Chapter 1

12 0 0
                                    

"Hi..." Bungad sa akin ni Chanelle. Pumunta muna kami ni Jerome sa tindahan na binabantayan ni Chanelle para bumili ng meryenda.

Nakakapagod ang maghanap. Halos buong bayan ay sinuyod na namin para lang mahanap ang kapatid ko pero wala pa rin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nagdadalawang-isip na nga ako kung talaga bang andito siya. Nahihirapan na ako. Parang habang tumatagal mas nawawala yung chance na makita ang kapatid ko.

"Micael okay ka lang?" Tanong ni Chanelle. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Oo naman," ngiti ko sa kanya. Tumulong na si Chanelle para mahanap ang kapatid ko. Lumapit na rin kami sa barangay para lang magkaroon ng idea kung saan matatagpuan.

"Nagtanong-tanong si Lola sa mga kakilala niya kung mayroon ba silang natatandaan na batang pinaampon dito sa lugar namin pero wala pa siyang nababalitaan." Aniya.

"Salamat ah." Sabi ko sa kanya. "Sa totoo lang hindi ko alam kung saan maghahanap. Nahihirapan na ako..."

"Okay lang 'yan. Wag kang mag-alala mahahanap mo rin si Hannah..." Sabi niya sa'kin. Isang ngiti niya lang ay gumaan na ang kalooban ko. Nagiging positibo ako sa tuwing nakakausap ko siya. Bakit ba ang bait ng babaeng 'to?

**

"Excuse me po..." Sabi ni Jerome habang dumaan sa pagitan namin ni Chanelle habang nagwawalis. Sasapakin ko 'to. Umeepal na naman.

"Dalian mo nga 'yan." Utos ko sa kanya. "Mag-uusap pa kami."

"Ulul. Don't me, pre. Mag-uusap? Baka maglalandian..." Asik niya.

"Inggit ka lang eh," biro ni Chanelle. Tinawanan ko si Jerome. "Halika ka dito lalandiin din kita." Dagdag na biro ni Chanelle. Gusto ko agad batukan si Jerome dahil sa sinabi niya.

Tinignan ko siya ng masama pero nginisian niya lang ako.

"Ayaw ko baka may manapak..." Tawa niya sabay alis papuntang kusina.

"Ang kulit niyong dalawa. Nakakatuwa kayo." Ani Chanelle sa akin. Bumaling naman ako sa kanya.

"Sus. Kami daw. Baka siya lang," sagot ko. "May gusto ka kay Jerome 'no?" Pagdududa ko.

"Wow ah. Kay Jerome talaga? Kung sayo sana okay pa eh. Sa kanya talaga?"

Aasa na sana akong may gusto siya sa akin pero next time na lang. Halata naman sa mukha niyang nagbibiro lang siya.

"Nagkaboyfriend ka na ba?" Diretsong tanong ko. Saan pa ba hahantong ito diba? Hindi pa naman ako manliligaw. Gusto ko lang malaman kung wala ba akong kalaban sa kanya. Gusto kong malaman, kahit maliit lang, kung may pag-asa ba ako sa kanya. Kahit sa maliit na chance na 'yon ayos lang. Makukuntento na ako.

Dahil sa pagtatanong ko nalaman kong nakatatlo na siya. Una niyang boyfriend ay ginawa lang siyang rebound dahil mas gusto nito ang kaibigan niyang malayong kamag-anak nito. Gusto ko namang sapakin ang pangalawa niyang boyfriend na hiniwalayan siya sa mismong araw ng monthsary nila. Ang pangatlo naman ay masyadong shitty dahil walang tiwala sa kanya.  Masyadong mapaghinala.

Napansin kong naluluha ang kanyang mata. Bago pa man bumagkas ang mga luha sa kanyang mata, lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Ang drama mo," pagbibiro ko. Bahagya niya akong hinampas sa dibdib. Suminghot siya ng mahina at tumawa.

"Ikaw eh. Tatanong-tanong ka pa."

Niyaya ko siyang kumain kami sa ihaw-ihawan pero parang narinig ng unggoy na nasa kusina.

"Pre ako? Di mo yayayain?" Tanong ni Jerome.

"Wag ka na. Kami na lang," sabi ko. Niyaya naman siya ni Chanelle.

Tadhana Where stories live. Discover now