Chapter Two

797 42 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AUTHOR'S NOTE

I'm back for another story. LOL.

Actually, this story was part of my first series ever entitled TALES OF TWO HEARTS. Unang instalment po ito ng story.

Kung kilala niyo si DRAKE PALMA na extra ng book 2 ng STRING FROM THE HEART, siya po ang bida rito. Dahil sa na-attach ako sa taong ito kaya naman nag-decide ako na bigyan din siya ng sariling kwento. And thank God that I'm already in chapter four of this story. Sana nga lang at hindi ako mawalan ng muse sa paggawa ng kwentong ito. Sana matapos ko rin ito bago pa matapos ang iba.

Ang istoryang ito ay parang breather ko mula sa paggawa ng SftH. Kapag hindi ako nakaharap sa tablet at walang maisulat sa papel, I'm resorting to my phone and writing this story.

Sana po ma-enjoy nyo ang istoryang ito! Salamat!!



CHAPTER TWO


NAGISING SI Keith sa pakiramdam na parang may malaking bagay ang nasa ibabaw ng dibdib at hita niya. Kinusot-kusot niya ang mata saka gumalaw ngunit hindi niya iyon madaling nagawa. Mukha talagang may nakadagan sa kanya. Nang imulat niya ang mata nagulat siya nang makita na may brasong nakayakap sa kanya at mga hitang nakadantay sa hita niya. Nanlalaki ang mga mata na tiningnan niya ang taong katabi. Napalayo pa siya rito ng mapansin na kaunting distansya na lamang ang pagitan ng mukha nila. Kung hindi pa siya lumayo ay baka nagdikit na ang labi nilang dalawa. Naguguluhan siya. Paanong hindi siya maguguluhan? Kagabi alam niya na nasa kabilang kama ito at doon natutulog. Paano ito napunta sa higaan niya? Alam niyang lasing ito. Natitigilan na lumayo siya rito at inalis ang mga braso at hita nitong nakapulupot sa kanya. Napapalatak na lang siya. Tiyak niya na nagising ito kaninang madaling araw para umihi o kung anuman at hindi yata napansin na hindi ito sa kama nito nahiga. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Maglalasing-lasing ito tapos ganito.

Tinatamad siyang tumayo at inaantok pa. Ayaw pa niyang bumangon. Tinalikuran na lamang niya ito. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi pa nga siya nahihimbing sa pagtulog nang muling dumantay sa kanya ang braso ni Drake. Mas sumiksik ito sa kanya. Tila napagkamalan pa siyang unan sa ginagawa nito. Naaasar na inalis niya ang braso nito. Itinulak niya ng malakas na naging dahilan ng pagkahulog nito sa higaan.

Agad niyang tiningnan si Drake. Nahulog na ito at kumalabog pa sa pagbagsak pero tulog pa rin. Lasing na lasing talaga ang kumag. Napailing-iling na lang siya habang tinitingnan ito. Nakanganga pa ang lalaki at humihilik pa. Ayos din talaga ang lalaking ito. Hindi na siya makatulog sa ginawa niya kaya naman nagdesisyon siyang tumayo sa higaan at maghanda para sa umaga. Medyo gutom na rin siya. Hindi na niya rin papakiaalaman ang ayos ni Drake. Bahala na itong alamin kung ano ang nangyari dito. Iyon kung malaman nga nito ang mga kabalastugan na ginawa.

He decided to go out for a morning jog along the seashore. Tamang-tama ang sarap ng simoy ng hangin sa umagang katulad nito. Naghanap siya ng pwedeng maisuot. Isa-isa niyang nilabas ang mga damit niya na nagkalat sa loob ng maliit niyang maleta. Hindi naman siya makalat na tao sa gamit niya. Sa katunayan organize siya sa mga personal niyang gamit. Ngayon lang nasira ang habit niyang ganoon dahil sa kasama niya sa kwarto. Well, hindi naman niya pwedeng sisihin si Drake kung makalat ang gamit niya dahil siya naman ang dahilan niyon. Kung hindi nakaharang ang maleta niya sa gitna ng kwarto hindi sana nito nasipa iyon pagkarating nila sa resort at mag-ayos ng gamit. At sa halip na itupi ang mga damit ay basta na lamang niyang nilagay ang lahat ng iyon sa maleta. Nang makakuha siya ng basketball short at isang puting sando ay agad niyang sinuot iyon.

The Healer of my Broken HeartWhere stories live. Discover now