"Mag-aaral ako para sa'yo. Maghahanap ako ng mas magandang trabaho."

"Wag na. Hindi tayo para sa isa't-isa, Wendell. Mabait ka naman saka infairness gwapo ka ha. Marami ka pang makikilalang ibang babae. Yung bagay sa'yo. Birds of the same feathers flocks forever. Sorry talaga." Tinapik ko siya sa braso at iniwan na. "O siya! I need to be back my home. Bye!"

Ilang taon din akong niligawan niyang si Wendell. Okay naman siya. Mabait, palagi kaming pinauutang niyan kahit nag-aaway na sila ng nanay niya. Masipag. Gwapo. Yun nga lang wala sa kanya ang kaisa-isang katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Wala siyang pera. Hindi siya mayaman. Katulad namin isang kahig, isang tuka lang siya. Sawa na ako sa ganitong buhay. Gusto kong yumaman at kahit ano gagawin ko para mangyari iyon.

"Bongga may flat screen tv na kayo!" Sabi ni Ninang pagpasok niya ng bahay. Umikot ang mga mata niya sa mga gamit sa bahay. "At bago ang sofa niyo, ha. Kaya lalo kayong pinagchichismisan ng mga kapit-bahay."

"Yang tv sinangla sa amin ni kumpareng Delfin at yan naman sofa bagong bili yan ni Saskia. Ang ganda 'no?" Natutuwang sabi ni Nanay.

"Mabuti naman pinalitan niyo na yung kahoy na upuan niyo, eh inaanay na nga yata yun." Humalakhak si Ninang Jodie.

"Ninang, ba't di ka sumama magshopping sa amin?" Ngumuso ako.

"Eh may event nga dun sa Tagaytay. Kinuha akong hairstylist, sayang naman yung racket. Aba! Limang libo din yun." Sabi niya.

"Pero di bale, meron naman akong binili sa'yo." Kinuha ko ang paperbag na may laman na damit at inabot iyon sa kanya.

"Ang sweet talaga ng inaanak ko. Hindi talaga ako nakakalimutan nito." Niyakap ako ni Ninang.

"Syempre naman! Ikaw pa, eh ikaw ang paborito kong ninang." Sabi ko. "Naalala ko tuloy yung kapanahunan mo pa, yung dalaga ka pa, Sasha. Di ba ang dami mo din pera nun?"

"Ay oo! Sinabi mo pa. Ginagarahe kasi ako ni Mayor noon. Sariwang-sariwa pa ako noon." Tumawa si Nanay. "Ang dami kong pera noon. Mga bagong alahas. Bagong damit. Bagong cellphone. Lahat ng uso meron ako."

"Eh anong nangyari, My?" Tanong ko sa kanya.

"Kayo! Kayo ang nangyari." Sagot niya.

"Huwag kang mag-alala, My, yayaman ulit tayo." Tumayo ako sa may bintana at tumingala. "Ipinangangako ko, My. Bukas luluhod ang mga tala."

"Ay! Ang galing ng inaanak ko! Pwede ka na mag-artista!" Sabi ng supportive ninag ko.

Binigay ko sa pamilya ko lahat ng luho nila. Binili ko si Cosme ng mga libro, Si Yuka mga bagong damit, sapatos, case ng cellphone niya at kung anu-ano pa. Bumili din ako ng mga gamit sa bahay. Bagong sofa, tv, electric fan, bago at mas malambot na kama. Yung iba sinasanla lang sa amin pero alam namin namin na hindi na yun matutubos. Gusto kong ipalasap sa kanila ang masaganang buhay na hindi nila naranasan.

Bili dito, bili doon. Gastos dito, gastos doon. Hindi ko namalayan na nauubos na pala ang pera namin. Hanggang sa sampung libo na lang ang natira sa ipon ko. Pero ngayon natikman ko na ang masaganang buhay ayaw na bumalik sa wala. Ayaw ko ng bumalik sa realidad.

Nasa labas ako ng bahay namin, nakaipit ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri ko. Itinaas ko iyon sa labi ko at hinithit iyon. Hinayaan kong pumasok ang usok sa baga ko bago ko binuga iyon.

"Inaanak!" Lumabas si Ninang Jodie mula sa bahay. "Ano'ng ginagawa ng maganda kong inaanak d'yan?"

"Nag-iisip." Bumuntong-hininga ako bago ko tinapon sa harap ko ang yosi at inapakan.

"Ano naman iisipin mo?"

"Ninang, gusto kong pumasok sa club." Sabi ko.

"Ano? Papasok ka sa club? Bakit?" Umupo si Ninang Jodie sa tabi ko.

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon