Wizard's Tale 1: Chapter 8

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano naman yang tinatakpan mo dyan?" Sa wakas napansin na niyang may tinatakpan nga ako sa mukha ko.

Pero sa asar ko, "Wala."

Kaso tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Bigla tuloy akong na-conscious sa titig niya! "Ano ba! Bakit ganyan ka makatingin?"

"Ano bang tinatago mo dyan?" Hinawi niya ang kamay ko at nakita na niya ang sugat ko! "Bakit may sugat ka?" Ay nagtanong pa!

"Natalsikan ako nung mabasag mo yung mga bintana kanina." Siya may kasalanan, hindi niya alam! Kaasar talaga!

"Ah ganun?" At ngayong alam na niya na siya ang may kasalanan, mahinahon pa rin siya! "Sa susunod mag-iingat ka na lang." Saka niya ako tinalikuran at nagsimulang maglakad uli.

Walang hiya naman talaga! Hindi man lang nag-sorry! Akala ko pa man din pagagalingin niya ang sugat ko! Bwiset talaga!

Si Brylle Zaffiro na yata ang pinaka-mayabang, pinaka-walang puso at super ungentleman na lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko! Nakakapeste ng araw!

Napatigil uli kami sa panibagong shop. Mga magical herbs naman ang itinitinda dito! At yung tindera, maganda naman siya—kung dalawa lang sana ang mata niya.

"Mr. Zaffiro!" As usual, kilala din siya ng tinderang cyclops! Oh siya na sikat! Malamang sikat din siya pagiging masamang tao niya! "What can I do for you?"

May binanggit si Brylle na leaf something! Pagkabigay ng tindera sa kanya, binayaran niya ito agad at saka siya lumapit saakin. "Heto, nguyain mo."

"Ha?" Iniabot niya saakin yung dahon na binili niya. Sa itsura ng dahon, parang pinulot lang sa daanan! "Balak mo ba akong lasunin?"

"Ang dami mong angal!" Bigla na lang niyang sinalpak yung dahon sa bibig ko at hindi ko yun madura dahil pinigilan niya ako.

"Pweh!" Nalunok ko na tuloy. Grabe lang, ang sagwa ng lasa at nakakasuka! "Ang sama mo talaga! Ano yung pinakain mo saakin?" Maluha-luha na ako! Ano nang mangyayari saakin? Magta-transform ba ako na maging halimaw?

Pero dahan-dahan lang siya lumapit saakin at magka-level na ang mga mukha namin. Saka niya hinawi ang buhok ko para tignan uli ang sugat sa pisngi ko. "Magaling na!" He smiled and poked my cheek.

Naramdaman ko ngang wala na ang kirot at paghawak ko sa pisngi ko, wala na akong nakapang sugat! "Teka, nakakapagpagaling ng sugat ang dahon na yun?"

"Oo, ano ba sa tingin mo?" Magkatitigan lang kami—at na-guilty ako bigla sa mga pinagsasabi ko sa sarili ko tungkol sa kanya. "Halika na. May isang lugar pa akong dapat puntahan."

Wala na akong sinabi at sumunod na sa kanya. Mabait ba siya o masama? Minsan kasi nakaka-bwiset ang ugali niya. Pero may mga bagay siyang ginagawa na talaga namang nakaka-touch! Tama ngang wag maniwala sa akala lang! Kikilalanin ko na nga lang ng maigi ang lalaking ito! Kailangang masiguro ko kung ano ba ang dapat na isipin tungkol sa kanya.


* * *


Ang huling destinasyon namin ay sa isang bookshop.

"Hintayin mo lang ako dito at hahanapin ko pa sa taas ang kailangan ko."

"Hindi ba ako pwedeng sumama?"

"Eh di sana sinama na kita kung pwede di ba?" Oh yan pinahiya na naman niya ako! Bangag din minsan ang lalaking ito! Minsan mabait, minsan suplado, madalas masama!

"Oh di sige, pumunta ka na doon." Kaysa mabawasan pa ang pogi points niya saakin. Katiting na nga lang, maglalaho pa!

"And don't touch anything. Tandaan mo, wala kang pambayad." Nagbanta pa siya! Hindi naman ako pakelamera noh!

Nang maiwan na akong mag-isa, inobserbahan ko na lang ang buong lugar. Bakit kaya walang nagbabantay? Sinabi ko ngang hindi ako pakelamera pero usisera po ako. Curious ako sa mga naka-display na libro so I checked left and right, saka ako lumapit sa mga yun.

Love potions, money potions, revenge potions. Spells sa ganito, spells sa ganyan, spells sa ganun. Lahat ng mga libro tungkol sa magic, meron dito! "Ang interesting naman ng mga 'to!"

Naglakad-lakad pa ako at tiningnan yung iba pang nakalagay na libro sa bookshelves. Wala akong hinahawakan tulad nga ng panakot ni Brylle. Binabasa ko lang ang mga titles kasi nakaka-amaze!

Meron ding mga history books, but there's one book in particular na nakakuha ng atensyon ko. Yung title ay nakasulat sa kakaibang letra. Pero nang titigan ko ito, parang nababasa ko na rin. "Lux Bloodline: The Lost Lux Princess."

Gusto kong kunin yung libro para basahin kung anong meron dun. Sa lahat ng mga nakita ko, ang kwento ng nawawalang Lux Princess ang agaw-atensyon. Pero bago pa man makalapit ang daliri ko sa librong yun, biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"85 Rugrants." Paglingon ko, nakatayo na sa likod ko ang isang lalaki.

Kakaibang nilalang siya. Kasing puti ng snow ang balat niya, may silver-blonde na buhok, kumikintab na kulay silver din ang mga mata niya at may labing kasing pula ng dugo. Tingin ko gwapo siya kapag naging tao siya, at matanda lang ng kaunti saakin.

"Pasensya na." Napaatras na lang ako. "Wala akong pambayad, pero hindi ko naman nahawakan yung libro."

"Sino ka?" Nakatitig siya saakin at parang inamoy niya ako. Kakaiba ang naging reaksyon niya. Hindi naman ako mabaho ha! Nakaligo na ako kanina!

"Kasama ko si Master Brylle. Nasa taas pa siya, hinihintay ko lang." Nagmadali na lang akong bumalik dun sa pwestong inuupuan ko kanina. Pero ramdam kong sinusundan na niya ako.

"Sino ka?" Inulit niyang tanong.

"Sinabi ko na, di ba?" Medyo nawi-weirduhan at natatakot na din ako sa kanya.

Isang hakbang na lang papunta dun sa kinauupuan ko, pero naramdaman ko na ang paghawak niya sa balikat ko. Akala ko kung ano nang gagawin niya saakin kaya napapikit na lang ako sa takot.

"Yana." Paglingon ko, nakabalik na pala si Brylle. Nilingon-lingon ko ang paligid, pero wala na si creepy snow guy. "Tara na, pwede na tayong umuwi."

Napatango na lang ako at nakahinga ng maluwag.

Saan na kaya napunta yung lalaki? At bakit ganun na lang ang ikinilos niya?

Higit sa lahat, anong meron dun sa libro?





Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon