One

60 2 2
                                    

Stormy Colene Del Rosario

Tinatamad na akong magaral. Sobrang nakakatamad. Aral dito, aral doon. Ewan ko nga ba kung gagamitin ko ba to sa future eh. Kainis naman kasi tong Araling Panlipunan. Kaso kahit sabihin kong ayoko na gagawin ko pa rin.

"Hoy! Ano ba! Review na!"

"Aray! Wag ngang manapok! Nakakatamad kaya!''

Sinamaan ako ng tingin ng bakla kong katabi. Si Dalia. Ang arte niya. Sarap patayin.

"Pag ako na zero dahil sayo papatayin talaga kita."

Inirapan niya ko at bumalik sa pagce-cellphone niya. Tsk, kung hindi ko lang kaibigan 'to baka wala na siya ngayon.

"Itago na ang mga notebook. Maglabas ng 1 whole sheet of paper, isulat ang inyong pangalan, seksyon at ang araw ngayon."

Wait! Di pa ko tapos mag review!

"Itaga na yan, wala na tayong oras. Bilis."

Last nalang talaga.

"Ms. Del Rosario!"

"Eto na nga po tatago na po!"

Pinanlakihan ako ng mata ni miss kaya nagmadali akong humingi ng papel kay Dalia, pero sa kasamaang palad naghingi lang pala siya. Sa hindi ko pa ka-close.

Tsk. No choice

"Pssst! Homer! Penge nga."

Lumingon siya sakin at pinagtaasan ng kilay. Nginuso ko ang paper niya, buti naman at nakuha niya ang pinapahiwatig ko.

"Number your papers up to 40."

-

"Cunanan 34"

"Bautista 35"

"Bautista 21"

Del Rosario

"Domingo 31"

"Gomez 24"

"Fajardo 20."

Del Rosario

"Galang 29"

"Feliciano 25"

Bat ang tagal ng Del Rosario?

"Valer 13"

"Del Rosario 38."

Ang galing ko ta-

"Ouch! Dalia!"

Kulang nalang mahagis and braso ko sa pag kakahampas niya. Siraulo.

"Ang daya mo, naka 32 ako ikaw 38?"

"Kahit kelan hindi ka talaga nag iisip. Baka mahalata kang nangongopya sakin pag pareho tayong score."

"Congrats"

Agad na napabaling ang atensyon ko sa kaharap ko.

Hindi naman siya lumingon sakin. Nakikipagdaldalan pa nga siya eh. Baka guni guni ko lang yon. Umiling nalang ako at tumayo sa'king upuan.

Tutal wala na naman si Ms AP tska absent naman ang susunod na teacher namin kaya yeaaah. Vacant!

But come to think of it. Bawat pag palit ng pwesto naman bawat year lahat ng katabi ko, mapa likod o harap, nakaka-usap ko naman. Yung parang close na kayo? Kaso wala talaga kay Homer.

Bakit ko ba pinoproblema yon?

"Oy bakla! San ka pupunta? Sama ako!"

Liningon ko si Dalia at sinagot na sa canteen ako pupunta.

SomeWhere stories live. Discover now