain sa mansion.
Pagkatapos kung mag emote.
Hindi naman ako full time katulong talaga.
Scholar ako ng Lola ni Master at dahil nahihiya ako,at walang ginagawa kaya naisip ko na tumulong tulong na lang ako sa mga gawaing bahay

Kahit ano ginagawa ko.
Hanggang sa nagrequest si Master ng personal maid niya.
At ako ang napili niyang kunin.
So yon.
Wala namang problem sa working relationship namin..
Maayos naman.
Nagsimula lang talagang naging hindi na maayos noong may mangyari na sa amin.
Nagbago na ang turing niya sa akin.
Para bagang naging awkward.
Kaya siguro nagrequest siya ng panibagong help..
Pagkatapos ng gabing yon ni hindi namin napag-usapan ang nangyari sa amin..
Basta parang wala na lang.

Kapapasok ko pa lang sa mansion ng agad akong sinalubong ni Nanay Norma, isa sa mga pinagkakatiwalaang katulong doon.

"Nako, saan ka ba nagpunta Eureka. Kanina ka pa hinahanap ni Madam Leah."

Si Madam Leah ay Lola ni Master.

"Po bakit daw po?"Kinabahang tanong ko. Ewan ko ba lately palagi akong kabado. Dahil siguro sa pagiging buntis ko. Hindi pa nila alam ang kalagayan ko ngayon.

Nagkibit balikat lang si Nanay Norma.
"Andoon siya sa library niya,hala sige punta ka na doon."

Tumango na lang ako.
At nilampasan ko na siya.

Pero napahinto na lang ako ng marinig ko ang sinabi niya.

" Umiiyak ka ba ineng?"

Hala,masyado bang halata ang pamumugto ng mga mata ko?

Oh no,!

"Ah nako hindi po. Napuwing lang po ako kanina."

Yon lang ang kaya kung sabihin saka nagmamadali na akong umalis.

Library/Madam Leah's office.

Kumatok na muna ako bago pumasok.

Nang walang sumagot ay dahan dahan kung binuksan ang pinto.

Ah may tao naman pala.

Nasa loob naman pala si Madam.

"Magandang araw po Madam. "
Bati ko sa kanya sabay yukod.

Napahinto si Madam Leah sa kung ano man ang ginawa niya.

"Have a sit Eure."Pormal na wika niya sa akin. Medyo may edad na din si Madam Leah,nasa late 60's na siya. Pero maliksi pa din kung kumilos.

Napalunok na lang ako.
Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.
Parang di na ako makahinga sa sobrang kaba.
May pagka strict kasi si Madam Leah.


"May ipag-uutos po ba kayo sa akin, Madam? "Magalang na tanong ko. Wala kasi akong ideya kung bakit niya ako pinatawag,bibihira lang kasi niya akong ipatawag.

Hindi siya sumagot bagkus ay may inabot siya sa aking puting
Envelope.

Nagtaka man ay inabot ko pa rin.

"Ano po ito, Madam?"Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko. Bakit parang may mali.

Isinenyas niya sa akin na buksan ko ang puting sobre.

Ewan ko ba pero may kakaiba sa envelope na to.
Kinabahan talaga ako.

Huminga muna ako ng malalim.
Bago dahan dahang binuksan ang envelope.
Yong kamay ko parang nanginginig na,may di maganda akong nararamdaman sa laman ng Envelope.
Hanggang sa tumambad sa harapan ko ang laman nito.

No no no no no.
Tama nga ako.
May di maganda ngang laman ang envelope.

Hindi.
Hindi..

Hindi.

Paano ito napunta kay Madam Leah..

Sinong sender?

Lagot ako.

Anong gagawin ko?

Hindi na ba talaga matatapos to?

Namutla talaga ako sa nakita ko.
Grabe ang kabang naramdaman ko.
Napahawak ako sa dibdib ko feeling ko aatakihin ako sa sakit sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso.

" I don't know who sent that mail to,me. Isa lang ang sigurado ako sa mga oras na ito. May hawak din na ganyang sulat ang parents mo. So hindi ko na itatanong kong totoo o valid ba yan, isa lang ang tanong ko sino ang Tatay ng batang dinadala mo? Sa pagkakaalam ko wala kang boyfriend. At Hindi ka din mahilig sa mga lalaki. So isa lang ang nakikita kung pwedeng gumawa niyan sayo. "Kinabahan ako sa bawat katagang lumalabas sa bibig ni Madam. Nakakatakot yong aura niya ngayon. Kaiba sa mga normal na araw. Parang anymonent,magwawala siya.

"Sabihin mo na sa akin bago ko pa paimbestigahan ang lahat.Who is the father?"May diin ang pagkakasabi niya."Siguro mababa ang tingin mo sa sarili mo dahil kung tutuusin para ka naman talagang katulong na dito. Pero alam mo naman siguro na kakaiba ka sa lahat. Dahil ang Lolo mo ang nagligtas sa buhay ng esposo ko. May utang na loob kami sa pamilya nyo. Kaya ayaw kung nagkakaganito ka. Sabihin mo sa akin kung tama ba ang hinala ko. Sa kung sino ang ama ng batang dinadala mo. Magsalita ka Eure, hindi ka pwedeng maagrabyado sa sitwasyong ito. Sino ang ama ng batang dinadala mo Eureka? Sino? "😈😡

............

Sino nga ba????
😀😀😀😀😀😀
Lagot na nalaman na ni Lola.....
#parang may Laban na si Eureka.. Ang galing ni Lola..... 😀😀😊😊

Enjoy reading...

Accidentally Got Pregnant By My Master.😉(COMPLETED)under Major EditingWhere stories live. Discover now