“Ano’ng oras darating si Nate?” nabitawan ko ang tinidor na hawak ko na siyang nagbigay ingay sa dining room. I flinched when my father looked at me. It was the same look he gave me that day. Nag-iwas ako ng tingin.

“Uhm. Three pm Ma.” No matter how sweaty my hands are dahil kay Popsy, still, andun parin yung puso kong tumatakbo ng mabilis dahil kay Nate. Pakiramdam ko nga tumatakbo ito na hawak ang panty ko. I chuckled silently. Pati panty ko nadadamay dahil kay Nate.

Our relationship was so smooth during the last couple of days at nakilala na rin siya ni Mama. Gumala kasi kami ni Mama last time and I invited Nate too. Nakakatuwa nga kasi nag-click agad sila ni Mama. Mama is happy of course. Laking tuwa ko na rin kasi hindi na nagtanong si Popsy tungkol kay Nate. It’s as if wala na talaga siyang pakialam sa anak niya.

Natapos ang pananghalian namin na parang wala lang. Nagsasalita lang ako pag kinakausap ako ni Mama. Si Popsy naman tahimik lang at kung nagsasalita siya, si Mama lang ang kinakausap niya. I don’t know why pero pakiramdam ko tuloyan na akong nakalimotan ng tatay ko. Minsan, naiinggit ako sa iba because they have a happy family. We were actually happy not until that said day come. I shook my head in disappointment. No matter how Mama gave me so much love, still hindi ko parin mapigilang maghanap ng pagmamahal mula sa isang ama.

I got up from bed when my clock hits two. Matagal kasi akong matapos maligo and since Nate will come over, bibilisan ko nalang. Tama na siguro ang ten minutes? Hahaha. Nakakadiri yun. I mean, anong gagawin ko sa sampung minuto?

Nakakagulat man pero nakapag-ayos na ako sa sarili ko bago pa mag-three. Ilang beses pa akong pasilip-silip sa salamin para tingnan ang sarili ko. After a few minutes, may bumusina na sa labas. Halos kainin ko na yung sahig at hagdan namin dahil sa pagmamadali.

“Ma, alis na ako!” Napahinto ako sa paglabas nang makita ko si Popsy na nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin. After all, he’s still my father. “Popsy, alis muna ako.” I breathed heavily before leaving the house.

“Babe…” ngumiti ako sa kanya at sinalubong siya ng yakap. He hugged me tightly kaya mas lumapad ang ngiti ko. Damn, I never thought of being happy like this. He’s wearing a black shirt with faded jeans. And usual, andun parin ang manly scent niya as well as those messy hair. Natatawa nalang ako pag naalala ko yung kabalbalang ginawa ko sa arcade noon.

“Happy monthsary..” my heartbeat raised its pace. Oo, first monthsary namin ngayon. Nakakatanga man pero kinikilig ako. Sheet.

“Happy monthsary din.” Napa-hihi pa ako kaya tumawa siya ng bahagya. Sheet. Bakit ba ako nahihiya ng ganito? Para naman akong nagkakatol nito eh.

Bumitaw siya sa yakap namin at hinarap ako. Uminit ang pisngi ko nang hinalikan niya ako sa noo. Sheet. Paano niya napagsabay-sabay ang katagang sweet at respectful? Wala na akong mahihiling pa yata. Mas lalo ko kasi siyang minamahal. Nakakatakot na nga eh pero wala akong magagawa. May kung ano kasing pinapahawitag ang araw na ‘to pero hindi ko makuha ng buo. Napailing nalang ako, neglecting those bad thoughts. Why am I thinking such horrible things? Dapat magpakasaya ako.

“Shall we?” ngumisi ako sa postura niya. Nakalahad ang kaliwang kamay nito habang ang isa naman ay nakahawak sa pintoan ng kotse. I giggled lightly while accepting his hands. Pagkapasok ko sa kotse, naamoy ko na naman ang pabango niya. Ano ba naman ‘tong kotse na ‘to, naliligo ba ng perfume ‘to?

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon