Limit Nine: Knowing Rey Ashton
(9th Force – Skylar)
The sound of Ginri’s laugh. Nakakatuwa talaga. Tipong pati ikaw mapapa-giggle din. Hindi rin talaga nakaka-boring sa isang malaking mansyon kapag may kasamang mga babies. Madadagdagan pa ng dalawa kasi parehong buntis sina Amber at Yanyan.
Kainggit. >__<
Well… I’m not saying na gusto ko ring mabuntis pero kasi happy family silang lahat eh. Iyon ang nakakainggit.
“We can’t risk losing. If we lose again lalo lang natin silang pinapayaman.”
“I know. Kaya nga gumagawa ako ng paraan eh.”
Narinig kong umurong ang silya na inookupa ni Rey. And as usual, he walks out of the meeting again. Lagi naman niyang ginagawa ‘yan. Sanay na rin siguro sila. Ako medyo. Wala naman kaming magagawa. = . =
“Ah Sky.”
Tumingin ako kay Erinne. Binitawan ko ang kamay ni Ginri at lumapit sa kanya. “Yep? Need anything?”
“Here, take this.” May iniabot siyang folder sa akin. “Isa ‘yan sa mga hiningan mo ng parole. Granted na siya, hinihintay na lang yung iba.”
Napangiti ako sa narinig. “Really? Kailan siya makakalabas?”
“No definite date but I think it’s soon. We just have to wait.”
“Wow. Thank you so much.”
“Sino ba ‘yun?” biglang usisa ni Xena. “Tuwang-tuwa kang makakalaya na siya. Boyfriend mo?”
Sa sampung myembro ng Full Force, si Xena po ang intrigero. Mahilig gumawa ng tsismis kaya nakakapikon rin minsan but I do get it na hindi naman niya gaanong pine-personal. It’s just his way of entertaining himself sa boring na bahay na ‘to. Kaya nga madalas sinasakyan ko na lang. =___=
“Tatay ko.” ( - _-)
“Weh? Maniwala?”
“H’wag ka maniwala, walang may sabi sa’yo.” :P
“Daya mo.”
YOU ARE READING
The Life Of A Secret Agent In Full Force: Some Delicious Boundaries
RomanceSiya si Skylar Harcourt. Ang super sexy, super talino, super kiri, super mayabang at super sakit sa ulo na bounty hunter. Lahat na ng superlative, siya na yun. Isa nga siyang bounty hunter. Bounty hunter na naging bodyguard na naging myembro ng M...