Chapter 2

4 0 0
                                    

You fall in love with the most unexpected person at the unexpected time. I fell in love with her each time I am with her. I fell in love with the way she walks and talks. The way she makes my heart flutter.After a month, naging kami ni Chanelle. I would never ever forget how I courted her. I never imagined myself kneeling before a girl, singing in front of their door, asking to be with her during lunch, sending sweet messages. I could say that this was the best and sweet thing I did for a girl.

I wanted to regret whatever I did in the past. Reality hits me. Bakit ko pinaasa ang mga babae noon? Why did I give them false hopes? Just thinking about the guys who gave false hopes to Chanelle makes me feel real mad.

I don't want any men come near her just to fling. Friends can be but there's a great boundary. Isang malaking lupa ang pupuntahan ng isang lalaki kung sakaling lumagpas sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila.

I don't want any guy be sweet with her.

Only I who has the rights to love her that much.

Nagluto ako ng paborito niyang ulam at inihanda ang mesa para sa gagawin kong surpresa. Hindi na mahalaga kung hindi ako marunong magluto ang mahalaga ay naipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Na kahit ang hindi ko alam gawin aypag-aaralan ko para lamang magawa ko ito para sa kanya. Kahit ano pa ang kailangan kong gawin ay hindi ako titigil.

"Chan, nasaan ka na?" Tanong ko sa kanya. Kanina kasi noong tumawag ako ay nasa school pa siya at tinatapos ang meeting nila. Hindi ko naman siya masundo dahil naghahanda ako.

"Hi, baby! Pauwi na ko. May good news din pala ako sa'yo..." Masiglang sambit niya sa akin. Napangiti ako dahil sa naririnig kong kasiyahan sa boses niya.

"Talaga? Ano 'yon?"

"Later ko na lang sasabihin sa'yo. Basta good news para sa'yo!"  Aniya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya ibinaba ang telepono. Inayos ko naman ang mesa bago ako naligo at naghanda para pumunta sa kanila. Excited na ako.

Ito ang unang pagkakataon na na-effort ako ng ganito para sa isang babae. Sa unang pagkakataon, aaminin kong baliw ako sa isang babae. Sa unang pagkakataon, naging baliw ako sa pag-ibig. Habang hinahanap ang susi ng bahay,  may biglang kumatok. Napailing na lang ako.

"Ang kulit din naman nito. Talaga naman..." Napangiti ako.

Lumapit ako sa pintuan upang buksan ito.  Laking gulat ko ng makita ko si Jerome. Agad na kumunot. Ang noo ko. It's not that I'm not happy that he's here, it''s just that I can't believe.I don't expect him to be back here.

"Bro,  what brought you here?" Naibulalas ko. Hindi ko maitago ang kasiyahan sa boses ko. After all, we're still friends. Wala namang nasira sa pagiging magkaibigan naming dalawa.  

"Pwede ba kitang iwanan basta? After all, we're still bros." sagot niya. Binatukan ko siya at napangiti.

"Miss mo ko 'no?"  Biro ko sa kanya. Umarte naman siyang parang nasusuka. Pinapasok. Ko siya sa loob at nagkwentuhan ng ilang sandali. Napansin niya ang hinanda ko kaya napag-usapan namin si Chanelle.

"Kayo na ba?" Seryosong tanong niya. Tumango ako," tatlong buwa na ang lumipas nung sagutin niya ako."

"Bro hindi naman sa against ako sa inyo, but it is much better if you'll let go of her. Bago pa mahuli ang lahat.. Tapusin mo na ang lahat ng namamagitan sa inyo ni Chanelle. Kahit hindi niya gustong saktan ka, masasaktan ka lang.  Hindi kayo pwede..."

"Pre, anong alam mo?  Bakit ano bang alam mo na hindi namin alam ni Chanelle? Hindi naman siguro isang kasalanan na maging kami ni Chanelle, diba? Wag na nating pagtalunan 'to.." I said in defeat. Umalis siya at iniwan ako dahil sa pagtatalo naming dalawa tungkol kay Chanelle. Ngayon bumalik siya, pagtatalunan pa rin ba namin 'to? 

"Ayaw lang kitang masaktan.  Hanggat mababaw pa ang pagkakalunod mo, gusto kong iahon kita.  Wag mong bahiran ng pait ng luha ang tubig sa dagat. Wag mong kulayan ng dugo ang malinaw na tubig nito."

Natapos ang buong araw na hindi na namin ulit napag-usapan si Chanelle. Buong araw rin kaming hindi nagkita o maski nakapag-usap kahit sa telepono man lamang. Hindi ko alam kung may ginagawa ba siya o hindi niya lang hawak ang cellphone niya. Nami-miss ko na ang boses niya. Ang panglalambing niya sa akin. Parang hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang boses niyang musika sa aking tainga. Siguro ay dapat ko siyang puntahan ngayong gabi. Malay ko ba kung nasstress na iyon ngayon sa mga projects niya at ako lang ang stress reliever niya.

Kinuha ko ang wallet ko at nagpaalam kay Jerome saglit. Bago ako dumiretso sa bahay nila Chanelle ay bumili muna ako ng paborito niyang pagkain.

"Chan! Baby!" Kumatok ako sa bahay nila pero walang nagbubukas kaya tinawag ko na siya. Pero kahit ang kanyang lola ay wala doon. Bukas naman ang ilaw pero bakit walang sumasagot. Bakit parang walang tao?

"Tao po! Chan! Baby!" Muling tawag ko.

Tinignan ko ang aking relo. Imposibleng tulog na ang mga tao dito, masyadong maaga para sila ay matulog. Bakit walang sumasagot?

Ilang minuto pa ako kumatok at nagsisigaw bago binuksan ni Chanelle ang pintuan. Umamba akong yayakapin siya pero agad niya lang akong tinalikuran. Binilisan niya rin ang paglalakad papuntang bakuran nila.

Bakit dito? I mean, okay lang dito at least presko naman ang hangin. Para naman hindi rin masyadong nakakahiya sa lola niya.

Tahimik siyang umupo sa isang ugat na nakausli at iniiwas ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang kanyang mukha at pilit na iniharap siya sa akin. Ramdam kong may mali, mayroong problema na ayaw niyang sabihin sa akin. Namumula rin ang gilid ng kanyang mata. Nagluluha ngunit pinipilit niyang huwag tumulo.

"Baby, anong problema?"

"Wala."

Binitawan ko ang kanyang mukha at hinawakan ang kanyang kamay. "Baby, hindi mo kailangan magtago sa akin. Kung anong problema mo karapatan kong malaman. Kaya sige na, sabihin mo na." Pagpupumilit ko sa kanya. Ngunit pagtulo ng kanyang luha ang sumagot sa akin. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kaninang umaga.

"May good news ka pa ring sasabihin sa akin, diba? Alam ko na kung bakit ka umiiyak. Tears of joy, yan no? Sige na sabihin mo na..." Pinilit kong siglahan ang boses ko pero alam ko sa sarili kong hindi tears of joy ang tumutulo. Pinipilit kong paniwalain ang sarili kong okay siya at walang problema.

"Micael, tigilan na natin 'to nasasaktan ako. Hindi ako kailan man sasaya sa piling mo. Tama na. Wakasan na natin 'to."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tadhana Where stories live. Discover now