Three

27 0 0
                                    

Stormy Colene Del Rosario

"Matty! Bakit hindi ka pumasok kahapon?"

"Oo nga Matthew, bakit hindi ka pumasok?"

"Miss ka na kaya ni Christel!"

Kasama ko ang mga classmates ko at salamat naman nagpakita na itong baklang to. Tinanong ko bakit ang tagal niya, sabi niya nasa cr. Nagka-mens daw. First time kaya di pa niya daw alam kung anong brand ang gagamitin. Bastos talaga.

"Uy, ganto ba talaga feeling? Grabe, now I know."

"Tigilan mo nga ako. Baka kung anong lumabas sa bibig mo nyan kakasalita eh."

Sita ko sakanya. Sarap i-duck tape ng bibig niya.

"Eto na nga, shatap na ako."

Nanahimik nalang ako sa mga sumunod na oras. Pag magtatanong sila dun lang ako magsasalita. Alam kong ramdam ni Dustin na wala ako sa mood. Buti nalang tumigil na siya.

Hindi ko pinahalatang wala ako sa mood. Kung kailangang tumawa, tatawa ako. Ayoko namang sirain ang mood ng mga kaklase ko. Napatingin ako sa orasan ko. 5:20 na pala.

Inaantok na ko. Sumandal ako kay Dustin at pinikit ang mga mata ko.

"Pagod kana?"

Tumango ako sakanya.

Nakakapagod.

"Cleo! Baka matunaw si Pres nyan!"

Napakunot ang noo ko sa narinig. Pero hindi ko minulat ang mga mata ko.

"Naku! Pres, wag ka munang mag boyfriend. Nakakasakit lang yan, iiwan ka rin bandang huli."

"Tska paasa sila!"

Narinig ko pang nagkukunwari silang umiiyak.

"Kayo kayang mga babae ang paasa! Pafall! Kung kelan gusto na kayo ng isang lalaki, iiwasan niyo na kami!"

"Maiiwan kaming clueless dahil sa pag iiwas niyo. Kung di naman iiwasan, rereject niyo kami!"

Paasa. Reject. Clueless. Iwas

"Oh tama na! Kayo talaga oh! Kabitteran niyo! Baka mahawa si pres nyan eh.''

"Totoo naman kasi eh. Paasa ang mga babae lalo na kapag alam nilang may gusto ang lalaki sakanila."

Napamulat ako bigla. Tinaggal ko ang pagkakasandal kay Dustin. Tumayo ako sa upuan ko na naging dahilan ng pagtingin nila saking lahat.

"Pagod na ako."

Tumalikod na ako sakanila at nagsimulang maglakad paalis.

I'm just.. tired, that's all

-

Dustin Joseph Damires

Nakatulala kami hanggang ngayon. Wala na pala siya.

"Pagod na ako"

Anlakas ng impact sa amin non! Hindi naman kasi basta basta ng gaganon si Stormy eh. Natamaan kasi eh.

"Hala. Napano si Pres?"

"Natamaan ba siya sa sinabi ni Darwin?"

"Bakit naman matatamaan si Pres? Ang layo sa itsura na paasa siya."

Napabaling ang atensyon ko sakanila.

"Tsaka siya? May love life? Nagpapakalunod nga yon sa mga libro eh."

SomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon