You're The One

132 6 5
                                    

*TOK TOK*

"Mia! bumangon kana dyan may pasok ka pa." sigaw ng mama ko habang kinakalampag ang pinto ng   kwarto ko.

"gising na ko."simpleng sagot ko, inaantok pa ko, pero kelangan ko ng bumangon, tumayo na ko saking kama at niligpit ito. Lumabas na ko ng aking kwarto at dumiretso sa may kusina, nakita kong nag hahain na si mama.

 "Ma, anong ulam?" tanong ko.

"hotdog."

“si papa kumain na?”tanong ko habang nagsasandok ng pagkain

“oo tapos na, kaw nalang ang hindi kumakain”sabi nya.

"bilis-bilisan mo nalang kumain baka malate ka."tumango na lamang ako sa kanya. Pagkatapos kong kumain naligo na ko at nag bihis.

"Mama alis na po ko." humalik ako sa pisnge nya

"sige, ingat ka." sabi nya habang nag-huhugas ng plato.

 

Natigilan ako pag labas ko sa bahay, hala NAULAN, ang lakas ng patak ng ulan. wala kang maririnig na iba dito sa labas kundi ang mga patak ng ulan sa mga bubongan ng mga kabahayan. Nilabas ko na ang payong ko at nag-umpisa ng maglakad na animo nagmumuni-muni.

Hindi ko namalayan na nasa may university na pala ako, nilakad ko lang to malapit lang naman kasi to sa may bahay siguro mga 15 min. lang. Hindi pa rin tumitila ang ulan pero bahagya itong humina. Tiningnan ko ang oras sa relo ko at ng makita kong mag s-seven na nagmadali na kong pumunta sa m6 para sa klase ko sa math. Pagdating ko sa room wala pa si sir. Dumiretso na ko sa may likod, dun sa may upuan ko.

Ako nga pala si Mia Sanchez, 19 yrs old, 3rd year college dito sa JEJARE University, course Accountancy. Private tong school na pinapasukan ko , di namin to aFford pero dahil sa schoolarship naka-enroll ako. Dito kasi napasok ang nag-iisang kaibigan ko na si Shane at parehas kami ng course. Nilibot ko ung paningin ko kung nandito na si Shane. Wala pa, late na naman ang loka.

Maya-maya lang dumating na si Sir, nagcheck muna sya ng attendance, Ayan na malapit na kong tawagin pero wala parin si Shane magkasunod kasi kami ng surname nauuna lang ako.

“Sanchez Mia” 

“sir” hala sya na pero wala parin sya.

“Sergio Shane” 

“SIR!” hiningingal na sabi ni Shane. Nagulat kaming lahat dahil sa lakas ng boses nito na kahit si sir nagulat.

“Okay, Ms. Sergio you may seat now and next time lower than your voice”

“Yes,Sir” sagot nito habang papunta sa tabi ko.

You're The OneWhere stories live. Discover now