Limit Thirty Seven: The Only Thing That's True

9.6K 231 15
                                    

Limit Thirty Seven: The Only Thing That’s True

 

 

 

(9th Force – Skylar)

 

 

            Tumingala ako just to see the same signage over and over again. “Gaano ba kalaki ang facilities ng Hernandez Medical at lahat na lang ata ng doktor eh d’yan nagta-trabaho?”

                 “Can you blame them?” Leila shrugged her shoulders. “Iyan na nga ata ang isa sa mga pinaka-kilalang ospital sa buong Metro. Lahat ng magagaling nilang doktor eh d’yan naka-base ang clinic. Isa pa, mataas naman ang building.”

                 “Ang gara.” <- Si Amber po ‘yan. Opo, sumama po siya. = o =

                 “Paano kung hindi tayo pahintulutang pumasok?” tanong ko na nakatitig pa rin sa pagkataas na signage ng ospital.

                 “Sabi kasi senyo magpagawa na tayo ng papel eh. At least madali na ‘yon. Sa ayaw niya’t sa hindi magsasalita siya.” sabi ni Amber.

                 “Di na kailangan.” Kontra naman ni Leila. “May badge tayo. First class kayo. Hindi naman siguro magiging gano’n kahirap.”

            Come what may, here we go.

            Diretso pasok kami ng ospital. Tumingin kami doon sa may bulletin board nila para hanapin kung saang floor nakalagay ang clinic ni Ana Rayven. She’s on the fifth floor so kinailangan naming gumamit ng elevator.

            Pagdating sa fifth floor, hinanap namin yung clinic number 538. Parang hotel room din pala yung mga ganito. Ang ipinagkaiba, mas magara lang ang ayos. May desk sa labas tas andu’n yung secretary nila. Secretary ba tawag du’n o assistant?

                 “Eto na ata ‘yun.” @.@ sabay turo ni Amber sa room number.

                 “Yes, Ma’am? Ano pong kailangan nila?” tanong nung magandang babae kaso medyo may crisis sa height na nakatayo sa may desk sa labas ng kwarto.

                 “Hello, I’m Skylar Harcourt. Nandy’an ba si Doctor Ana Rayven sa loob?”

                 “May appointment po kayo?”

                 “Ah no, wala eh. Taga-ZAFT kasi kami, I’m a ZAFT first class. May itatanong lang sana kami sa kanya.”

                 “ZAFT? 0___0 Baket? Anong ginawa ni Ana?” 0___0

            Hala. ("__ _) “Wala siyang ginawa, Miss. May itatanong lang talaga kami.”

The Life Of A Secret Agent In Full Force: Some Delicious BoundariesWhere stories live. Discover now